Chapter 8

68 6 1
                                        

"Grabe Jerome. Kayo pala may ari neto?!"

Dalawa Lang kami ni Jerome sa elevator at paakyat kami ngayon sa 35th floor! Nandun kasi yung unit nya. Pagbukas ng elevator diretsong isle makikita mo. Sa left side may dalawang pinto meaning dalawang unit din yun. Sa right dalawang pinto din. Bale may apat na unit sa floor na to. Naka sunod lang ako kay Jerome nang huminto kami sa tapat ng pinto na may tanim na cactus sa gilid. Binaba nya saglit yung plastic na bitbit nya sabay dampot ng susi sa bulsa nya. At pag bukas ng unit nya another wow! Ang gandaaaaaa! The wall is painted white and the furnitures are black! Ang ganda ng theme na ganito astig at the same time elegant tingnan. Ngayon ko lang din napansin na black ang jacket ni Jerome tapos white ang bag nya.

"Oh my gas don't tell me--"

"Don't tell you what?"

Pagtatakang tanong ni Jerome sakin. Dali dali kong binuksan yung bag nya at hindi nga ako nagkakamali!

"Woah---Pati notebook mo black and white. Not to mention your pens."

Ang linis ng bag nya bes. Hala grabe! Napunta ako sa sala ng unit nya ang couch black pati yung flat screen t.v tapos ang sarap tapakan ng sahig nya kasi carpeted. Parang black fur tingnan yung carpet. Sa table nya nakapatong ang laptop nya na color white and a white picture frame.

Napatingin ako kay Jerome nakita ko syang pumasok sa isang pinto which I believe is the kitchen dali dali din akong tumakbo papunta dun at nung nakapasok na ako.

"No way!"

Mga mug nya bes puro black! At yung plato nya puro white! Pati mga appliances sa loob ng kusina.

"You have some fetish with black and white? "

"Yeah, is it a bad thing?"

Tanong nya sakin habang isa isang nilalagay ang mga pinamili namin sa table.

"Nope, I actually find it fascinating. So pano pala pag may nagustuhan kang gamit sa mall tapos hindi black or white hindi mo bibilhin?"

Napatigil sya saglit at napapaisip kung may nagustuhan nga ba syang gamit na hindi black or white dati.

"Not really, When I like a thing and it's not color black or white I usually find a way to make it black or white. Like I purchase costumized things so I would have the end product that I wanted to have." 

Amazing!  Ibang klase din tong si Jerome eh.

"I'll leave you here for a while. I'll just change my clothes."

Tumango ako sa kanya at pinagpatuloy yung pag arrange ng mga pinamili namin sa lamesa. Saglit Lang bumalik sya sa kusina naka white v-neck shirt na may print na 'Heartbreaker' and black jogging pants tapos may inabot syang color black na damit sakin. It's a black T-shirt.

"You might find yourself more comfortable cooking with a T-shirt. You can change in my room."

"Ok, tamang tama kasi may dala akong shorts."

Akala ko kasi matutuloy practice namin ngayon sa cheer dance eh suspended ang class. Pagpasok ko sa kwarto ni Jerome mas napanganga ako sa nakita ko! Wahaaaa! Gusto ko na ding magpa change color ng bahay! Naiinlove na ako sa black and white! Yung wall nya white padin, yung kama nya white din tapos yung mga drawer nya and study table black. Na curious tuloy ako kung anong laman ng wardrobe nya! Dahan dahan Kong binuksan and as expected black and white nga ang laman! Ang print ng mga damit nya hindi pareho sakin na may mga characters talaga. Yung kanya words Lang. Npatingin din ako sa katabing cabinet ano kayang laman neto? When I open it Napa wow nanaman ako! Grabehan na eto ha! Andaming sapatos mga bes and lahat black and white padin! Nung nakabihis na ako bumalik ako agad sa kitchen kasi baka magtaka sya na ang tagal kong nakabalik. Napahinto pa ako nung nakita ko syang naka white na apron. Waheheeeee! Ang kyoot! Ngumiti pa sya sakin nung nakita nya ako sabay hagis nya ng isang apron sakin.

Jupiter's Heart (ON HOLD)Where stories live. Discover now