Chapter 38

66 7 0
                                        

*Jupiter's POV

"Are we there yet?"

Tanong ni Heart habang nakasandal sa glass window ng bus. Wala pang five minutes nagtanong nanaman ulit siya.

"Are we there yet?"

Aish! 50 times niya na ata yang tinatanong skin!

"Heart, two hours pa lang tayo sa loob ng bus eh five hours drive yung baranggay Makisig. Matulog ka na lang puwede?"

Sumimangot siya sakin tapos nagsimula siyang maghalungkat ng bag niya saglit lang may linabas siyang candy pack na puno ng colored circle candies na kasing laki ng lollipop.

"Laro tayo."

I lean on my chair and close my eyes.

"Not interested."

I said dryly pero anak ng kinurot ba naman ako sa braso?! She's glaring at me and I know hindi niya ako tatantanan! Napahilamos ako ng mukha ko sa inis.

"Aish! Oo na! Ano bang game yan?"

Bigla din naman nabago ang expression ng mukha niya. Sinimulan niyang buksan ang candy pack sabay labas ng isang bilog na candy.

"Uso to sa Korea nakita ko tong nilaro ni Amber ng F(X). May isang word tayo na sasabihin pero every round madadagdagan ng isang candy ang bunganga natin hanggang sa hindi na natin mapronounce ng maayos yung word. Hahaha!"

Para siyang baliw na nakatingin sa candy habang nageexplain at tumatawa.  Take note na halos lahat ata ng nandito sa bus tulog. Siya na lang ang nagiingay.

"O tapos sinong mananalo?"

Tanong ko sa kanya.

"Kung sinong may pinakamadaming candy sa loob ng bunganga siyang panalo. "

Sagot niya habang kumukuha ng dalawang paper bag sa bag niya.

"Oh edi talo na ako sa laki ng bunganga mo pati wrapper ng candy kasya diyan."

Bigla niya akong binatukan sa sinabi ko hahaha! Binigay niya sa akin ang isang plastic bag just incase daw na may mahulog na candy may paglalagyan ako para hindi daw kami magkalat. Bago kami nagsimula naglagay siya ng cellphone sa harap namin na nakaset sa selfie cam. Alam kong kukunan niya nanaman to ng video at tama nga ako dahil pinindot niya na ang start button.

"Hello guys, meron kaming game na lalaruin ngayon ni Jupiter. Padamihan ng candy na mapapasok sa bunganga at siyempre may word na sasabihin. Ano bang word ang sasabihin natin?"

Tanong niya sabay tingin sakin.

"Charlie Puth."

Pumayag din naman siya sa suggestion ko na Charlie Puth.

"Ok we will start with the first candy."

Kumuha kami ni Heart ng isang candy at sabay naming sinubo eto. Naunang magsalita si Heart bago ako.

Jupiter's Heart (ON HOLD)Where stories live. Discover now