(Author)
"Earin!!!"
"Hayop ka! Anong ginawa mo kay Earin?!"
Tanong ni Kevin kay Noi na galak na galak sa nakikitang kalituhan sa mukha ng pamangkin.
"Hay, sabi na nga ba't magugustuhan mo ang supresa ko, ganda no?" malokong tanong ni Noi.
"NOI!!!" yumanig ang buong paligid dahil sa sigaw na iyon ni Kevin.
Natumba si Noi dahil sa hindi inaasahang pagyanig, nawalan ito ng control kaya nawala ang enerhiya na pumipigil kay Kevin. Agad na sinugod ng huli ang tiyo at sunod sunod na pinagsusuntok ito. Hindi rin iyon nagtagal ng malakas na sipain ni Noi si Kevin sa sikmura, tumalsik ang huli sa damuhan hindi kalayuan sa kulungan.
Nang mahimasmasan si Kevin ay agad na lumipad papunta sa kulungan ni Earin upang pakawalan ang dalaga ngunit mabilis na humarang si Noi at sinapak siya. Napaatras siya ng ilang hakbang dahil sa lakas ng suntok ng tiyuhin.
"Bakit ba napakaatat mong bata ka? Gusto mo talagang mapabilis na ang pagkamatay mo, no? kung ganoon pag---" naputol ang sinasabi ni Noi ng biglang sumulpot si Diana sa harapan nito.
Kasama nitong sumulpot ang nilalang na naka-hood na lila at ang nakalutang na kulungan ng Chairman. Walang malay ang huli na nakaupo sa gilid ng kulungan.
"Kumalma ka, Noi. Ilang taon mong pinalano ang lahat kaya sana'y wag mong sirain ito dahil lang sa pagka-inis mo." sabi ni Diana sa mahinahong paraan.
"Pasensya na." sabi ni Noi na kumalma na.
"Hayaan mong ako na lang muna ang kumausap sa kaniya." Sabi ng babae at hinarap si Kevin.
Naglakad ito palapit sa binata ngunit nag-iwan ng sapat na pagitan mula sa isa't isa.
"Batid kong maraming katanungan ang gumugulo sa iyong isipan, lobo. Hayaan mo akong bigyan ka ng kasagutan." Nilingon ni Diana ang taong naka-hood na lila. Dahan dahan nitong inalis ang nakaharang na hood sa mukha nito. Hindi makapaniwala si Kevin nang makita ang mukha nito.
"Earin?! ngunit..." naguguluhang sabi ni Kevin. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa dalawang Earin sa kaniyang harapan.
Ang isa ay nasa kulungan na parang wala sa sarili at ang isa ay may nakakalokong ngiti sa mga labi habang nakatayo sa tabi ni Diana.
"Nakakalito ba? Pero, isa lang sa kanila ang totoong Earin Falerio at ang isa ang magiging bagong Earin Falerio." Sabi ni Diana na lalong nagpalito kay Kevin.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ng binata.
"Gaya ng sabi ko, isa lang sa kanila ang tunay at ang isa ay isang kaluluwa. Sa oras na tumuntong ang orasan sa alas-dose ay magiging pag-aari na ng kaluluwa ang katawan ni Earin. Tuluyan na siyang magiging patay. Magkakaroon ng pangalawang buhay ang kaluluwa sa katawan niya." sabi ni Diana.
"Isa lang itong kasinungalingan hindi ba? Napaka-imposibleng magawa niyo iyon kay Earin. Napakalakas niya... siya ang pinaka malakas na nilalang na nakilala ko." hindi makapaniwalang sabi ni Kevin. Nakatungo lang ito at mababakas ang pagluha.
"Siya nga. Ngunit, gaya nating lahat ay mayroon din siyang kahinaan. Si Alice. Ang pinakamamahal niyang ina."
(Flash back)
(Tatlong araw matapos ang madugong kaarawan ni Katherin)
Tahimik ang gabi at tanging ang ihip lang ng hangin ang maririnig.
![](https://img.wattpad.com/cover/10022001-288-k53320.jpg)
BINABASA MO ANG
She's a Living Dead
FantasyKevin Li is one of the top students of Falerio International University--an institution that train students to become a special agent. He is one of the member of Wolf88, a group of top 12 students of FIU. During his last year in the university, he...