matagal ko ng pinapangarap na magkaboyfriend, magkaboyfriend kahit hindi man perpekto ay wala na akong paki. wala naman talagang perpektong tao and even the priests are not, neither am. hindi ko lang maintindihan kung bakit wala pang dumadating, maybe im a discreet bisexual. hindi ako nagpapahalata kahit nga parents ko't relatives hindi alam, hindi naman sa hindi ako open sa kanila pero natatakot lang akong itakwil. ang bestfriend ko lang ang nakakaalam na ganito ako, discreet din siya katulad ko. nakatapos nalang ako ng college at nakapagtrabaho ay still single pa din. sa edad na 24. believe it or not im STILL very single and very available. hindi kasi kami mayaman. just owned famous five star hotel, managing resort and bars somewhere down the road. deehh joke lang. siyempre somewhere in the philippines. hindi mawawala ang paborito kong spa and lastly yung apartments and boarding houses pero ang mas inaatupag ko ang pagiging photographer. yun kasi ako mahilig! sa pagkukuha ng mga papable at mga machung modelo. hindi naman ako malilibog na tao at hindi rin ako bastos. MEDYO LANG!!!ako lang kasi ang kaisa isang anak, kaya kung attensiyon, pera't business lang ang pag uusapan ay kotang kota na ako.
i can do whatever i want. i can buy some guy whoever i want to. i can sex with the highest paid actor! but yun nga lang. MABAIT ako.
Ni hindi nga ako marunong lumandi at umamin sa nararamdaman ko sa ibang tao. pakikipagsex pa kaya! pag aamin palang pakiramdam ko'y nanginginig ang buo kong katawan, nagkakandarapa ang dila ko sa pagsasalita't nabubulol! at hindi mapakali't nanlalamig ang mga kamay ko. ano nalang kaya kung makikipagharutan ako't makikipaglaguyo sa ibang tao! sobrang hindi ako sanay.
baka dadating nalang ako ng 30 at lumampas sa kalendaryo't wala parin akong boyfriend. buti nalang at hindi ako babae upang maghabol ng mapapangasawa upang biyakin ang aking cherry poppy lovely bibingka!
hindi ko lang maintindihan kung wala pa akong jowa! gwapo naman ako, makinis naman ang mga balat ko't maputi, mataas(6 flat), super masculine body at super duper alaga ang mga pandesal ko. kung titingnan mo nga! im almost perfect. hindi naman sa pagmamalaki pero sinasabi ko lang ang totoo! magandang lalaki! yun nga lang. kalog!
vital statistics lang ba ang ipapakilala ko sa inyo? siyempre pangalan ko rin. I'm YURI MITSUBISHI. pinsan ni yuka suzuki't HONDA! dee joke lang.. kabaliwan ko lang. sasakyan yun eeh! half chinese kasi ako kaya more on business talaga kami except lang sakin. tawag ng lahat sakin, lalong lalo na yung close friends ko'y YORS, short for yuri.
haayysstt!!
nabaling ang atensiyon ko sa kumakatok sa pintoan ko. kung magtatanong lang kung may bakante ba sa apartment ehh wala na! except lang sa room ko. kanina pa kasi ako nagbubukas ng pinto't tinatanong lang kung may bakante pa ba? sa dahil ako ang may ari. siyempre ako ang mag ientertain.
napagod natong mga paa ko sa pabalik balik ng paglakad at paghiga. para narin akong nagmamanage ng aking kayamanan! bago ko man binuksan ang pinto't dinampot ko muna ang isang basong tubig at ininum pero hindi ko pa naman nilunok diretso.
sa pagbukas ko'y sumandal bigla ang isang mabangong,matipunong lalaki sa dibdib ko. nagulat ako't nataponan ko siya ng hawak kong baso't nabugahan ko siya ng tubig galing sa bibig ko pero hindi naman lahat. nakakahiya! bosshiiitt!! bakit pa kasi sumasandal sa pinto ko?
na alam naman niyang bubuksan ko! at bakit din kasi binuksan ko ng todo ang pinto na para bang sinasabi kong my door is superdooper wide open for you to enter! naitulak ko siya bigla't napaharap naman siya kaagad sakin. bago paman siya makapagsalita'y napalunok ako ng sobra sa natirang tubig sa bibig ko habang nakatingin sa kanya head to foot!
