*Heart's POV
The next day I decided to visit my boutique, my business is doing great nagdagdag na din ako ng mga bagong items like shoes plano ko din nga sanang mag expand pero alam kong dagdag trabaho nanaman yun sa part ko kaya pagiisipan ko na lang muna.
Habang nasa boutique ako may nakita akong familiar na babae, si Mariz ba yun? Lumapit ako to check kung siya nga.
"Mariz?"
Lumingon siya sakin and I'm right si Mariz nga. She's my classmate in highschool.
"Heart! How are you?"
She said as she greeted me with a hug. She's also a close friend of mine kaso nawalan kami ng contact when we reached college kasi lumipat sila ng family niya sa Hongkong.
"I'm doing great! Ikaw kamusta ka? How's Hongkong?"
Nag kuwentuhan kaming dalawa at sinamahan ko siya sa isang coffee shop. Dun ko nalaman na she's here for vacation and at the same time to move on kasi kaka break niya lang sa boyfriend niya.
"I have an idea."
Sabi ko habang nakangiti at nakatingin sa kanya.
"Why do I have a bad feeling with that smile of yours Heart?"
I'm planning to set Mariz and Jupiter on a blind date. They're perfect for each other since they're both on the moving on stage. Mariz is pretty and smart, she also has a perfect education and family background.
"I'll introduce you to someone. He's a great guy you'll love him."
Nung una ayaw pang pumayag ni Mariz but then na convince ko din naman siya. I told her to meet me in Lam Xiang a Chinese restaurant at exactly 10 am tomorrow.
It was around 5 pm in the afternoon nung nakauwi ako sa bahay agad kong tinawagan si Jupiter hahoo.
"Hello Heart?"
"Hello Jupiter, I just want to invite you tomorrow for lunch pwede ka ba?"
"Bakit anong meron? Birthday mo?"
Natawa ako sa sagot niya as I open the refrigerator to get something to eat. Pag may occasion lang ba puwedeng magyaya ng lunch?
"Wala naman, gusto lang kitang yayain."
I said as I pulled an apple out from the fridge before closing it.
"Ok, what time and where?"
Yes! Pumayag siya.
"10 am at Lam Xiang. Wear something nice ok? Bye. Oh don't be late."
Hindi ko na siya hinintay pang makasagot agad ko nang inend yung call. I am soo excited!
*Jupiter's POV
Around 9 am nagsimula na akong nagprepare. Ngayon yung araw na niyaya akong maglunch ni Heart. Hindi ko alam kung anong trip niya at sa Chinese restaurant niya pa naisipang mag lunch and from what I remember she clearly told me to wear something nice. Ok that's weird. Nakatayo ako sa harap ng closet ko habang nakatuwalya lang kakaligo ko lang kasi.
"Anong ibig niyang sabihin na wear something nice?"
Dapat ba akong mag tie and suit? Parang ang oa naman ata nun. Ewan ko! Maglalunch lang naman kami ah?
Kinuha ko yung black shirt ko, at isang jeans. Bandang 9:30 umalis na ako sa condo nakasalubong ko pa yung ex ni Heart na may kasamang babae, mukhang namukhaan niya ako kasi kumunot yung noo niya pero dirediretso lang ang lakad ko. Ngayon lang kami nagkasalubong ni Jerome dito sa Love Sky kasi laging may lakad yung tukmol na yun.
YOU ARE READING
Jupiter's Heart (ON HOLD)
Teen FictionFRICTION UNIVERSITY BOOK TWO A story of two hearts wounded by the past, yet find its way together mending the broken pieces back. Join Jupiter in his journey in search of his long lost heart.
