(Zion's P.O.V)
Napatingin kami sa Range Rover ni Eoun nang pumarada ito kahanay ng mga kotse namin. Nasa isang liblib na lugar kami sa probinsiya ng Bulacan kung saan naroroon ang hide out ng Black Cheetah, ang mafia na target namin para sa last weekly mission.
"Eoun, anong ginagawa mo dito?" bungad ko nang bumaba siya ng sasakyan.
"Hindi ako pinasama ni Aron sa misyon, eh. Ibalato ko na raw 'yon sa kaniya. Ayoko naman na walang gawin kaya pumunta na lang ako rito." kibit balikat na sagot nito. Napabuntong hininga na lang ako ngunit naiintindihan ko naman ang desisyon ni Aron.
"Mukhang matindi ang galit ni Aron sa target niya, ah?" sabi naman ni Andrew.
"Malaki talaga, sa pagkakaalam ko'y tatay 'yon ng first love ni Aron na siyang dahilan kung bakit naghiwalay ang mga ito. Hindi ko nga lang alam kung bakit." kibit balikat na singit ni Ethan.
Napailing na lang ako. Mukhang may balak pa silang mag-chismisan. Kahit kailan talaga ang mga ito...
Akmang sasawayin ko na sila nang maunahan ako ni Don sa pagsasalita.
"Lumaki si Aron sa ampunan bago siya ampunin ng pamilyang kinikilala niya ngayon. Sa pagkakaalam ko ay nakilala ni Aron 'yon babae noong hindi pa siya mayaman. Buwaya sa pera 'yong tatay kaya tumutol." sabi naman ni Don. Ito ang pinaka-close kay Aron kaya hindi na nakakapagtaka na alam nito ang dahilan.
"Grabe naman! Ang lakas maka-telenovela ng buhay ni Aron, ah!" natatawang sabi ni Eoun.
"Sinabi mo pa. Pinabugbog pa nga siya at muntikan ng patayin nung tatay, eh." dagdag pa ni Don.
"Ah, kaya pala." Sabay sabay sabi ni Andrew, Ethan at Eoun.
Malalim naman pala ang pinaghuhugutan ni Aron ng galit kay Ronaldo Caliga. Pati tuloy ako'y nawili na sa pakikinig.
"Tama na 'yan! Puro kayo chismis. Intindihin muna natin itong misyon. Sigurado naman ako na magagawa ni Aronang misyon niya kahit mag-isa siya." awat ko sa mga ito. Kahit na minsan ay may pagka-loko ang isang iyon ay alam ko naman na pagdating sa aming misyon ay hindi siya nagpapadalos-dalos.
"Sinabi mo pa. So, anong plano?" tanong ni Eoun. Sinabi ko rito kung ano ang napag-usapan namin habang wala siya. Binago ko ang ilang sa mga gagawin dahil sa pagdating niya.
"Okay. Madali lang pala gagawin ko, eh." malapad ang ngiting sabi nito.
"Then, let's get this started!" sabi ko sa kanila.
Nagsipagtanguan sila at hinanda ang mga sarili.
"Yun, oh! I'm so excited! And I just can't hide it! I just---"
"Please be quiet!" saway ko kay Ethan nang bigla na lang itong kumata.
"Ay, sorry." Sabi nito sabay peace sign.
Nagseryoso na kaming lahat nang makalapit kami sa kampo ng Black Cheetah. Isa itong lumang farm house na sa unang tingin ay hindi aakalaing may nakatigil, ngunit oras na ilibot ang tingin sa paligid nito ay makikita ang ilang mamahaling modelo ng sakasakyan na tinakluban lang ng tarpaulin at dayame upang hindi mapansin.
Gaya ng plano ay binalot kami ni Andrew sa shield na gawa sa hangin upang hindi kami makagawa ng ingay habang pumapasok sa hide out. Ala sais na ng gabi noon kaya medyo tahimik ang paligid at tanging ang mga boses lang ng nagtatawanang miyembro ng mafia ang maririnig. Mukhang nagi-inuman ang mga loko.
At tama nga kami, dahil ng makapasok kami ay nakita naming nagi-inuman ang mga ito. Pero agad din nahinto ang pagtatawan ng mga ito at naging alerto sa paligid. Ang isa sa mga ito ay lumingon sa direksyon namin kaya agad kaming kumubli kahit na hindi naman kami nito nakikita.
BINABASA MO ANG
She's a Living Dead
FantasyKevin Li is one of the top students of Falerio International University--an institution that train students to become a special agent. He is one of the member of Wolf88, a group of top 12 students of FIU. During his last year in the university, he...