XIX - Falerio Mansion/Bloody Birthday

3.7K 111 2
                                    


(Narrated by Author)


Sa talang buhay ng mga mamamayan ng Brgy. San Roque, San Pablo, Laguna ay ngayon lang sila nakakita ng naggagaraang kotse.

Ang isang sports car ay sapat na para humanga sila pero ang labing dalawa? Animoy nasa isang panaginip sila. Pero ang tanong ay ano ang ginagawa ng mga ito rito?

Tumigil ang asul na kotse sa isang kumpol ng mamamayan na nakamasid dito. Ito ang nauuna sa labing dalawa.

"Magandang tanghali po..." kung sa gara ng kotse ay napatulala na sila nang makita ang driver nito ay literal na napanganga sila.

Naalala tuloy nila bigla ang sinasabi noon ng mga matatanda na galing sa Mars ang mga lalaking sobrang guwapo dahil hindi na kapanipaniwalang may ganitong klase ng nilalang sa mundo.

"Ayos lang po ba kayo?" kunot noong tanong ni Aron nang alisin niya ang shades niya at tiningnan ang tatlong may kaidarang babae. Magtatanong lang sana siya ng daan ngunit mukhang wala ang mga ito sa sarili.

"AY, PALAKANG WALANG PAA!!!" sabay sabay na napasigaw ang tatlong babae ng biglang bumusina ng sunod sunod ang pangalawang kotseng kulay itim. Si Kevin Li... sino pa nga ba?

"Pagpasensyahan niyo na po ang kaibigan ko... itatanong ko lang po sana kung saan ang daan papunta sa mansion ng mga Falerio?" magalang na tanong ni Aron sa mga nahimasmasan ng ginang.

"Ah, iyon ba ang sadya mo ang akala ko ay yayayain mo na kaming mag-date hijo. Kaguwapo mo, eh." Natatawang sabi ng isa sa mga ginang. Nakitawa na rin si Aron halata naman na nagbibiro lang ang mga ito.

"Diretsuhin niyo lang ang daan na iyan at pag may nakita kayong karatula na Falerio mansion ay lumiko kayo sa kanang kalsada at sa dulo niyon ay makikita niyo na ang mansion." Magalang na nagpasalamat si Aron nang ibigay ng mga ito ang direksyon.

"Hijo, anong gagawin niyo sa mansion na iyon ay matagal ng walang nakatira doon. Abandunado na iyon at kinatatakutan dito sa barrio namin." Tipid na ngumiti lang si Aron at hindi sinagot ang tanong ng mga ito. Muli siyang nagpasalamat at magalang na nagpaalam.

Naisip niya na nasa probinsya nga siya dahil likas na mausisa ang mga matatanda.

Sinunod niya ang sinabing direksyon. Sa likuran niya ay sumusunod ang mga members na sakay ng kaniya kaniyang sasakyan.

Nang makita niya ang sign na sinabi ng mga matanda ay lumiko siya sa kanan. Unti unting nagiging masukal ang paligid, halatang hindi ito madalas puntahan ng mga tao.

Kahit malayo pa sila sa mansion ay natatanaw na nila ito. Kahanga hanga ang ganda nito ngunit gaya ng lugar ay halatang napabayaan na ito ng husto.

Isa isa nilang i-pi-nark ang mga kotse sa malawak na bakuran ng mansion. Walang gate ito kaya ang ibig sabihin ay simula ng lumiko sila sa kanang kalsada ay bahagi na iyon ng buong Falerio Mansion.

"Grabe, ang lungkot ng lugar na ito." Si Ethan ang unang nagsalita na likas na naman dito. Sumang ayon ang lahat sa sinabi nito.

Mula sa tuyong mga damo at lupa, kupas na pintura ng mansion at ihip ng hangin ay walang pinahihiwatig kung hindi kalungkutan.

"Ang ganda sana ng lugar na ito kung nalilinis lang." sabi naman ni Ken. Naglakad na sila papunta sa mansion.

"Ibebenta kaya sa akin ni Katherin ang mansion pag binili ko?" nailing na lang ang mga members sa sinabi ni Zion.

"Kahit kailan talaga ubos pera ka! Kabibili mo lang kaya ng bahay nung isang buwan, Dos!" paalala ni Levin kay Zion.

"Oo nga. Sayang lang ang pera mo kung binibili mo na lang ako ng pagkain nabusog pa ako." singit ni Umin na humakot ng negatibong reaksyon sa ibang mga member.

She's a Living DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon