(Aly’s P.O.V)“Asan na ba ako?”
Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. Hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito. Hindi ko na nga matandaan kung paano ako nakarating dito, eh. Basta ang naaalala ko lang ay naglalakad-lakad ako kanina sa Falerio Plaza.
Ang problema ngayon at labis kong kinaiinis ay hindi ko makita ang daan pabalik!
Nasa isang gubat ako na sa tingin ko ay bahagi parin ng Falerio Plaza, kasi wala pa naman akong nakikitang bakod na naghahati sa tatlong bahagi ng FIU. O, baka nakalampas na ako at nakalimutan ko lang?
Anak ng putek, oh!
Nang mapagod ako kakalakad ay umupo ako sa ilalim ng isang puno. Matutulog muna ako’t napagod ako sa kakalakad na walang patutunguhan.
Isinandal ko ang likod ko sa puno at ipinikit ang mga mata habang nakahalukipkip ang aking mga kamay sa dibdib ko.
Ilang minuto palang ang lumilipas nang ipikit ko ang mga mata ko nang may marinig akong ingay sa di kalayuan.
Napaayos ako nang pagkaka-upo at kunot noong inilibot ang tingin sa paligid. Huminto ang mga mata ko sa isang direksyon. Malakas ang pakiramdam ko na doon nangagaling ang ingay.
Tumayo ako at pinagpagan ang pantalon ko bago naglakad papunta sa direksyon na yon.
Tama nga ako ng pakiramdam, dito nanggagaling ang ingay dahil habang mas lumalapit ako ay lumalakas ang ingay.
Naging malinaw na sa akin ang ingay na mukhang may binubugbog na tao, dahil ungol nang sinusuntok ang naririnig ko.
Naaninag ko ang isang grupo ng mga kalalakihang studyante rin ng FIU. May binubugbog na lalaki ang mga ito na hindi lumalaban at tinatangap lang ang bawat suntok nila.
Naabala ang tulog ko, wala naman palang kuwenta!
Kibit balikat na naglakad ako pabalik sa pinanggalingan ko. Wala akong balak na mag-aksaya ng oras sa buhay nila. Itutuloy ko na lang ang naistorbo kong pagtulog. Ngunit nakakailang hakbang palang ako ay may bigla akong naisip…
Huminto ako at muling nilingon ang direksyon nila.
“Makapagpahatid sa isa sa kanila pabalik ng Falerio Plaza. Mukhang hindi ko mahahanap ang daan pabalik saka nagugutom na ako.” sabi ko sa sarili.
Muli akong nagkalad palapit sa kanila habang nakadukot ang dalawa kong kamay sa bulsa ng pantalon ko. Tumigil ako tatlong hakbang ang layo sa kanila.
“HOY!” sigaw ko. Agad naman silang tumigil sa pangbubugbog at nilingon ako na may inis sa mukha.
Ngunit agad na bumakas ang pagkagulat at takot sa kanilang mga mukha nang makilala kung sino ako. Ngunit nakuha ng atensyon ko ang lalaking binibugbog ng mga ito.
“KEVIN!?” hindi ako makapaniwala, puno ng dugo ang mukha niya at putok ang mga labi habang nakahandusay sa lupa. Naguumpisa nang mamasa ang mga natamo niyang mga suntok.
Masamang tingin ang pinukol ko sa limang lalaki na malakas ang loob na bumugbog kay Kevin.
“ANO SA TINGIN NIYO ANG GINAGAWA NIYO?!” bulyaw ko sa kanila.
Hindi talaga kapanipaniwala na nagawa ng mga ito na bugbugin si Kevin. Anak ng tinapa! Ako nga hindi ko magawa, ang mga totoy pa na ito?! Imposible!
“Sasagot ba kayo o sa kabilang buhay na kayo magpapaliwanag kay San Pedro?!” naiinis na tanong ko nang ilang minuto na ang lumilipas ay hindi parin sumasagot ang mga ito.
BINABASA MO ANG
She's a Living Dead
FantasiaKevin Li is one of the top students of Falerio International University--an institution that train students to become a special agent. He is one of the member of Wolf88, a group of top 12 students of FIU. During his last year in the university, he...