V- Mission (part2)

7.8K 151 1
                                    


(Umin's P.O.V)


Maayos at kompleto sa gamit ang loob ng bahay ni Filion pero sa kasamang palad ay hindi na ito magtatagal.

Kinuha ko ang galon ng gasolina na dala ko kanina nang pumasok ako dito. Actually, dalawang galon ito, nauna ko ng ibuhos sa paligid ng bahay ang isang galon at ngayon naman ay ang loob ng bahay nito ang bubuhusan ko ng gasolina.

Isa isa kong binuhusan ang bawat sulok ng bahay hanggang napatapat ako sa nagiisang kuwarto roon.

Gaya ng ibang parte ng bahay ay maayos rin ang mga gamit sa kuwarto. Mukhang naglinis si Xandra kanina bago ito umalis. Siryoso ba siyang mahal niya ang hayop na iyon? Imposible!

Hindi nalalayo ang edad namin ni Xandra sa isa't isa kaya kilala ko siya. Hindi ang tipo ni Fillon ang tipo nito sa isang lalaki. Malayong malayo.

Biglang lumitaw sa isipan ko ang eksanang naabutan namin ng mga magulang ko noon sa kuwarto ni Xandra sa aming tahanan. Parehong hubad ang dalawa habang nasa kama. Tulog si Xandra samantalang si Filion ay panay ang halik sa leeg ng una. Ang akala namin ay bago palang ginagalaw nito ang kapatid ko ngunit nahuli na pala kami. Second round na pala ng gago!

"Sorry Xandra, mukhang magiging malamig ang mga susunod mo'ng gabi." may pait na sabi ko at pumasok sa silid.

Sinimulan ko nang buhusan ang bawat sulok nito at ang natitirang gasoline ay binuhos ko sa malaking kama. Nang matapos ako ay basta ko na lang itinapon ang galon at naglakad palabas ng bahay.

Ano kayang magiging reaksyon ng hayop na iyon pag nakitang nasusunog na ang kaniyang bahay? Tiyak na manggagalaiti siya sa galit. Napakasayang tanawin 'non.

"Speaking of the devil..." nakangising sabi ko.

Dahil nang saktong paglabas ko ng bahay ay dumating ang kotse ni Filion. Ipinarada nito ang kotse sa tapat ng bahay at ganoon na lang ang pagkagulat nito ng makita ako. Pero agad rin iyon na palitan ng nakakalokong ngisi.

Ang ngisi niya na labis kong kinamuhian noon pa man.

"Xiumin Kim, hindi ko inaasahan ang pagdalaw mo... bayaw?" nakakalokong sabi niya habang nakapamaywang sa aking harapan.

Gago talaga! Hindi ko pinahalata rito na gigil na gigil na akong sapakin ang ga-aspalto niyang mukha sa kapal.

Gumanti ako ng ngiti sa kaniya... ngiting gago. Ngiting nararapat sa katulad niya.

"Bayaw? Hindi ko akalain na sayo ko pa maririnig ang salitang 'yan... Kuya?" sinabayan ko 'yon ng tawa. Mapait na pagtawa.

Tumigil ako miya miya at mariin siyang tinitigan. Bago naglakad ako palapit sa kaniya, nang nasa harapan na niya ako ay tumigil na ako sapaglalakad at hinarap siya. Naging siryoso ang mukha niya, sa tingin ko'y nakakaramdam na siya sa mga magyayari.

"Anong ginagawa mo rito? Kahit anong gawin mo ay hindi mo kami mapaghihiwalay ni Xandra. Hindi mo siya makukuha sa akin!" sabi niya na pinantayan ang klase ng tingin ko.

Tinawanan ko siya ng maangas.

"Wala naman akong balak na bawiin siya. Naandito ako para ipakita sayo ang surpresang hinanda ko para sa iyo..." inilabas ko ang lighter sa bulsa ko at sinindihan 'yon.

Natawa naman siya bigla.

"Lighter? Bayaw naman, kayang kaya ko'ng bumili ng isang libong ganiyan!" mayabang na sabi niya.

"Sinong may sabi na ito ang surpresa ko sayo?" biglang inihagis ko ang may sinding lighter sa bahay niya. Ilang sandali lang ay nagliyab na iyon at kumalat ang apoy.

She's a Living DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon