chapter 20- Stranded

77 6 0
                                        

*Jupiter's POV

Tang-- aish! Ang sarap magmura! Kanina ko pa kinukumbinsi yung sarili ko na tama yung ginawa ko pero ang sakit lang eh. Sobra. Nakaka ewan na. Kanina pa ako nag dadrive hindi ko na din alam kung san na ako. Wala na akong nakikitang sasakyan. Puro na nga ata taniman ng palay nakikita ko. Napadaan ako sa isang tulay at dun ako huminto. Wala akong balak magpakamatay tanga lang gumagawa nun. Sayang lahi ko huy! Pero seriously I hate this feeling. Ayoko na nga atang mainlove!

"You only need the light when it's burning low
Only miss the sun when it starts to snow
Only know you love her when you let her go, and you let her go."

Nyemas! Sinong nagpatugtog ng Let her go at nang mabitay ko ng patiwarik! Napatingin ako sa likuran at kitang kita ko si Heart na nagpapanik na patayin ang phone call nya. Let her go pang ring tone mo ha. Aish! Nakalimutan kong kasama ko sya kanina pa ako nagdadrama dito! Gayshit!

"S-sorry eto na nireject ko na yung call."

Sabay pakita nya sakin ng peace sign nya. Hindi ko sya pinansin at lumabas ako ng sasakyan. Tumayo ako sa may tulay at kahit bad trip ako napa wow padin ako sa ganda ng view. Kinuha ko yung phone ko para sana kunan ng picture yung view kaso nahulog yung phone ko double badtrip bullshit! Laking pasalamat ko nang nakakabit yung phone sa isang tubo. Maabot ko to pag pumatong ako sa railing. Kahit na takot ako sa heights pinilit ko pading umakyat para lang maabot ko yung phone ko! Konteng konte na lang maabot ko na yung phone ko nang may biglang nangyakap ng paa ko. Put*! Malapit na akong na out balance buti nalang at nakahawak ako sa bakal na nasa tabi ko! At nanlulumo akong tingnan na nahulog yung phone ko sa ilog. Pati ba naman phone ko sa mali din nahuhulog!

"Jupiter huwag! Madami ka pang puwedeng gawin sa buhay! Kahit na hindi naging kayo ni Neptune hindi rason yun para magpakamatay ka!"

The fffff! Akala nya magpapakamatay ako?! Sasagot pa sana ako pero wala eh daig pa si Chanyeol at gloc-9 sa bilis magsalita!

"Hindi ko kayang mawala ka! Mahal na ata kitang abnormal ka wag mong gagawin to!"

"Teka lang ha! Hindi ako magpapakamatay! Nahulog yung cellphone ko dahil sayo! Maabot ko na sana eh! Kaso may bakulaw na O.A na biglang nangyakap sakin kaya nahulog tuluy yung cellphone ko! Nandun pa naman yung mga scandal mo!"

"Ah, hahaha! Akala ko kasi tatalon ka eh. Sorry na."

Nagpeace sign sya sakin at tumalikod nang tuluyang mag sink in sa utak nya yung sinabi ko. Humarap ulit sya sakin at tinuro ako, takte! Nakapatong padin ako sa railings! Nakahawak lang ako sa bakal kaya hindi ako nahuhulog.

"Ikaw palang nagtago at nagnakaw ng memory card ko!"

"Hoy binigay mo sakin yun nung nalasing ka!"

"At hindi mo ibinalik! Hindi ka pa nakuntento! Piananood mo pang scandal ko! Ha?!"

Jupiter's Heart (ON HOLD)Where stories live. Discover now