[CHAPTER 8]
naitulak ko si mine at kumaripas patungong comfort room! letchee! kakatae ko pa nga lang at ito na naman. para naman akong nanganak nito ng twins! paulit ulit. rinig ko namang patawa tawa si mine sa labas habang ako'y nakaupo sa inidoro't naiinis sa sarili. "yun na yun eeh! malapit na! psh!! naudlot pa!" pagsasalita kong mag isa't may pag galaw galaw pa sa kamay. badtrip talaga tong tiyan ko! makakalovelife na sana ako! grrrr!! hindi ko alam na ilang minuto na pala akong nagrereklamo't nagsasalita na nakaupo sa inidoro. kung hindi lang sana nagsalita si mine at kumatok ay hindi pa ako makakaalis dito. "teka lang. malapit na" pagsisigaw ko't tinapos na ang lahat lahat samin between me and the inidoro! "mag iisang oras ka na jan. ano ba ginagawa mo? nagdadasal?" pagrereklamo niya. kainis naman. hindi man lang makapag antay kahit konting oras lang. lumabas ako sa cr na nakayuko't nagkukunwari'y nagtitxt. kung ano ano nalang ang napipindot ko dito sa phone. ilang saglit ay uurong natong cp ko't sasabog.
"kunwari ka pang may katxt! itaas mo na yang ulo mo! dahil maliligo rin naman ako eeh!" nanlaki naman ang mga mata ko na sumusunod sa galaw ni mine patungong cr! hindi ko nalang pinansin at inipon lahat ng hiya! kinuha ko ang unan ko't doon inilabas lahat ng hiya sa pamamagitan ng sigaw. halos mapuputol natong ugat ko sa leeg sa kasisigaw. not enough pa sa kahihiyang nagawa ko. "una noong sininghot ko ang brief niya, pagalawa nahagis sa kanya ang matigas na karne't natapunan, pangatlo nahubaran ko siya at pang apat. umotot ako sa gitna ng tension na. . ." napasigaw ako ulit sa unan. . bwessitt!!! mayroon pabang kahihiyan na gagawin ang katawan ko? baka may pang lima pa,anim,pito't hanggang sa dulo ng walang hanggan. bullshit!!!
nilibang ko nalang ang sarili ko sa pagfifacebook pero ang isip ko ay dinudukot parin ng kahihiyan. nilalamon naba ako nito? siguro oo! dahil palaging bumabalik balik sa isipan ko! kaya siguro loveless ako hanggang ngayon dahil sa katangahan ko. nagulat naman ako nang biglang tumunog ang cellphone ko't may tumatawag. "manager 1" yan ang nakaphonebook sa cp ko dahil hindi ko alam ang pangalan niya. hinablot ko ito sa tabi ko't sinagot. "hello?" mahinahun kong hain sa telepono. "goodmorning po sir. may naghahanap po sa inyo dito. pinapapunta po daw kayo ngayon." napakunot naman ako ng noo na nagtataka. "sino daw?". ."hindi po niya pinapasabi ang pangalan niya. basta maghihintay po siya dito" hindi ako agad nakasagot sa sinasabi ni mr. manager na nasa kabilang linya dahil tumunog na naman tong tiyan ko! letchee!! napatingin ako kaagad sa comfort room at napapikit. hindi pa tapos si mine! "okay okay! pupunta ako jan bye!" pagmamadali kong talak sa telepono't binaba kaagad. nyyeettaa! hindi pa nag10 minutes ay ito na naman? nasira ata ang tiyan ko sa kinakain ko kagabi kasama narin sa kahihiyan!.
