Nathan's POV
Pagkatapos ng art exhibit dumiretso kami ni Heart sa grocery store para bumili ng maiinom. Trip naming magpakalasing mamayang gabi!
Nasa cashier na kami ni Heart para bayaran ang mga kinuha naming pagkain, binigyan ko ng buong 1000 bill yung cashier.
"Sir, may 2 pesos po kayo?"
"Ganyan naman po kayo eh. Hindi kayo kontento sa buo, kahit na binigay na namin yung buo na meron kami hindi padin sapat. Katulad lang sa pagmamahal. Hindi kailan man magiging sapat kahit na binigay mo na yung buong meron ka. Orayt rock and roll to the world! Hahahaha!"
Nag hi five kami ni Heart habang tawang tawa padin kami sa hugot line ko. Pati yung cashier natawa din.
"Sir, kaya lang naman po kami humihingi ng dagdag kahit na buo pa yung pera nyo para masiguro naming buo din ang maisusukli namin sa inyo. Parang sa pagmamahal din po, kahit na alam mong naibigay mo na yung buong meron ka sinusubukan mong magbigay padin ng sobra, minsan kasi hindi magiging sapat yung buo dahil sa paningin mo yun na yung best na maibibigay mo na sa tingin nya naman ay hindi pa. Kaya minsan mas maganda na din yung sobra kesa kulang hindi ba? dahil umaasa ka din na masusuklian ng buo ang pagmamahal mo sa kanya. Kaya ka nagbigay ng sobra kasi alam mong walang gustong magsukli sa taong nagbigay ng kulang. Orayt! Hahaha! "
Namemersonal ka ata ate tagustagusan yung hugot line mo eh! Dumukot agad ako sa bulsa ko ng dalawang piso sabay patong ko sa counter.
"Ate oh, yung two pesos mo."
Tumatawa na din pati yung ibang costumers na nakapila.
"Bakit sir naranasan mo na po bang hindi masuklian?"
Oo! Hinding hindi na nga ata maibabalik yung sukli na inaasahan ko. Tumango ako sa cashier na oo, tumawa din sila sa ginawa ko.
"Sobra sobra po bang binigay nyo?
Karapat dapat po bang suklian yung binigay nyo?"
Hindi, kasi kulang yung binigay ko. Kaya siguro hindi nasuklian.
"Here's your change sir, enjoy your day, come again!"
Napapaisip padin ako sa sinabi sakin ni ateng cashier. Karapat dapat nga bang suklian yung binigay ko? Sa tingin ko, hindi. Naramdaman kong tinulak ako ni Heart palayo dahil para akong naging isang tuod na nakatingin sa malayo.
YOU ARE READING
Jupiter's Heart (ON HOLD)
Teen FictionFRICTION UNIVERSITY BOOK TWO A story of two hearts wounded by the past, yet find its way together mending the broken pieces back. Join Jupiter in his journey in search of his long lost heart.
