(Author)
*Ang mga susunod na eksena ay hindi pang bata... kaya magpakamatanda kayo! haha joke lang. Bawal BATA dito! layas! (^.^)V
.....................................................................................................................................................................................
Tahimik na nagmamasid ang isang babae sa dalawang tao na nasa liblib na bahagi nang garden ng St. Anne Academy. Isang pribadong paaralan sa lalawigan nang Laguna.
Napangiti siya nang makitang naghahalikan ang dalawa. Ilang sandali din ang itinagal ng paghahalikan ng mga ito na animo'y ayaw pa'ng maghiwalay kung hindi lang kinapos sa paghinga.
Pansin na pansin sa mga ito ang pagkasabik sa sa isa't isa ngunit kailangan na nilang maghiwalay. Naunang umalis ang babae na hinahatid naman ng tingin ng lalaki.
Huminto ang babae sa tapat ng punong pinagkukublian niya. Nagsalubong ang kanilang mga mata, nangungusap ang mga mata nito. Malapad na ngiti lang ang iginanti niya rito. Napabuntong hininga ang babae at muling nagumpisang maglakad.
Nilingon niya ang lalaki at nakita niya na nakatingin pa rin ito sa papalayong pigura ng dating kasintahan. Ilang sandali lang ay umalis na rin ito at naglakad pabalik sa main building ng pinagtuturuang paaralan.
Tumalon siya pababa ng puno at ipinamulsa ang dalawang kamay sa palda ng kaniyang uniporme. Isa siyang mag-aaral ng St. Anne Academy.
"Magaling ba siya sa kama?" diretsong tanong niya.
Nabakas ang pagkabigla sa mukha ng babae bago iyon napalitan ng labis na galit.
"Leave him alone!" sagot ni Miranda ang babaeng kahalikan ng lalaki kanina.
Hindi ito tuluyang umalis nang lugar nagtago lang ito sa isa sa mga puno roon upang umalis na ang lalaki na nakatanaw dito.
"Hmm... mukhang magaling nga siya." sabi ni Alice na mababakas ang excitement sa mukha. Hindi nito pinansin ang sinabi ni Miranda.
"Miss Alice... nakikiusap ako. Huwag po si Emil." Miya miya ay paki-usap na sabi ni Miranda. Tumawa lang ng malakas si Alice habang nakatingin sa kaawa-awang mukha ng nakakatandang babae.
"Hay... paano mo nalaman ang iniisip ko? Ikaw, ha! Miranda masyado ka nang maraming nilalabag na batas!" malokong sabi ni Alice ngunit napalitan iyon ng pagkagulat nang biglang lumuhod si Miranda sa harapan niya habang nakatungo.
"Nakikiusap ako, wag si Emil! Miss Alice, paki-usap..." mababakas sa boses nito ang pag-iyak. Mahal na mahal talaga nito ang lalaki.
"Bakit ba nagkakaganiyan ka? Mamamatay ka na rin naman, ah? Tapos na ang anim na taon mo'ng pagpapakasasa sa piling ng lalaking 'yon. Mamamatay ka na, kaya akin na siya!" mapang-asar na sabi ni Alice na sinundan niya pa ng nakakalokong tawa. Patuloy lang sa pag-iyak si Miranda at hindi bumabago sa puwesto nito.
"Handa akong mamatay. Tanggap ko 'yon matagal na. Pero hindi ko makakayanan kung pati si Emil ay mawawala sa akin. Pakiusap, wag si Emil ang gawin niyong kasangkapan, Miss Alice."
Napabuntong hininga na lang si Alice at umupo paharap kay Miranda. Siryoso ang kaniyang mukha habang nakatingin sa huli.
"Patawad. Pero, wala na akong natitirang oras para humanap ng bagong kasangkapan. Ilang araw na lang at gaganapin na ang seremonya para sa Choosen Bond. Wala na akong panahon, Miranda. Wala na." hinawakan ni Alice ang kanang pisngi ng babae.
Napahagulgol na lang ng iyak si Miranda dahil nabigo ito. Kahit tutol ito ay wala naman itong magagawa dahil oras na nito.
Inilapit ni Alice ang bibig sa tenga ng dalaga at may binulong dito. Napatigil sa pag-iyak si Miranda at napatulala sa kawalan.
![](https://img.wattpad.com/cover/10022001-288-k53320.jpg)
BINABASA MO ANG
She's a Living Dead
FantasyKevin Li is one of the top students of Falerio International University--an institution that train students to become a special agent. He is one of the member of Wolf88, a group of top 12 students of FIU. During his last year in the university, he...