napatayo ako bigla nang maramdaman kong malapit na ako lalabasan. napahawak ako sa magkabilang pwet ko habang naglalakad patungong cr. naramdaman niyo na ba yung pakiramdam na malapit na lalabas ang dumi't pinipigilan niyo lang? yun yung nararamdaman ko ngayon.! napahampas ko ng malakas ang pinto ng cr. pero hindi naman sobrang lakas! "mine? tapos ka na jan? natatae ulit ako!" pagpipigil ko ng bawat salita dahil sa pressure na binibigay nitong nasa loob ng pwet ko. kakatapos ko lang at ito na naman. dinagdagan ko pa ang pagkakatok sa pintoan. my gosh! lalabas na talaga! hindi na ako nagbibiro! pigil na pigil na ako dito! "MINE? BILISAN MO JAN! LALABASAN NA AKO!" pagsisigaw ko. hindi ko na kasi halos mapigilan. konting konti nalang! "PIGILAN MO MUNA YAN!" rinig kong sigaw din niya sa loob. napapikit nalang ako't napaluhod sa harapan ng pinto. "putteekkk mine! bilisan muna jan! hindi ako nagbibiro! lalabasan na talaga ako!" pagsisigaw ko sabay hampas hampas sa pinto na nakakunot noo. letchee! ang sakit sakit na ng pwet ko sa kakapigil.
napasandal nalang ang mukha ko sa pinto habang nakaluhod! nang maramdaman ko na malapit na talaga'y kinatok ko ng kinatok! "MINE? PAUNAHIN MO MUNA AKO. PLEASE!" pagsisigaw ko na halos maluha luha na! letche! ang sakit na talaga. konting salita nalang ay lalabas nato! kakatok pa sana ako nang bigla niyang binuksan at napasandal sa baba niya. nasa gitna ako ng mga hita ni mine. kung kanina ay nasa gitna ng mga paa niya'y ngayon? naglevel up na't kaharap ngayon si junjun. napalunok ako habang naaamoy ang mabangong katawan niya. buti nalang at nakatuwalya siya at kung hindi? baka sumandal talaga ako ng tuluyan sa junjun niya't ginawang unan. nyeeettaa. napatingin ako simula sa junjun niya pataas sa basang basang tiyan, sa dibdib, sa leeg at mukha niya na pangiti ngiti "hindi ka pa nakontento sa nakita mo't gusto mo pang tikman!" Patawa tawa niyang hain! naitulak ko siya't pinaalis agad sa cr.
"burrrrrrrrkkkkkkk" sound effect yan sa masasamang hangin na kanina ko pa pinigilpigilan. . "ewwwww!" Rinig kong sigaw ni mine. hindi ko nalang pinansin at finifeel ang pagdudumi! napahinga nalang ako ng malalim! pagkatapos kong magcr ay agad akong binigyan ng gamot ni mine. wala akong pag alinlangang kinuha ito't ininom! "mauna na ako sayo yors aah! pagaling ka kasi nakakahiya na!" patawa tawa siya palabas ng kwarto. napailing iling nalang rin ako't kumaripas na sa closet para magbihis. hindi na ako maliligo dahil pupunta lang din naman ako sa resort. hindi pa nga nakakailang hakbang ay bumukas ulit ang pinto't bumungad ang mukha ni mine at tumango patungo sakin. "oohh? bakit ka bumalik?" pagtatanong ko't napangiti naman siya ng napakalapad. bakit ba ang ngiti niya'y nakakapambulabog ng damdamin. ang ganda eeh!
"may nakalimutan kasi ako eeh!" napangiti pa siya bago nilapat ang mga labi niya sa pisnge ko! now im frozen! hindi man lang ako brinifing o ininform man lang na hahalik pala siya. gusto ko ng matunaw sa harap niya. ang basa ng labi niya't ramdam n ramdam ko ang mga halik. leettcchee! kahit tinanggal na niya'y pakiramdam ko ay nakadikit pa din. "thank you for making me happy" mahinahon niyang hain sakin bago tuluyang umalis. bullshit ka mine! ano ba talaga? manligaw ka na kaya para hindi na ako magexpect sayo!!! lakas na naman ng pitik nitong puso ko! grrr!! "HINALIKAN AKO? OH MY! HINALIKAN AKO!" pagsasangyaw ko sa hangin. ngayon lang napasok sa utak ko! letcche!! ang sarap!
