(Zion's P.O.V)
Tulala lang ako habang nakatingin sa pigura ni Kevin na unti unti nang binabalot ng pakpak dragon nito. Ang noon ay kulay asul at pulang mga dragon ay naging kulay lila na may bahid ng itim.
Nakakapangilabot ang tanawin na ito. Dahil oras na matapos ang pagpapalit anyo ni Kevin ay hindi lang ang mga kalaban namin ang matatapos maging kami at maging si Kevin.
Ang enerhiya ni Kevin ay dragon at may kakayahan siyang lumipad, makabasa ng iniisip ng mga tao at magpalit anyo bilang dragon. Pero bukod dito at ay may sumpang taglay ang mga taong may enerhiyang dragon.
Napatakip kaming lahat sa aming mata nang mabalot ng kakaibang liwanag ang buong paligid.
Naandito na siya...
Nang imulat naming ang aming mga mata ay wala na kami sa portal na ginawa ni Levin, nasa isang talampas kami sa ibabaw ng napakataas na bundok. Sa gitna nito ay nakatayo ang isang lalaki na kulay lila ang mga mata maging ang lumang kasuotan.
Siya si Arako. Ang evil dragon.
Lahat ng tao na may enerhiyang dragon ay may sumpa at ito ay ang pagkakaroon ng kambal na ispirito ng isang totoong dragon, at ang kay Kevin ay si Arako. Isang dragon na may kakayahang mag-anyong tao.
Ayon sa nakalap naming impormasyon tungkol dito ay nabuhay ito noong panahon na ang tao at dragon ay magkaibigan. Umibig ito sa isang prinsesa na kalaunan ay naging malapit nitong kaibigan, ngunit pinagkasundo ang prinsesa sa isang tao. Labis na ikinagalit 'yon ni Arako at pinatay ang lalaking mapapangasawa ng prinsesa. Hindi nagustuhan ng prinsesa ang ginawa ni Arako at labis na nagalit ito sa kaniya dahil iniibig nito ang lalaking pakakasalan. Pinutol ng prinsesa ang ugnayan kay Arako at lumayo rito. Doon nagumpisang sumibol ang kasamaan kay Arako nakadagdag pa rito ang paglalason ng isang masamang ispirito sa isipan niya. Sinabi nito na kaya lumayo ang prinsesa ay nilason ng mga kapwa tao nito ang isipan nito at pinalabas na masama siya.
Simula noon ay pinapatay na ni Arako ang mga tao na kaniyang makikita at minsan ay nagbibigay pa siya ng mga sumpa rito. Labis na kinatatakutan ng mga tao noon si Arako dahil bukod sa kakayahan nito bilang dragon ay marunong din ito ng itim na mahika. Binansagan itong evil dragon dahil kahit ang kapwa nito dragon ay pinapatay oras na hadlangan siya sa kaniyang mga plano. Namatay si Arako sa mismong kamay ng prinsesa na nilinglang siya sa pamamagitan ng pangaakit. Nilason siya ng prinsesa ngunit bago siya tuluyang bawian ng buhay ay isinumpa niyang babalik siya at papatayin niya ang lahat ng taong nabubuhay sa kaniyang pagbabalik.
Unang beses namin nakita si Arako ay noong nawalan ng control si Kevin sa aming training. Sobra itong nadala ng taglay na enerhiya hanggang sa sakupin na ni Arako ang katawan nito. Maraming staff ng FIU ang nasaktan noon at muntikan ng mamatay, maging kami ay nakatikim ng bangis ni Arako noon.
Tanging ang Chairman lang ang nakagawang patigilin si Arako at nagbalik sa dating anyo ni Kevin. Binilinan nito si Kevin na hanggat maari ay huwag hayaang masakop ng enerhiya nito ang kalooban niya. Kaya simula noon ay hindi namin hinahayaang mapalaban ng husto si Kevin.
Maliban ngayong araw, dahil alam naming lahat na wala kaming laban sa limang lalaking bigla na lang sumulpot. Kanina nang sabihin ni Kevin na siya ang muunang lumaban ay kinutuban na akong gagamitin nito si Arako. Pero umasa parin ako na hindi na sana umabot sa puntong 'yon ngunit sadyang malakas ang lalaking Tempo ang pangalan. Hindi ko alam kung paano nito nagagawang kumilos ng hindi namin nakikita o nararamdaman.
Ang ginawa ni Kevin na pagpapalabas kay Arako ay may dahilan, alam niya na si Arako lang ang may kakayahang makatalo sa limang lalaki. At habang nakikipaglaban si Arako ay gusto ni Kevin na pag-aralan namin ang kakayahan ng lima upang maging handa kami oras na matalo si Arako.
BINABASA MO ANG
She's a Living Dead
FantasyKevin Li is one of the top students of Falerio International University--an institution that train students to become a special agent. He is one of the member of Wolf88, a group of top 12 students of FIU. During his last year in the university, he...