II - Who is she?

10.1K 196 4
                                    


Saktong kalalabas ko lang ng banyo nang may biglang pumasok ng kuwarto ko. Hindi na ako nagulat dahil normal na 'yon dito sa Alpha, at dahil puro lalaki naman kami ay wala nang ilangan. Okay lang kahit maglakad ka ng hubo't hubad sa buong bahay kung gugustuhin mo. Sa kabutihang palad wala pa namang sira ang ulong gumagawa sa amin 'non. Kaadwa!

"Why?" tipid na tanong ko kay Yuan na siyang pumasok at ngayon ay abala na sa pagkutingting ng Superman collection ko. Bakit superman? Wala lang, trip ko lang siya. Pareho kasi kaming guwapo.

Naglakad ako palapit sa kama ko at tiningnan ang phone ko kung may mahalaga bang message na dumating, ngunit puro unknown numbers lang ang naroon na natitiyak kong galing sa mga babaeng tinatawag ni Umin na fan girls. I have no idea how the hell they get my number... girls now a day is damn annoying!

"Kumpleto na ang lahat sa living room, as usual ikaw na lang ang hinihintay." sabi ni Yuan na hindi pa rin inaalis ang tingin sa collection ko. Inilapat ko ang phone ko sa side table at naglakad papuntang walk-in closet. Walang pagmamadaling namimili ako ng susuotin.

"Susunod na lang ako!" sigaw ko sa kaniya habang namimili pa rin. Hindi ako makapag-decide kung magp-pull-over ba ako o t-shirt lang. Hindi naman kasi masyadong malamig, pero paano kung biglang lumamig mamaya? Hustle pag magpapalit pa ako.

Nilingon ko si Yuan nang sumilip siya sa may pintuan ng closet ko.

"Iintayin na kita para sabay tayong bababa. Aabutin ka na naman ng siyam siyam pag hindi ka minamadali, eh. 'Yang pullover ang isuot mo." nailing na sabi nito at umalis na pabalik sa kuwarto ko. Kinuha ko ang white t-shirt at sumunod na sa kaniya ng matapos akong magbihis.

"Sa wakas! Halika na." hinila niya ako bigla pagkalabas na pagkalabas ko sa closet at mabilis na lumabas ng kuwarto ko.

Tinabig ko ang nakahawak na kamay niya ngunit matigas ang loko at di bumitiw.

"Bakit ka ba nagmamadali, pare?" naiinis na tanong ko sa kaniya. Hindi ko pa kasi naaayos ang buhok ko at iyon ang pinaka ayoko sa lahat. Dahil hindi lang mga babae ang may karapatan sa kasabihang 'magulo na ang lahat wag lang ang buhok ko'.

"Hindi ako nagmamadali, sadyang mabagal ka lang talaga!" sabi pa ng lokong si Yuan nang nababa na kami ng grand staircase ng Alpha.

Mula rito ay naririnig ko na ang ingay ng aming mga kasamahan.

"Tsk." asar na binawi ko sa kaniya ang braso kong hila hila niya at bugnot na sinuklay ng aking kamay ang buhok kong natulo pa dahil hindi ko na napunasan ng maigi kanina. Kaliligo ko lang kasi ng basta na lang ito dumating sa kuwarto ko.

Nakagawian na nilang hilahin ako palabas ng kuwarto ko dahil ako ang pinaka mabagal kumilos, mag-ayos, at gumising sa aming lahat. Minsan lang kasi kami magkaroon ng sapat na oras para magpahinga kaya nilulubos ko na iyon pag may pagkakataon.

Nadatnan namin sa living room ang iba pang member ng Wolf 88 na abala sa pagkukuwentuhan at pagkain habang nanunuod ng TV. Nakagawian na kasi naming mag-meeting o 'bonding' tuwing Monday ng gabi pag ang lahat ng member ay nagsidatingan na sa Falerio Island.

Natitiyak kasi namin na sa mga susunod na araw ay puno ng activities ang schedule namin na minsan pati pagngiti ay nakakalimutan na. Maliban lang sa isang tao na pinanganak na atang nakangiti, si Umin.

"Hay, sa wakas dumating ka na rin Uno!" sabi ni Zion. Ito lang ang bukod tanging tumatawag sa akin ng 'Uno' kahit wala kami sa misyon.

Pag nagawa kasi kami ng isang misyon bilang training agent ay 'Uno' ang tawag sa akin dahil sa ako ang top 1. 'Dos' naman kay Zion dahil ito ang pangalawa. 'Tres' si Aly, 'Four' si Aron, 'Fifth' si Levin, 'Sais' si Umin, 'Seven' si Yuan, 'Eight' si Eoun, 'Nine' si Ethan, 'Ten' si Andrew, 'Onse' si Ken at 'Dose' si Don. Kung baga ay iton ang code name namin.

She's a Living DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon