Zion's P.O.V
Tumigil ako tatlong hakbang mula sa puwesto ni Kevin sa damuhan ng bakuran ng Alpha.
Lungkot. Pagsisisi. Panghihinayang.
Lahat ng emosyon iyan ay mababakas sa mukha niya... mababakas sa mukha naming lahat.
Sariwang sariwa ang lahat sa amin.
Bente kuwatro oras na ang nakakalipas at bawat segundo noon ay puno ng pighati.
Marami ang nagbago, nasira at nawala.
Isang gabi... Na puno ng kadiliman.
Mas madilim kaysa sa karaniwan.
Lumingon si Kevin sa direksyon ko.
"Dumating na ang Chairman. Sisimulan na ang seremonya. Hinahanap ka na nila." Walang imik na tumayo si Kevin mula sa pagkaka-upo sa damuhan. Tahimik na naglakad kaming dalawa papunta sa Falerio Main.
Nang makarating kami sa bakanteng lote sa main ay nakatingin ang lahat sa amin. Kitang kita ang malaking pagbabago... ang isang libong studyante ay tatlong daan na lang ngayon, ang tilian ng mga babae pag nakikita kami ay napalitan ng iyakan at ang mala-paraisong Falerio Island ay isa ng libingan.
Pumuwesto kami sa harapan ng lahat sa isang maliiit na entablado kasama ang ibang miyembro ng Wolf88 at ang Chairman.
"Bago natin umpisahan ang seremonya, nais kong humingi ng tawad sa inyong lahat. Professors, students at Wolf88. Ako ang may kasalanan nito kaya nakikiusap ako na huwag ninyong sisihin ang sarili niyo. Naging pabaya ako, hindi ko kaya naprotektahan laban sa Dark Pearl mafia. Kasalan ko ang lahat. Napakasakit na sa aking pagbabalik ay..." pilit na pinipigilan ng Chairman ang mga luha nito.
Alam ko na gaya namin ay sukdulan ang sakit na nararamdaman nito.
"Falerian, ayoko man sabihin ito ngunit ang ginawang pagsugod ng tauhan ng mafia ay hindi ang tunay na laban. Isa lamang itong babala... babala na nalalapit na ang katupusan. Marami sa inyo ang naguguluhan at maraming may tanong pero hindi ko masasagot ang lahat sa ngayon. Gusto ko na maging handa kayo sa bawat oras dahil hindi natin alam kung kailan mag-uumpisa ang katapusan. Maging handa at magkaisa tayo." Sabi ng Chairman bago nito inumpisahan ang seremonya ng libing sa mga namatay na tauhan, guro at studyante ng Falerio.
Conference room.
"Wolf88, salamat sa pagsisikap niyong matalo ang Dark Pearl at kinalulungkot ko ang nangyrari kila Ken, Ethan, Yuan at Xiumin. Mga anak na ang turing ko sa inyo kaya labis kong kinalulungkot ang pagkawala nila. Pero, Kevin at Zion, kayo ang tumatayong haligi ng Wolf88 kaya bago ang iba ay kayo dapat ang mas maging matatag. Alam kong mahirap gawin ngunit nais kong kalimutan niyo lahat ng nangyari kagabi. Hindi biro ang kahaharapin nating laban ngayon, ipakita niyo sa akin ang lahat ng natutuhan niyo bilang Wolf. Gusto ko na maging tunay na mga lobo kayo; mabangis, maliksi, matalino at higit sa lahat walang takot." Siryosong sabi ng Chairman habang tinitingnan kami isa isa.
"Yes, Chairman." Sagot naming lahat.
"Alam ko na alam niyo na ang tungkol sa mga Laumina. Ang Laumina ang pinakamalakas na nilalang sa balat ng lupa. Ngunit hindi kami nilikha upang makipaglaban. Mga gabay at taga pag alaga lang kami ng iba't ibang aspeto ng mundo. Si Diana ay isang Luamina ngunit pinatapon na siya rito sa mundo ng tao kaya hindi namin siya maaaring galawin. Ang batas naming ito ang dahilan kung bakit nilikha ko ang FIU. Alam ko na darating ang panahon na kakailanganin ko ang tulong ninyong mga tao upang maibalik ang balanse ng mundo. Kayo ang inaasahan namin Wolf88. Sa inyo nakasalalay ang magiging kapayapaan sa ating mundo. Paki-usap, pilitin niyong magtagumpay... Alang alang sa sanlibutan." bilin ng pinunong Laumina.
BINABASA MO ANG
She's a Living Dead
FantasíaKevin Li is one of the top students of Falerio International University--an institution that train students to become a special agent. He is one of the member of Wolf88, a group of top 12 students of FIU. During his last year in the university, he...