XXIX - Dawn : The Guardian of Nature

3.4K 89 4
                                    


Sa araw ng pagtatapos ay karaniwang imahe na ang masasayang mukha ng bawat estudyante at mga magulang.

Palitan ng mga batian, pasasalamat at regalo para sa ilang taong pagsisikap.

Isang importanteng araw para sa mga estudyante...

Graduation Day!

Ngayong araw ay pinagdidiwang ng buong FIU ang 88th Annual Graduation Day, isang okasyon kung saan pinararangalan ang mga magigiting na mga mag-aaral.

Marami ang nangyari at nabago nitong mga nakalipas na araw ngunit ang mahalaga ay nagawa parin nilang makaabot sa espesiyal na okasyong ito.

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang labanan sa pagitan ng Dark Pearl at FIU. Marami ang hindi inakala na magagawa nilang malampasan ang gerang iyon.

Puno ng lagim ang isla sa loob ng dalawang araw.

Dumanak ang dugo, maraming luha ang nawala, at mga taong naulila.

Isa lang ang tanong na tumatakbo sa isipan ng mga taong naipit sa labanan.

May katapusan ba ito?

Ngayon ay masasagot na nila ito ng may ngiti sa mga labi... OO.

Lahat ng bagay na naumpisahan ay laging may katapusan.

Katapusang maghahatid sa panghabangbuhay.

Isa isang naglalakad ngayon sa gitna ng AF Hall ang mga mag-aaral na makakatanggap ng kanilang parangal bilang isang special agent.

Puno ng ngiti ang kanilang mga labi ng umakyat sila sa stage at iwagayway ang kanilang certipiko at medalya sa kanilang mga magulang.

Sunod na binigyang parangal ang mag-aaral na makakatanggap ng bronze medal. Ang mga mag-aaral na ito ay kabilang sa special class ng FIU.

At ang sumunod ay ang mga mag-aaral na labis na hinahangaan ng lahat... ang Wolf88. Mga mag-aaral na nagtataglay ng kakaibang lakas, talino at enerhiya. Sila ang maituturing na pinakamalakas sa lahat.

Ilang taon na ang nakalipas na tanging silver medal lang ang natatanggap ng mga nagtatapos na batch ng Wolf kaya labis na kinagagalak ng lahat na sa taong ito ay makakatanggap sila ng gintong parangal.

Napuno ng masigabong palakpakan ang buong hall ng tawagin na ang Wolf88 sa stage upang igawad ang pinakamataas na karangalan bilang mag-aaral ng Falerio International University.

"Ken, Wolf88, 12th agent."

"Ethan, Wolf88, 11th agent."

"Yuan, Wolf88, 10th agent."

"Xiumin, Wolf88, 9th agent."

"Don, Wolf88, 8th agent."

"Andrew, Wolf88, 7th agent."

"Eoun, Wolf88, 6th agent."

"Levin, Wolf88, 5th agent."

"Aron, Wolf88, 4th agent."

"Aly, Wolf88, 3rd agent."

"Zion, Wolf88, 2nd agent."

"Kevin, Wolf88, 1st agent."

Tumayo ang Wolf88 sa stage base sa kanilang rank at isa isang sinuotan ng gintong parangal. Lahat sila ay may ngiting itinaas ang kanikanilang mga medalya na sinabayan ng masigabong palakpakan ng lahat.

Nang matapos ang seremonya ay nagkaniya kaniya ng kumpulan ang mga mag-aaral upang kumuha ng mga larawan kasama ang mga naging matalik na kaibigan.

She's a Living DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon