Chapter 30

76 5 0
                                    

*Heart's POV

Para akong sundalo na pabalik balik na naglalakad sa kwarto ko.

"Ano na Heart why are you like this? Wahaaa!"

Umakyat ako sa kama ko at nagsimulang tumalon habang nakahawak ako sa buhok ko.

"Hindi puwedeng magtugstugs ang heart mo Heart! Hindi puwede!"

I forcefully drop my body on my bed with my feet up in the air then nagflash back ulit yung tingin ni Jupiter sakin kanina.

"Pero kasi yung titig niya sakin kanina, he's like searching for answers inside me. Ay shet! Bakit ako kinikilig! Enebe keshe! Hahaha!"

Napaupo ako sa kama habang sinasampal yung sarili ko. Tumakbo ako papunta sa salamin at tinuro ang sarili ko na parang si Nora Aunor.

"Bakit ako kinikilig!"

Nababaliw na ata ako help meh! Natawa nanaman ako sabay higa ko sa sahig nung naisip ko nanaman yung pagtitig sa akin ni Jupiter kanina.

"Pero kasi yung titig niya sakin kanina eh! Hahaha! Ay ano bayan Heart!"

Kinurot ko yung pisnge ko para hindi na ako ngumiti pero putspa hindi ko mapigilang ngumiti hahaha! Pinagpapadyak ko na yung paa ko sa hangin, pag ako nakita ni doc Clare ngayon ipapasok niya ako sa clinic niya sasabihan niya akong kailangan ko nang magpatingin sa psychiatrist hahaha!

Saglit lang din biglang nawala yung ngiti sa mukha ko, nababaliw na ata ako. I'm clearly playing cupid here pero bakit parang ako ata yung tinatamaan? Hindi puwede to mga bes! Talo ang unang nahuhulog sa larong to! Everything that falls breaks! Minsan na akong nahulog at nabasag ayoko nang mangyari yun ulit.

Napatayo ako bigla sabay gulo ng buhok ko at nagsimulang tumalon na parang baliw.

"Hindi puwede itetch! Hindi ako puwedeng magkacrush kay Jupiter!"

"Sino si Jupiter?"

napahawak ako sa dibdib ko sa gulat sabay lingon ko sa pinto, bwisit nandito na yung kambal hindi ko man lang namalayan!

"Diba sabi ko sa inyo kumatok muna kayo bago pumasok sa kwarto ko ha?!"

At sabay pa silang sumandal sa pinto ko habang hawak hawak ang baba nila. Narealize kong gulo gulo pa yung buhok ko kaya napatayo ako ng tuwid sabay pasimpleng ayos ko ng buhok ko.

"Si Jupiter ba yung nakasama mong nawala for one night?"

Tanong ni Steffan sasagot pa sana ako pero inunahan na ako ni Stephen.

"Yep! Yung lalakeng nakasama niya na natrap sa isang bukid for one good night. Phew!"

Pinangdilatan ko sila ng mata habang naghahanap ng mga dapat kong sabihin.

"H-hoy kayong dalawa anong Jupiter pinagsasabi niyo ha?!"

Namumula na ata ako ngayon. Gaano na ba sila katagal na nakikinig sakin? Wahaaa! Baka kanina pa! Lumapit silang dalawa sakin at sabay pa nila akong inakbayan.

"Don't worry noona kaming bahala ni Stephen sa'yo, that Jupiter will go crazy over you."

Jupiter's Heart (ON HOLD)Where stories live. Discover now