Title: A Beauty of Silence
Napatigil sa paglalakad si Conlaed nang makarinig siya ng kaluskos mula sa dating library sa second floor. Pinakiramdaman niyang mabuti iyon at muli niyang narinig ang magaan na pagkilos mula sa loob.
Tiningnan niya ang mga kaibigan na nasa unahan niya at patuloy sa paglalakad papunta sa hagdanan pababa ng ground floor. Kumpleto naman ang mga ito kaya sino ang naririnig niya sa loob ng library?
Malabo naman na si Seki ang nasa loob dahil kaaalis lang ng trainer nila isang oras na ang nakakalipas
"Conlaed! Bakit nakatayo ka lang diyan?" napalingon siya kay Raguel nang tawagin siya nito. Nakahinto na rin ang mga ito at may pagtatakang nakatingin sa kaniya.
"May problema ba?" tanong ng pinsan niyang si Tyrus.
Hindi niya ito sinagot at muli siyang bumaling sa madilim na library. May nararamdaman talaga siyang tao sa loob noon. Pero hindi pangkaraniwang tao, hindi malinaw ang dating sa kaniya ngunit ramdam niya ang enerhiyang taglay nito.
"Bro, kailangan na nating umalis." Paalala ni Kaden na nagpabalik ng atensyon niya sa mga ito.
"Sige, mauna na kayo. Susunod agad ako. Sandali lang. May kailangan lang akong tingnan sa loob ng library." mabilis na sabi niya at agad na nagtungo sa madilim na silid. Mabilis pero puno ng ingat ang kilos niya.
"Bro, ano bang problema?!"
Narinig niya pang sabi ni Raguel pero tuluyan na siyang nakapasok ng library.
Sobrang dilim sa loob, nakakabulag sa dilim pero nagagawa niyang kumilos na parang maliwanag at nakikita niya ang kaniyang paligid.
Sinusundan niya ang kinaroroonan ng enerhiyang nararamdaman niya.
Hindi niya maintindihan pero may isang tinig sa loob niya ang nagsasabing kailangan niyang puntahan ito. Kailangan niyang makita kung sino ang nag mamay-ari ng enerhiyang iyon.
Agad siyang napahinto sa paglalakad nang may mahagip na tao ang mga mata niya sa isang aisle ng mga bookshelves.
Nagkubli siya sa kabilang shelf kung saan may siwang at doon ay nakita niya ang isang babae na may hawak na cellphone na siyang ginagamit nito na tanglaw sa pagtingin sa mga libro sa shelf sa tapat nito.
Hindi niya kilala ang babae at saka iniisip niya kung paanong nakapasok ito sa building nang hindi nila nalalaman... bakit hindi tumunog ang alarm?
Pinagmasdan niya ang kabuuan ng babae, bahagyang nakatalikod ito sa direksyon niya kaya tanging ang mahaba at alon alon nitong itim na buhok ang nakikita niya. Mataas ang babae kumpara sa pangkaraniwang Filipina, may kapayatan ngunit hindi naman sobra, nagtataglay din ito ng maputing kutis na konti na lang ay magiging kasing kulay na ng suot nitong puting bistida.
Biglang natigilan siya nang bumaling ang babae sa gilid nito, bahagya sa direksyon niya, nang dahil doon ay nasilayan niya ang kalahati ng mukha nito.
Bagamat may kadiliman sa paligid at tanging ang hawak na cellphone lang nito ang nagbibigay tanglaw ay hindi niya maitatangi sa sarili na nagtataglay ang babae ng napakagandang mukha. Maamo ngunit may bakas ng pagka-misteryoso.
Agad na napansin niya ang bilugan nitong singkit na mga mata na may makakapal na pilikmata. Isang salita lang ang rumihistro sa kaniya nang makita ang mga mata nito 'mesmerizing'.
Nagtatagalay ang babae ng manipis at matangos na ilong na para bang sadyang inukit upang maging angkop sa manipis ngunit mapupula nitong mga labi.
Bagamat hindi siya kagaya ni Raguel pag dating sa babae, ay hindi naman siya isang bato na walang pakialam sa mga ito, pero sa tala ng lahat ng babaeng masasabi niyang nagandahan siya ay walang papantay sa kaniya sa gandang taglay ng babaeng ito.
Tila ba'y isa itong diwata o anghel sa ganda. Nakakabighani.
Mataman lang na nakatingin ang babae sa mga libro sa shelf at nang tila ay may magustuhan ito ay kinuha nito iyon at pinatong ang isang dulo sa maliit na espayo ng shelf habang hawak ng libreng kamay nito ang isang dulo at binuklat iyon. Nilapit nito ang phone sa libro upang mailawan at mabasa nito.
Nanatili lang siyang nakatanaw sa babae habang siryosong siryoso ito sa pagbabasa. Tila ba'y kuntento na siya na pagmasdan lang ito.
"Hey, Conlaed!" napapitlag pa siya nang marinig ang boses ni Tyrus mula sa likuran niya at hawakan siya nito sa balikat. Nangibabaw ang boses nito sa tahimik na library.
Nang lingunin niya ang pinsan ay kitang kita na naguguluhan ito sa inaakto niya.
"Ano bang ginagawa mo dito?" tanong pa nito.
"May tinitingnan lang ako..." binalik niya ang tingin sa siwang kung saan kita ang babaeng nagbabasa ngunit wala na ito ngayon doon.
Nawala ito bigla.
"Ano bang mayroon dito?" sumilip din si Tyrus sa siwang. "Ang dilim dilim, wala naman makikita dito." reklamo nito.
Pero hindi niya ito inintindi at tinatanong ang sarili kung paanong bigla na lang nawala ang babae sa puwesto nito na hindi nila naririnig o nararamdaman na naglakad ito palayo.
Biglang naalala niya ang mga kumakalat na kuwento tungkol sa building na ito kung saan may mga multo raw na nagpapakita.
Agad niya naman iyong pinalis sa isipan. Imposible iyon dahil sa ilang taon niyang pumupunta sa building na ito ay wala ni isa siyang multong nakita.
Except that lady in white dress tonight. But is she a ghost?
Sa tingin niya ay hindi. Parang hindi niya matanggap na isiping multo ito.
"Halika na at mahuhuli na tayo!" hila sa kaniya ni Tyrus palabas ng library.
Ngunit bago siya tuluyang lumabas ay nilingon niya pa ang puwesto ng babae kanina.
At nakita niya ito... nakakubli sa kadiliman habang nakatingin sa kaniya.
----
SOON! (^.~)v
XOXO
-Adette Blume
BINABASA MO ANG
She's a Living Dead
FantasyKevin Li is one of the top students of Falerio International University--an institution that train students to become a special agent. He is one of the member of Wolf88, a group of top 12 students of FIU. During his last year in the university, he...