Zion's P.O.V.
Pagkababang-pagkababa naming Wolf88 sa sinakyang yacht ay nabalot kami ng pagtataka ng makita ang isla ng Falerio.
Umalis kami ng isla kahapon para puntahan ang sinabing lugar ni Earin na kuta ng Dark Pearl Mafia sa may Bulacan. Ngunit ng dumating kami roon ay wala naman kaming naabutan na kahit isang tauhan ng mafia. Kaya agad na bumalik na rin kami rito sa isla pero hindi namin inaasahanan ang bubungad sa amin.
Nasusunog ang buong lugar.
Paano nangyari ito gayong mahigpit ang security dito? At high tech ang lahat ng gamit kaya agad na maaapula kung may sunog.
Ngunit ang nakikita namin ay hindi mukhang basta sunog lang. May hindi magandang nangyayari sa isla.
May lalaki kaming nakita na tumatakbo palapit sa amin. Agad namin itong nakilala. Isa sa mga professor sa FIU.
"Sir Goan, anong pong nangyayari?" tanong ni Ethan sa special trainor ng FIU. Puno ng itim na marka ang mukha nito na sanhi ng usok at may mga paso ito sa iba't ibang parte ng katawan. Malubha ang lagay niya.
Agad na pinagaling siya ni Aly.
"Pinasok tayo ng Dark Pearl Mafia at binalot nila ang buong isla sa isang spell na hindi mapapasok nino man at hindi rin makakalabas ang lahat ng nasa loob. Sila ang may kagagawan ng sunog na ito. Patay na ang halos lahat ng studyante ng FIU at sa tingin ko'y kayo ang hinihintay nila kaya hinayaan nila kayong makapasok dito sa isla. Ang gusto nilang mangyari ay patayin tayong lahat at tinaon nila ito kung kailan wala ang Chairman sa bansa. Hindi namin kaya ang lakas nila at ilan professor na lang ang natitirang nakikipaglaban sa kanila. Tumulong kayo, madali!" puno ng takot na sabi ng guro. Agad naman kaming kumilos at pumunta sa lugar na tinuro nito.
Hindi namin maiwasang manlumo dahil nagkalat sa daan ang mga bangkay ng studyante at faculty staff.
"Wag!!!!" sabay sabay naming sigaw ng makita naming pinipilipit ng isang lalaki ang ulo ni Ms. Pigoan, ang linguistic teacher ng FIU.
Ngunit hindi natinag ang lalaki sa pagsigaw namin at tinuloy ang pagputol sa ulo ng guro.
Sanay akong makakita ng mga taong pinapatay ngunit hindi ko makayanang makita na pinapatay sa harapan ko ang mga taong napalapit na sa akin.
"Hayop ka!" sigaw ni Umin at sinugod ang lalaking pumugot sa ulo ni Ms. Pigoan.
Tumalsik ang lalaki ng bungguin ito ni Umin ngunit hindi man lang ito tumaob sa lupa at mayabang na pinagpagan lang ang balikat nito.
Mahahalata ang pagkainis sa mukha ni Umin. Itinaas nito ang hintuturo sa hangin at dahan dahang pinaikot iyon, lumikha ito ng maliit na ipo-ipong yelo. Nang maging sapat na ang laki ng ipo-ipo ay itinapat nito sa lalaki ang hintuturo sabay pakawala sa yelong ipo-ipo.
Hindi iyon na iwasan ng lalaki at pumaloob ito sa ipo-ipo na pabilis ng pabilis ang ikot.
Ang akala namin ay ito na ang katupusan niya, ngunit isa iyong malaking pagkakamali dahil sa gulat namin ay nabasag nito ang ipo-ipo at dahan dahang lumapag sa lupa.
Muli sanang titirahin ito ni Umin ngunit agad itong pinigilan ni Kevin.
"Wag mong hayaang kontrolin ka ng galit mo. Hindi lang siya ang kalaban natin may labing dalawa pa siyang kasama at tahimik na nagmamasid sa atin. Gaya ng sabi ni Mr. Goan, tayo ang hinihintay nila. Relax lang, Sais. Wag mong aksayahin ang kapangyarihan mo sa isang 'yan." sabi ni Kevin na nagpakalma naman kay Umin.
BINABASA MO ANG
She's a Living Dead
FantasíaKevin Li is one of the top students of Falerio International University--an institution that train students to become a special agent. He is one of the member of Wolf88, a group of top 12 students of FIU. During his last year in the university, he...