Flashback
"Diana, anong ibig sabihin nito? alam mo naman na kasalanang pumatay ng mga inosenteng tao." hindi makapaniwala si Miranda habang nakatingin sa mga bangkay ng mga tao na nakapalibot sa kapatid.
"Walang mali sa ginagawa ko, kung tutuusin ay ginawan ko pa ng pabor ang mga kaawa-awang taong ito. Iniligtas ko sila sa pagkakaroon ng kasalan. Ngayong patay na sila ay mababawasan na ang trabaho natin." Malapad ang ngiting sabi ni Diana na sinabayan pa ng pag-apak sa mukha ng isa sa mga bangkay.
"Mali ito, Diana. Paki-usap itigil mo na ito bago pa malaman ng mga konseho ang ginawa mo. Mapapatawan ka ng kamatayan!" paki-usap ni Miranda na tinugon ng nakakalokong tawa ng kapatid.
"Kailan pa ako nagkaroon ng pakialam sa gagawin ng konseho? Alam natin pareho na wala silang kuwenta. Ang tanging mahalaga lang sa kanila ay ang mga taong ito, mga taong walang ginawa kung hindi ang paulit-ulit na gumawa ng kasalanan. Makasarili silang lahat!" ramdam na ramdam ang puot sa bawat salita ni Diana.
"Hindi totoo yan. Nakalimutan mo na ba na ang konseho ang tumulong sa atin ng mamatay sila ina at ama. Binigyan nila tayo ng panibagong bukas. Tinulungan nila tayong maging isang guardian kagaya ng ating mga magulang. Diana, hindi ko maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan. Paki-usap, itigil mo na ito." Sabi ni Miranda sa nakakatandang kapatid.
"Huwag ka ngang tanga, Miranda! Ang pagiging guardian na iyan ang dahilan kung bakit namatay ang ina at ama natin. Nang dahil sa paggabay nila sa mga taong ito ay namatay sila... namatay sila sa mismong kamay ng mga pinoprotektahan nila." Sa sobrang galit na nararamdaman ni Diana ay ginawa nitong abo ang mga bankay na nasa isang bahagi niya.
Hindi mapigilan ni Miranda na maiyak. Totoo na napatay ng mga tao ang mga magulang nila ngunit isa iyong aksidente.
Ang mga magulang nila ay ang mga Guardian of the Sea. Isang araw habang nagbabantay ang mga ito sa karagatan ay dumating ang isang bagyong inaasahan na nila.
Ginabayan nila ang mga barko na naglalakbay noon sa karagatan ngunit isang hindi inaasahang insidente ang nangyari. Napagkamalan ng mga tao na halimaw ang mga magulang nila. Dahil sa takot ay sinugod sila ng mga tao at napatay. May ginamit kasi na kakaibang mahika ang mga tao kaya nagawa ng mga ito na mapatay ang mga magulang nila.
Naramdaman ni Miranda ang pagyakap sa kaniya ni Diana. Agad naman niyang tinanggap ang yakap nito.
"Kapatid ko, ginagawa ko ang lahat ng ito para ipaghiganti ang mga magulang natin." Bumitiw si Diana sa pagkakayakap at hinawakan sa magkabilang balikat ang kapatid.
"Sumama ka sa amin ni Noi. Labanan natin ang mga Guardian at patayin ang mga tao bilang kabayaran sa pagkamatay ng ating mga magulang." May ngiting sabi ni Diana.
Sunod sunod ang ginawang pag-iling ni Miranda kasabay ng pagtulo ng mga luha niya.
"Hindi ko kaya Diana... malaki ang utang na loob ko sa ating kapwa---"
"Miranda! Hindi mo alam kung ano ang ginagawa mo. Masyado kang nalinlang sa kanilang pamamalakad. Makikita mo na darating ang araw na ang mismong mga Lauminang iyan ang papatay sa iyo. Magsisisi ka sa hindi pagsama sa akin." Sabi ni Diana bago ito biglang naglaho.
Naiwan si Miranda na habag na habag sa gitna ng mga taong pinatay ni Diana.
Makalipas ang ilang araw.
"Supreme Guardian, paki-usap bigyan niyo po ng pangalawang pagkakataon si Diana. Patawarin niyo po siya...nakiki-usap po ako." nakaluhod na sabi ni Miranda sa harap ng buong konseho.
BINABASA MO ANG
She's a Living Dead
FantasiaKevin Li is one of the top students of Falerio International University--an institution that train students to become a special agent. He is one of the member of Wolf88, a group of top 12 students of FIU. During his last year in the university, he...