Kasalukuyan...
"KEVIN!!!"
Napako sa kinatatayuan niya si Kevin nang bigla siyang sugurin ng yakap ni Earin. Pakiramdam niya ay na nanaginip siya ngayon ngunit alam niyang totoo ang lahat dahil nararamdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya at maging ang mainit na yakap ni Earin.
"San ka ba galing kanina pa kita hinahanap sa buong isla? Alam mo ba na sobra akong nagaalala sa kalagayan mo, ang akala ko ay napatay ka na ni Cielo." dirediretsong sabi ni Earin habang nakayakap parin sa kaniya.
"Earin, may sakit ka ba?" hindi napigilang itanong ni Kevin dahil hindi talaga siya makapaniwala at lalong hindi niya mapaniwalaang nagpapakita ng positibong emosyon sa kaniya ang dalaga.
"Wala, bakit?" kunot noong tanong nito at bahagyang bumitiw sa pagkakayakap sa kaniya.
Mariing pinagmasdan ni Kevin ang dalaga. Hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ito at kitang kita niya ang pag-aalala nito sa kaniya. Pakiramdam niya ay nananaginip lang siya.
Maiging pinagmasdan niya ito, mula ulo hanggang paa. Naghahanap ng kakaiba sa dalaga.
"You're kinda weird today... Sigurado ka ayos ka lang? Para kasing hindi ikaw si Earin? But I like this side of you." nakangiting sabi niya at muling hinila palapit ang dalaga para yakapin.
Susulitin na niya baka biglang magbago ang mood nito mamaya. O kung panaginip man ito, ayos na rin dahil kahit papaano ay sa panaginip okay sila ni Earin.
Napa-ungol pa siya bilang pagtutol nang lumayo ang dalaga sa kaniya at nakangiting tiningnan siya.
"I know you'll say that. Kahit ako ay na-wi-weirdu-han sa sarili ko. My mind wants to stay away but my heart wants to be with you so bad. Minsan ang tingin ko nga ay nababaliw na ako. Believe it or not you are always on my mind. Nakakainis man, but I really do love you, Kevin Li. I really do." tapat na sabi ni Earin kahit may pagka-ilang.
Pinulupot ng dalaga ang mga kamay sa batok ni Kevin at akmang hahalikan siya ngunit pinigilan niya ito.
"Why?" kunot noong tanong ng dalaga. Halata ang disgusto sa ginawa ni Kevin.
Malapad ang ngiting hinalikan lang ni Kevin sa noo si Earin.
"I just wanna make sure that everything is real... that you're not playing with my heart. Earin, hindi ko na yata kakayanin kung sa bandang huli ay iiwan mo ako at sasabihing biro lang ang lahat. At isa pa, hindi ba't sinabi mo na si Jan ang lalaking mahalaga sa iyo samantalang ako ang taong gusto mong mawala sa bu---" ngunit hindi na siya pinatapos ng dalaga sa kaniyang mga sasabihin at mabining hinalikan ang kaniyang mga labi.
Ilang sandali siyang nabigla at hindi malaman ang gagawin. Mulat na mulat ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa dalagang nakapikit na hinahalikan siya.
Hinahalikan siya ni Earin! Siryoso ba 'to?
Ito ang unang pagkakataon na hinalikan siya ng dalaga na puno ng emosyon... Animo'y pilit na pinaparamdam sa kaniya ang pagmamahal nito. Hindi tuloy maiwasang tumaba ng puso ni Kevin dahil ramdam na ramdam niya sa bawat halik nito na mahal talaga siya nito.
Mahal siya nito... MAHAL SIYA NI EARIN!
Kailangan niyang ulit-ulitin sa kaniyang isipan dahil hindi talaga siya makapaniwala.
Bakit nangyayari ito? Hindi naman sa ayaw niya ngunit sadyang nakakabigla lang.
"Stop thinking... Just kiss me..." narinig niyang sabi ni Earin sa pagitan ng paghalik nito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
She's a Living Dead
FantasiaKevin Li is one of the top students of Falerio International University--an institution that train students to become a special agent. He is one of the member of Wolf88, a group of top 12 students of FIU. During his last year in the university, he...