Napamura ako!
he is so damn fuckin hot. lalong lalo na sa suot niyang white v neck shirt!
tingin ko palang ay busog na busog na ako! hindi ko na kailangang mananghali, merienda't hapunan! bwessit! nagmukhang puso ang mga paningin ko!
"sorry po!" paghihingi niya ng paumanhin! so fresh like an egg! Putek!biyakin ko yang egg mo eeh! ano batong nararamdaman ko! gusto ko na atang tumalon sa tulay. ito na naman kasi ako. nanginginig at parang mautal utal! pakiramdam ko na para akong nakatira sa north pole dahil sa panginginig ng nararamdaman ko! nakakabwesit ng ganito. naghehesterical ang takbo ng puso ko't nag aabnormal ang takbo ng utak ko! in short malfunction!
long nose? check,
red thin pink lips? check,
height (6'3) super check,
abdominal muscles?, maybe.
kaya check, overall? excellent perfect!
"sino ba ang hinahanap mo? kung ka forever mo? pwedi ako!" bigla kong sangyaw sa kanya na siyang kinabigla't kinagulat. pero joke lang!! nag iimagine lang ako! what if! diba? naghahanap kasi ako ng ka forever ko! baka siya na.
hindi ako nagpapahalata sa kanya na pinagnanasaan ko ang kanyang katawan pati narin ang kanyang pagkatao. kung pwedi lang pati na kaluluwa.para lahat lahat na! full package!
"ano...... ano ba ang kailangan mo?" pautal utal kong tanong sa kanya.
"ikaw" (?_?)
napanganga ako sa pagsagot niya. ako ang kailangan niya? juice colored!!! ito na si forever ko! kumakatok at nagkikipagsalita sakin! dahil sa tagal kong pagsagot ay sinundan niya lang ito.
"ikaw po. ikaw daw ang may ari nitong apartment? magtatanong lang sana ako kung may vacant pa." napalunok ako lalo sa pagsasalita niya. sobrang lalaki. sobrang nakakapanindig balahibo. super masculine voice at yun na yun ang gusto ko na para bang hinihila ako patungo sa kanya sa pamamagitan lang ng kanyang boses. ito na! ito na siya!! pagbubulgar sa isip ko.
"aahhh..oo! mayroon pa dito sa room nato! ako lang ang nakatira, yan ay okay lang sayo?" pagtatanong ko't medyo may panginginig sa kamay. pero hindi naman ako nagpapahalata na nababaklaan na ako sa kagwapuhan niya. "oo. okay lang. pariho naman tayong lalaki! kaya walang problema." napangiti nalang ako ng may pagkapilit. hindi naman kasi ako totoong lalaki eeh!
sa pagngiti niya'y halos malaglag nayong suot kong boxers at brief. peste! mas lalong gumagwapo siya kapag ngumingiti! bakit ba may ganitong nilalang sa mundong ito!!! nakakabihag damdamin! kung siguro pulis siya? palagi akong gagawa ng krimen!! wala na akong pag alinlangang nagpakilala para naman may itatawag na ako.
"ahmm! i am YORS and you are?" pagpapakilala ko sa kanya sabay abot kamay para formal.
"MINE!"
TO BE CONTINUED. . .
YOU ARE READING
ROOMMATE (BOYxBOY)
Romansaa story of an unordinary love in which a guy fall inlove with a guy. love doesn't care about gender, love strikes anytime, you will never know that the one you're searching for can only be seen around you, beside you and even in your place. it coul...