CHAPTER 5

3.1K 62 0
                                    

napahawak ako sa mga labi ko na hinalikan ni mine. nyeettaa! he kissed me? he reminds me of something na matagal ko ng kinalimutan, he reminds me of my childhood! oo! chidhood! ganyan ako kaaga naglandi. naglandi at umaasang maging kami sa huli. but nawala yun lahat. ni hindi man lang niya ako pinuntahan sa sinabi ko. kahit bata pa ako noon! kahit wala pa ako sa tamang pag iisip pero ramdam ko na na siya ang ka forever ko but then! wala rin pala!

[flashback]

"yors? promise hindi moko iiwan?" pagtatalak ni jerson sakin. si jerson ang kababata kong kapitbahay. hindi ko alam kung ano ba ang feelings niya para sakin pero ramdam kong mayroon. kahit hindi na siya magsalita but i can feel it.

"hindi aahh! ako pa." i proudly released the thought without hesitation. bakit pa ako magadadalawang isip ehh, takot nga siyang mawala ako. parihas lang kami. takot akong mawala siya. "pinky swear? cross your heart?" paninigurado niya sakin sabay abot ng kanyang kamay at wala akong pag alinlangang abutin iyon na nakangiti't bukal na bukal sa loob ko.

"kahit mawala ka man? i will assure you. hahanapin kita kahit saan kamang sulok ng mundo!"pangitingiti niyang hain sakin. hindi ko lubos maisip ang ligaya ko nun. bata pa ako para maramdaman ang ganitong bagay. pero what i felt? was LOVE. lalong lalo na nung bigla niyang paghalik sakin sa mga labi ko na siyang nakapagpatigas ng aking buong katawan. nyeettaa! pero ilang sandali rin iyon ay hiniwalay na niya ng pangiti ngiti.

"hindi ako magsosorry because i mean it. i kissed you because i like you, gaya ng halik ko. ganyan ako ka sweet kung pakiramdaman mo. lagi mong tandaan ang mga tamis ng halik ko at kahit magkalayo man tayo. kiss ko lang ang palatandaan na im just near you!"

yan ang pinakamasayang araw ko pero kinabukasan? i found out! hindi na kami magkasama. hindi na kami kailan man magkikita. ang saya ko ay agad napalitan ng lungkot!

[END OF FLASHBACK]

hindi ko na namalayan na nakatulog na ako sa...sa...sa... kama? how did i get here? lumingon ako sa kabilang kama ay andun na si mine natulog na tulog! ang huli ko lang matandaan ay andun ako sa likod ng pinto nakasandal at inaalala ang nakaraan and suddenly i fall asleep! napatingin ako sa suot ko't bihis na bihis. nakapa jama't white thin shirt. binihisan ako ni mine? lahat ? OMG!! nakita niya? nahawakan ba niya? o hinawakan ba niya? yan agad ang sumalpak na tanong saking utak! ang dumi ng pag iisip ko't kaiangan ko pang aalahanin yun? napatingin naman ako sa baba ko particularly sa may penis ko. dinahan dahan ko ang pagbukas ng aking pajama't tiningnan. hindi ko alam pero pakiramdam ko'y kinakabahan ako. sa pagbukas ko ng aking pajama'y napabuntong hininga ako.!

thank you lord! hindi pala niya pinalitan ang brief ko. akala ko naman! napatingin ako sa orasan and its almost 9am na pala. may appointment pa ako. my gosh! my photoshoot kami ngayon! bago pa ako kumaripas sa pagtakbo'y tiningnan ko muna ang mukha ni mine na tulog na tulog. ganito ba ang iniiwan ng babae? pinag aksayangan niya. kung titingnan mo nga'y parang anghel na nahulog sa lupa. makinis ang balat kahit isang pimple ay wala kang makikita. hindi naman siguro siya babaero at mukhang seryoso. ako nalang ang nasasayangan na pinakawalan siya nung babaeng iyon. gago nalang talaga ang mang iwan sa kanya. he deserve to be loved!

dali dali na akong naligo't nagbihis at umalis. hindi ko na magawang kumain at iniwan si mine na tulog na tulog. sinimulan ko kaagad ang pagkukuha ng mga picture nila pagdating na pagdating ko doon. hindi naman nakakastress dahil magaling naman ang mga model sa pagpoproject at pagpopose. palipat lipat kami ng mga position. "ONE MORE" pagsasangyaw ko sa modelo't nagpose ulit. ganyan lang ang ginagawa ko ni hindi ko nga namalayan na alas 3pm na pala. ang bilis ng oras. pagkatapos ng photoshoot namin ay dumiretso na ako sa resort para tingnan ang kalagayan.

