[CHAPTER 9]
"bahala ka" yan lang ang salitang nabitawan ko sa harap ni jerson at naglaho sa kanyang pananaw! ayokong magtagal doon! dahil alam kong mahina ang loob ko, madali lang akong madala, madali lang akong maawa. kaya if i'd stay there any longer and surely jerson already captured me with his words and sweetness which is inevitable! i drive out myself patungo sa paaralan ni mine. tinxt ko na siya na pupunta ako sa campus pero hindi pa siya nagrireply. gusto ko lang may kausap, gusto ko lang malibang kasama si mine. hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya basta ang alam ko, masaya ako pagkasama siya. dumating nalang ako sa campus at hindi pa rin nagririply si mine. tinxt ko nalang siya ulit na andito ako sa labas ng school nila. ilang minuto nalang ang lumipas ay wala pa din akong natanggap na reply.
sa paglingon ko sa gate and i accidentally glance him with my naked eyes with two other boys. bigla namang nang init ang dugo ko nang makita kong nakaakbay ang isang lalaki sa kanya. looks like they're having fun being together and it made my insecurities. naiinggit ako nang hindi ko alam! ano batong nararamdaman ko? kahit hindi ko man sinasadya'y naiinggit ako na nagagalit! nag aapoy tong mga mata kong nakikita siyang nakangiti na hindi ako kasama! dahil sa pagka inggit ko! naihampas ko bigla ang aking ulo sa steering wheel without thinking na matigas pala! "AWW !FUCK! SHIT!" pagsisigaw ko nang maramdaman ko ang sakit sa noo ko. the fuck! bakit kasi matigas to! nababaliw na ako! letcchee!!
nanlaki na nagulat na nag iinit lalo ang ulo ko sa pagtingin ko kay mine. tama ba yung sinubuan siya ng burger ng lalaking kaakbay niya kanina!akala ko lalaki! walang hiyang bakla! inaagaw ang ka forever ko! hindi ko na kayang manuod lang dito't walang gagawin! bumaba na ako ng kotse't tumawid ng daan at nilakasan ang loob na puntahan si mine. nang malapit na ako sa kanila'y mas lalo akong napakunot noo! hindi pa nakuntento ang bakla't hinalikan pa si mine sa pisnge! bakit kasi nakatalikod sakin si mine at hindi ako mapansin pansin! gusto kong sabunutan ang baklang ito! may pahalik halik pa sa pisnge! nyeetaa! hindi ko na mapigilan ang sarili ko'y nalipatan si mine! i poked him and slap him with no thoughts! napanganga naman ang bakla na nakatingin sakin! hindi ko rin alam kung bakit ko yun nagawa! basta ang alam ko! kumukulo ang dugo ko't laman!
napahawak naman si mine sa sinampal ko't napakunot noo pero hindi ko na yun pinansin at sinugod ang bakla ng talak ko. wala naman akong dapat ikahiya dahil kami lang apat ang nandito sa labas ngayon! "huy!mang aagaw! mistress,kerida, malandi! wala kang karapatan na....." hindi ko na natapos ang pagsasalita ko dahil pinigilan na ako ni mine sa magkabilang braso. "yors?" pagpapahinahon ni mine sakin pero ako? naghehesterical parin! "wag mokong ma yors yors. sino yan?" sabay turo ko sa baklang humalik sa pisnge na nagpasubo ng pagkain kay mine. umiinit talaga ang kalamnan ko! ano naman kung umasta akong parang bf niya! "kapatid ko!" laglag panga't nabingi ako sa pagkasabi ni mine! ayy peste! pakiramdam ko tuloy na huminto saglit ang mundo ko! kapatid lang pala niya? "aahh--eehh! im glad to meet you! bye!" bigla kong paalam sa kapatid daw niya't kinaladkad ko na si mine patungong kotse. as if! magboyfriend kami! napahiya na naman ako! buti nalang at mas nauna ako ng konti kay mine.
"ano bang pumasok sa kukuti mo't pinagsasalitaan mo ng ganun ang kapatid ko? at bakit ka nandito? bakit ka nagagalit? ayyy teeekkaa! i smell something" pagtatalak niya pagdating sa kotse at may pasinghot singhot pa siya't ngumiting pang asar. diretso lang ang mga tingin ko sa kalsada! ayokong tumingin sa kanya dahil wala na akong mukhang ipapakita! "yors? umamin ka nga sakin? nagseselos ka ba?" napalingon naman ako sa kanya. feelingero naman nito! basta galit selos agad?