umalis ako sa apartment na abot tenga ang ngiti. pakshet talaga! ang saya ko! habang nagdadrive ako patungong resort ay si mine pa din ang nasa isip ko. "THANK YOU FOR MAKING ME HAPPY" ang kataga ni mine na palaging nagpiplayback sa isip ko! ang pagsasalita niya at pagbukas ng bibig niya. nakakalibog! este nakakainlove. pagdating ko sa resort ay sinugat ako kaagad nung manager na kausap ko kanina sa phone. "asan siya?" pagsasalita ko kaagad and he lead me the way going to the fucntion hall! sa hindi kalayuan nakita ko ang isang lalaki na nakatayong nakatalikod. napatingin naman ako sa kanya head to foot. very formal at mukhang gwapo. hindi pa nga kami nakakalapit sa kanya'y bumulyaso na ang kanyang pabango! putteeek! ang bango.
"sir? ito na po si mr. yuri" pagsasangyaw noong manager sa lalaki't umalis. kinakabahan ako bigla sa aura nitong guy! napatulala naman ako na naninigas ang katawan nang humarap sakin ang lalaki na nakangiti.
"JERSON?" gulat na gulat kong talak sa kanya pero siya? tuwang tuwa na makita ako. nang iinit bigla ang kasulok sulokan ng mga mata ko. im not happy he is here. sa ilang taon kaming magkahiwalay? ngayon lang siya magpapakita? "u--u--umalis ka na!" galit kong talak. bigla bigla nalang nag iba ang hangin. ang saya ko'y napalitan agad ng sakit, galit at hatred nang makita si jerson. "you are not happy seeing me? ive been looking for you everyw..." napahinto siya sa pagsisingit ko "SHUT UP! you already abandoned me! why im acting like this? mga bata pa naman tayo nun diba? pero ramdam ko na ibinasura moko! tinapon at iniwan." tumulo na bigla ang mga luha ko! naaalala ko dati ang pagbasura niya! putteek!
"pakinggan mo muna ako yors." mas lalong naniningkit ang mga mata ko't napakunot ang noo! habang tumatakbo ang mga luha ko. "BULLSHIT! ilang taon na ang nakaraan at ngayon mo lang ako nahanap? FUCK YOU! hinintay kita ng ilang taon, na umaasa akong makikita moko't sunduin sa labas ng bahay ko! pero wala! walang jerson nandun sa bahay ko! at ano pa ba ang inexpect ko? hindi naman tayo nun ni hindi ko nga alam kung anong status natin...." pahinto ako sa pagsasalita dahil dumaragsa na ang mga luha ko. nagsiunahan na itong tumulo. napahawak naman si jerson sa kamay ko.
"diba sabi ko dati, i will find you. and here i am!" tinabig ko ang kamay kong hinawakan niya para mabitawan niya ito. "PARA ANO PA? PARA IPAGPATULOY ANG FUCKING LOVESTORY NATIN..." napahinto ako nang napasigaw si jerson. "OO YORS! IPAGPAPATULOY NATIN! KUNG DATI HINDI KO MASABI SABI NA MAHAL KITA. nGAYON? PANININDIGAN NA KITA" nanigas na ako na nakatingin na naluluha kay jerson. hindi ko alam kung dapat ba ako maging masaya. kung dapat ba ako maging galak na nakita ko siya.
"Hayaan mokong ligawan ka."
TO BE CONTINUED. . .
YOU ARE READING
ROOMMATE (BOYxBOY)
Romancea story of an unordinary love in which a guy fall inlove with a guy. love doesn't care about gender, love strikes anytime, you will never know that the one you're searching for can only be seen around you, beside you and even in your place. it coul...