"welcome po sir." pag approach ng isang crew. nginitian ko lang at tumango sa kwarto ko. oo! mayroon akong sariling kwarto dito. alangan namang wala! dito makakahinga ako, dito makakarelax ako. kaya naisipan ko nalang na dito magpalipas ng gabi. sa paghiga ko sa kama'y agad kong napansin ang cellphone ko. kinuha ko't tiningnan kung may nagtitxt. kung may nagmamahal ba sakin. nagulat ako nang makita kong halos kay mine galing ang txt. nyeettaa.. kinakabahan ako bigla.

from:mine

yors?

isang txt palang niya'y kinakabahan na ako. hindi yung kaba na may masamang mangyayari. kabang inlove. i mean kabang gusto mo siya. crush kumbaga. patuloy parin ako sa pagbabasa ng txt ni mine.

"asan ka?" recieved 4pm/"galit ka yors?" recieved 4:30/ "yors? sorry for kissing you last night! i didnt mean it. i was so drunk and broken. nadala lang ako sa galit ko." recieved 5:10pm.

napangiti naman ako sa tinitxt niya. pero hindi ko na magawang replyan at tumangong coset at nagbihis. hindi lumampas ng ilang oras ay tumunog na naman ang cellphone ko. nilingunan ko nalang at tinuloy ang pagbibihis bago tiningnan at binasa.

from:mine

uuwi ka yors? dinner tayo.

napatakip ako ng bibig. nyeetta. kinikilig ba ako? omg. si forever nagyayaya na naman. nagkakandarapa na naman tong kamay ko sa pagpipindot ng mga litra. ano ba ang irereply ko. ahmmm. eehh.. gosh! nanginginig ang mga kamay ko. shitt!

to:mine

hindi. :( bisi pa ako.

message sent. .

kunwari padalagang pilipina ako kahit gusto ko ng maglandi. i really took all my willpower para iwasan ang iniisip ko. ang kinocommand ng utak ko. nang magvibrate ang cellphone ko't napatakip na naman ako ng bibig. para akong baliw.

"ayy sayang. sige tulog nalang akong mag isa dito. tulog ka na din nyt"

"nyt din" reply ko sa kanya. pero hindi na niya ako nirepyan. nyt nga diba? halos hindi ako makatulog sa kakaiisip sa kanya. pakshet!

simula sa araw na yun ay hindi ko na nakita si mine dahil bz ako sa sched. ko. sa trabaho being photographer at sa resort at sa spa. hindi na ako nakauwi sa apartment ko. kahit busy ako'y palagi kong tinitingnan ang cellphone ko na baka nagtitxt si mine. ayoko namang magtxt sa kanya.! dalwang linggo narin ang nakakalipas bago pa ma settle ang kabisihan ko. bago pako makahinga. at bago parin ako nakatanggap sa txt ni mine.

"asan ka?" nabigla ako na napangiti. ito na naman si forever ko. nagtitxt. napabuntong hininga ako bago nagtype kung saan ako nagpophotoshoot. pagkatpos kong isend ang location ay bumalik na ako sa trabaho.

kuha lang ako ng kuha ng mga picture. click dito click doon.pagkatpos ng picturial ay cellphone ko kaagad ang hinablot. umaasang riplyan ako ni mine but sad to say wala. napaupo nalang ako sa may sofa't niiligpit ang mga gamit ko.

"galing aah? tara kain tayo" nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses. a masculine voice na si mine lang ang alam ko't andito ngayon sa harapan. napatingin ako mula sa sapatos pataas sa mga tuhod niya, sa may zipper, sa may tiyan niya, sa dibdib pataas sa leeg hanggang sa makita ko ang maaliwalas niyang mukha. nyeettaa. . si mine?

"tara?" ngiti niyang talak. at napakagat ako ng labi.

damn hot!

TO BE CONTINUED. . .


ROOMMATE (BOYxBOY)Where stories live. Discover now