XXVIII - Earin's 22th Birthday

3.3K 80 2
                                    


Samantala...


Sa pagitan ng labanan ng mga Assassins at Wolf88 ay lamang ang huli ngunit ayaw paring sumuko ng mga kalaban.

Agad na nagtaka ang mga lobo ng tumigil sa pakikipaglaban ang mga Assassins at mag-ipon ipon ito sa gitna. Mula roon ay isang kakaibang dilim ang bumalot sa kanila. Nagtagal iyon ng ilang minuto.

Hindi maganda ang pakiramdam ng mga lobo roon kaya gumawa sila ng paraan para masira ito ngunit hindi nila magawang makalapit. Malakas ang puwersang bumabalot sa kadiliman. Unti unting nawala ito at isang pigura ng malaking nilalang ang naaninag nila. May maitim na aurang bumabalot sa paligid niya.

Asan ang mga assassins?

"Hindi naming akalaing aabot kayo sa ganitong level ng labanan na kakailanganin naming gamitin si Lokuen. Tingnan lang natin kung magagawa niyo pa kaming labanan." Sabi ng malaking nilalang na pinahalo-halo ang boses ng mga assassins.

Nagsanib ba ang mga ito? Iyan ang tanong ng mga lobo sa isipan nila at mukhang tama nga sila. Si Lokuen ang nilalang na nabubuo oras na magsanib ang mga assassins. Ang pinagsamasamang lakas ng mga ito ang dahilan para literal na makita ang maitim na enerhiya ni Lokuen.

Kung nagawa ng mga lobo na lamangan ang lakas ng mga assassins, hindi sila nakakasiguro kung may iuubra pa sila sa pinagsamasamang lakas ng mga ito.

"Wolf88, makinig kayong mabuti...kailangan ko ang bawat isa sa inyo." Bigla na lang may narinig na boses ang mga lobo sa kanilang isipan maging si Kevin.

"Umakto kayo ng normal lang at wag ipapahalata na naririnig niyo ako." muling sabi ng tinig sa isipan nila.

"Chairman?" tanong ni Zion sa isipan.

"Ako nga. Tutulungan ko kayo sa pakikipaglaban. Hindi ko maaring gamitin ang kapangyarihan ko dito sa lupa laban sa kahit na anong nilalang maliban sa mga Laumina, kaya sasabihin ko na lang sa inyo ang alam ko upang matalo ang mga kalaban. Makinig kayong mabuti at sundin ang lahat ng sasabihin ko." Sabi ng Chairman at isang imahe ang lumitaw sa isipan ng grupo nila Zion.

"Makikita niyo sa imaheng iyan ang mga parte ng halimaw na si Lokuen na maari ninyong puntiriyahin upang matalo siya. Ang mga parting may kulay pula ang lakas ng bawat assassins. Kung mapipinsala niyo ang isa sa mga yan ay mababaliwala na ang lakas ng lahat sa kanila. At sa oras na iyon niyo lang sila matatalo. Ngunit hindi iyon magiging madali dahil nagagawa ni Lokuen na basahin ang balak ng tao base sa kilos nito kaya nais ko na maging maingat kayo sa bawat kilos. Tandaan niyo na mas magagawa niyo siyang saktan kung susugod kayo ng sabay sabay na may iba't ibang kilos. Ang pinaka malakas na bahagi ni Lokuen ay ang parte ni JK; utak hanggang balikat. Iyon ang nais kong puntirihin niyo dahil si JK ang pinaka malakas sa assassins at siya ang utak ni Lokuen. Nakuha niyo ba? " tanong ng Chairman.

"Opo." sagot ng mga lobo.

"Magaling. Kumilos na kayo dahil oras na siya ang mauna ay mabibihag kayo sa kaniyang sariling laban. Malaking problema pag nangyari iyon. Kilos!" utos ng Chairman na agad na sinunod ng mga lobo.

Sila Aly at Eoun ang inatasan para unang tumira sa taas na bahagi ni Lokuen kaya agad na sumugod sila sa ibabang bahagi ng halimaw. Sila Don at Zion naman ang sumugod sa likod na bahagi ng halimaw. At sila Andrew, Levin at Aron ang sumugod sa ibabaw na bahagi ng halimaw.

Ngunit hindi umayon sa kanila ang pagkakataon dahil pinigilan sila sa pagkilos ng kanilang mga anino. Ayaw sumunod nito sa mga kilos nila.

Agad na tumuon ang tingin ng mga lobo sa mga kamay ni Lokuen kung saan naroon ang enerhiya ni Sol na siyang tanging makakagawa nito.

She's a Living DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon