*Jupiter's POV
Kinabukasan maaga akong nagising kasi hindi naman talaga ako nakatulog ng maayos. Ewan ko andaming tumatakbo sa isip ko kagabi nakakainis! Nakaupo ako sa sofa habang nakatingin sa malayo ng biglang biglang may kumanta.
"Now I'm speechless over the edge and just breathless
I never thought that I'd catch this love bug again."
Napalingon ako kay tita na kumakanta habang umiinom ng kape niya. Sa dinami daming kanta yan pa!
"Tita wag mo namang masyadong ipahalata na excited ka na sa kasal mo."
Nakalimutan ko bang sabihin sa inyo? This October ikakasal na sina tita Dawn at kuya Lynx. Nakangiti padin siya habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Masyado kang bitter ligawan mo na kasi si Heart."
Napanganga ako sa narinig ko pero agad ko din namang sinara ang bunganga ko sabay iwas ko ng tingin sa kanya kasi inaasar na niya ako sa mga ngiti niya.
"Hindi ko kaya siya type! Pero teka nga pano mo ba nakilala si Heart?"
Hindi ko naman matandaan na nagkuwento ako tungkol kay Heart at hindi ko din matandaan na nagkita na sila ni Heart.
"Naikuwento sakin ni Lynx. I would like to have a doctor in our family."
Nakangiting sagot ni tita Dawn. Agad kong iniwas ang tingin sa kanya dahil pakiramdam ko namumula na ako dahil sa panunukso niya.
"Ewan ko sayo tita."
Tumayo na ako at dumiretso sa hagdan.
"Kakain na tayo ng breakfast within 20 minutes."
Napalingon ako kay tita at napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Nagluto ka? Bakit marunong ka nang magluto?"
Tanong ko sa kanya. Eh hindi naman marunong magluto yan! Maaga ding umalis sina mama para sa meeting nila kaya malabong may nakahandang pagkain para sa almusal ngayon. Ngumiti nanaman siya sabay inom sa kape niya bago sumagot.
"Hindi, nagtext kasi si Lynx sabi niya dadalhan niya tayo ng pagkain."
Tsk grabe natalaga nagagawa ng pag-ibig. Dati rati eh mas masungit pa siya sa matandang dalaga ngayon naman halos minuminuto nakangiti siya. Umakyat na ako sa kwarto at nagsimulang magbihis dahil napagkasunduan namin ni Heart na susunduin ko siya at sasakyan ko ang gagamitin naming dalawa.
♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥
"Ter? Kakain na."
Dinig kong tawag ni tita Dawn habang kumakatok sa pinto.
"Bababa na saglit lang."
Aish nakakaasar! Pano kasi kanina pa ako nakatingin sa closet ko at nakailang palit na ako ng damit pero wala akong makitang gusto ko.
Napalingon ako sa kama ko nang bigkang mag beep ang phone ko. It's a message from Heart.
"Good morning Jupiter! 9 am ha wag mong kakalimutan! ♥"
YOU ARE READING
Jupiter's Heart (ON HOLD)
Teen FictionFRICTION UNIVERSITY BOOK TWO A story of two hearts wounded by the past, yet find its way together mending the broken pieces back. Join Jupiter in his journey in search of his long lost heart.
