Chapter 42

67 7 0
                                        

*Jupiter's POV

Nakanganga ako habang nakatingin kay Claire. Halatang nagtataka din si Heart kung sino tong babaeng nakatayo sa harap namin. She's wearing a pink shirt paired with black minnie skirt and a brown chevron classic sneakers.

"Oh my gosh it is you! I miss you gummy bear!"

Nakangiting sabi niya sabay yakap niya sakin ng mahigpit.

"Gummy bear?"

Dinig kong tanong ni Heart. Humiwalay din agad si Clare sabay tingin niya kay Heart mula ulo hanggang paa.

"Who's she gummy bear?"

Napalunok ako ng laway habang nakatingin sa kanilang dalawa ngayon.

"Ah ano, si Heart kaibigan ko. Heart si Clare, Ex ko."

Nakita kong nagulat din si Heart sa sinabi ko at tumawa agad si Clare sabay hampas niya sa dibdib ko.

"Ano ka ba naalala ko tuloy ang sweet past natin. You were such a naughty boy when we were---"

"Clare!"

Pagputol ko sa sinasabi niya baka mamaya kung ano pang masabi niya sa harapan ni Heart.

"A-anong ginagawa mo dito?"

Tanong ko habang pinipilit ikalma ang sarili ko. Ngumiti si Clare sabay tayo niya sa pagitan namin ni Heart.

"I was just strolling and I'm glad I found you."

Nakangiting sabi niya sabay yakap niya sa kanang braso ko. Napatingin din ako kay Heart na nakatingin lang din sakin habang nakataas ang kanang kilay neto. She cleared her throat to remind Clare of her presence pero ngumiti lang si Clare sa kanya sabay hila niya sakin palayo habang yakap ang braso ko nang biglang hawakan ni Heart ang kaliwang braso ko. Ramdam na randam ko ang paghigpit ng hawak niya sakin at pakiramdam ko umiinit na din ang leeg ko sa sobrang kaba ngayon.

"Teka lang ha, Clare di ba? Ba't pakiramdam ko gusto mong solohin si Jupiter?"

Mataray na sabi ni Heart sabay hila niya sakin papunta sa kanya. Clare gritted her teeth as she flip her hair and rolled her eyes.

"So ano ngayon kung gusto ko siyang solohin? Bakit sa'yo ba siya? Kaibigan ka lang niya di ba?"

Nakangising sagot ni Clare sabay hila niya din sakin. Gusto kong sumagot sa usapan nila pero hindi ako makasingit. Narinig ko ang sarcastic na pagtawa ni Heart sabay hila niya ulit sakin pabalik sa kanya.

"Oo akin siya! Bakit?!"

Bigla akong napanganga at napatingin sa kanya sa sinabi niya. She's so serious right now I don't even know if she really mean it or she's just telling this to piss Clare off. Napatingin ako kay Clare na nanggagalaiti na sa galit pero mukhang wala na siyang maisagot kay Heart.

"At puwede ba Ex ka na niya di ba? Panahong kopong kopong pa yung sweet memories na pinagsasabi mo kaya puwede ba isama mo nang ibaon yun sa baul ng lola mo. If you excuse us madami pa kaming gagawin ni Jupiter ngayon. Sayonara!" (Bye!)

Jupiter's Heart (ON HOLD)Where stories live. Discover now