"ako nagseselos.. ahh--eehh! hindi aah!" pagtatanggi ko. "bakit ka nga nagagalit? at sa kapatid ko pa!" pangungulit niya! napahinga ako ng malalim bago sumagot sa kanya. "dahil nakikita kitang sinubuan at hinalikan ng kapatid mo! akala ko naman na naglalandi ka sa daan! na nagpapacute ka sa kapatid mo na akala ko ay iba. nagagalit ako dahil hindi ako ang nilalandi mo!" walang preno kong sagot! nyeettaa! nahingal ako doon aah! "so ibig sabihin! nagseselos ka nga!" pangungulit na naman niya. ang kulit kulit na gwapong ito! hindi ba niya nakikita na namumula na ako! na para akong galing highblood sa pula! na para bang tumaas bigla ang dugo ko dahil sa pangungulit niya. "hindi nga" walang hanggan kong pagtatanggi! nakapout naman si mine! habang nakatingin sakin na napaka landi! "yung totoo? kung sasabihin mo pang hindi hahalikan kita!"
napalunok ako bigla? halik? naaalala ko na naman ang naudlot kong halik kanina! "hindi nga!" napangiti naman si mine! "gusto mo lang mahalikan eeh!" pagmamayabang niya! "bahala ka!" pag iiwas ko ng topic at yun hindi na nangulit! napagod siguro! tinanong nalang niya ako kung bakit ako naparito at sinabi ko naman ang totoo! ang totoo kung bakit ko siya kailangan ngayon! "so! gagawin mokong joker? libangan? ganun ba?" napakamot nalang ako ng ulo. ang bobo siguro nitong si mine. gusto ko lang may kasama, magpapawala ng sakit ng aking nadarama. "bumalik na kasi ang taong hinihintay hintay ko dati!" napatahimik bigla si mine. siguro napansin niyang nagseryoso ako bigla. hindi nga lang halata sa mukha pero sa boses? oo!
"ganito kasi yun! wala man lang syang ginawa para habulin ako, para pigilan ako, para hanapin ako! sa ilang taong lumipas at ngayon pa siya nagkalakas loob na magpakita sakin? ano ba ang dapat kong gawin mine?" todo talak with feelings na pagkikwento ko sa kanya at siya nama'y seryosong nakikinig! "tumalon ka nalang sa tulay yors!ayun tapos! the end! hiya naman kasi ako sa laki ng problema mo! akala ko naman pinoproblema mo kung paano mareresolve ang poverty, crisis dito sa pilipinas. buti pa! huwag mo na yang isipin! kaw pa ang namomoblema? kung liligawan ka niya eehh? paano na ako? este! magpaligaw ka!" ano daw? seryoso ba yung pinagtatalak niya? o nagpapakilig siya? kasi kung kilig lang? oo! dahil narinig ko ang pagkadulas ng masasarap at matatamis na dila niya!
"ahhh! basta yun na yun! tara na!" pagyayaya niya na halatang halatang iniiwasan ang pagsasalita ko para kulitin siya. para naman hindi siya puti para hindi ko malaman na namumula. dahil sinabi ko sa kanya na libangin niya ako. nakahanap siya ng idea. natulog kami. oo! napatulog narin ako dahil siguroy maaga ako nagising kanina! inuwi niya ako't pinatulog. gandang idea niya! nagising nalang ako and found out wala na si mine sa kama niya. letchee! iniwan man lang akong mag isa!!! kinuha ko nalang ang cellphone ko't tiningnan kung may txt! hindi nga ako nabigo sa pagtingin ko't si mine agad ang laman ng inbox ko!
"from:mine
yors? may imemeet lang akong kaibigan! ipapakilala ko siya sayo!
recieved. 5:30pm.
napatingin naman ako sa relo ko. 7:15 na pala. ibabalik ko na sana yung cellphone ko sa table nang maramdaman kong nagvibrate ito.txt from mine again?
yors? may ipapakilala ako sayo. bestfriend ko! papunta na kami jan!
nanlaki naman ang aking mata. letche! going na sila? ano ba ang gagawin ko? bumangon na ako sa kama't nagkakandarapang naghilamos at nagbihis siyempre hindi makakalimutan ang pabango. bestfriend ni mine? kailangan maganda este gwapo ako tingnan! saktong sakto sa pagbihis ko'y naparito na sila. pinasok naman ako ni mine dito sa kwarto't kinaladkad palabas. nakita ko naman kaagad ang bestfriend niyang nakaupo na nakatalikod! tumango naman kaagad si mine para ipaalam sa bestfriend niya na andito na ako sa likuran! wala itong pag alinlangang humarap sakin. .
"JERSON?"
TO BE CONTINUED. . .
YOU ARE READING
ROOMMATE (BOYxBOY)
Romancea story of an unordinary love in which a guy fall inlove with a guy. love doesn't care about gender, love strikes anytime, you will never know that the one you're searching for can only be seen around you, beside you and even in your place. it coul...