XXIV (2) - The Dark Pearl Mafia

2.7K 78 2
                                    


(Author)


Puno ng kumpiyansang naglakad si Aron sa gitna ng gubat ng Falerio kung saan ginaganap ang labanan sa pagitan ng Wolf88 at Dark Pearl Mafia.

Dalawa na sa miyembro ng Wolf ang namatay... sila Ken at Ethan.

Labis na nasasaktan ang mga lobo sa nangyari sa mga kaibigan ngunit kailangan nilang ipagpatuloy ang pakikipaglaban. Hindi nila hahayaang mauwi sa wala ang inalay na buhay ng mga kasamahan.

"Ako si Hop, the shooter." Pakilala ng makakalaban ni Aron na may hawak na tatlong iba't ibang uri ng baril. Isa sa kanan at dalawa sa kaliwa.

"Four." Tanging sabi ni Aron.

Kung mapapansin niyo ay hindi ginagamit ng wolf ang kanilang mga sandata maging ang kanilang mga spirit sa pakikipaglaban.

Ano ang dahilan?

Nais kasi nila na gamitin lang ang mga ito sa pakikipaglaban sa mga Mafia Assassins. Para sa kanila ang training na ginawa nila sa ilalim ni Mui ay paghahanda laban sa mga assassins.

Ang bukod tanging gumamit ng spirit ay si Ken, ginawa nito iyon dahil hindi na kaya ng katawan nito na kontrolin ang enerhiya niyang kidlat dahil sa lihim na pag-control ng kalaban nito. Nalaman pa ng Wolf88 kay Aly na may sakit si Ken at inilihim nito iyon sa mga kaibigan kaya ganoon na lang ang pagkagulat ng mga lobo ng mamatay ito.

Ang nangyari naman kay Ethan ay sariling pagkakamali nito. Nilamon siya ng galit at sunod sunod ang ginawang pagtira kay Kook. Hindi niya namalayan na lahat ng ginagawa niyang pagtira ay ibinabalik sa kaniya ng kalaban. Namatay si Ethan na pinahihirapan ng mismong enerhiya niya. Unti unting natutuklap ang balat niya hanggang sa maging abo siya.

Ang magkasunod na pagkamatay ng mga kaibigan ang naging lakas ng Wolf para ipanalo ang laban na ito. Inumpisahan ito ni Zion at ngayon naman ay si Aron.

"Balita ko ay teleportation ang kakayahan mo... interesting! Ngunit, masasabayan mo kaya ang bilis ng mga bala ko?" mayabang na sabi ni Hop. Nagkibit balikat lang si Aron habang nakapamulsa.

"Bakit hindi mo subukan." Walang ganang sabi ni Aron.

Parehong itinaas ni Hop ang mga kamay na hawak ang tatlong baril. Malaking katanungan kung paano nito papaputukin ang dalawang baril na hawak ng kaliwang kamay nito. Ngunit sa klase ng paghawak nito sa dalawang baril ay mukhang bihasa na ito na dalawa ang gamit ng kaliwang kamay.

Umalingawngaw sa paligid ang putok ng tatlong baril ngunit hindi natinag si Aron sa kaniyang kinatatayuan. Ibinuka niya ang kanang kamay at mula roon ay nahulog ang tatlong basilyo ng baril.

"Nasagot ko na ba ang tanong mo?" puno ng angas na sabi ni Aron.

Napangiti lang si Hop.

Sa mga mata ng normal na tao ay aakalaing hindi natinag si Aron sa kaniyang kinatatayuan, pero ang totoo ay kasing bilis ng isang kurap ay nagpalipat lipat siya ng puwesto upang mapigilan ang mga bala.

Ngunit may isang bagay siyang hindi inaasahang nangyari...

"Dammit...!" daing ni Aron ng maramdaman ang pagtama ng mga bala sa kaniyang katawan. Tig-isa sa braso, binti at hita.

"Oops, nakalimutan kong sabihin na hangga't malaya ang mga bala ay patuloy parin ang mga ito sa pagtama sa kanilang target. Isang malaking pagkakamali ang pagbitiw mo sa kanila, Four." Natatawang sabi ni Hop.

Isang matalim na tingin ang ipinukaw rito ni Aron habang isa isang tinatanggal ang mga bala na bumaon sa kaniyang katawan. Walang kasakit-sakit na dinukot niya ang mga bala.

She's a Living DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon