XIV - Training (Xiumin, Yuan, Andrew and Aron)

4.6K 77 19
                                    


Umin's P.O.V.

"Mali ata ang pinto na napasok ko, eh." Nakakunot noong sabi ko.

"Dito ako magtetraining? Anong lugar ba ito? Mt. Everest? " nailing na sabi ko habang nakatingin sa buong paligid.

Hindi ko na makita ang asul na pintuang pinasok ko kanina. Tanging mga snow lang makikita sa buong paligid.

Wala akong nagawa kung hindi ang maglakad-lakad kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Baka naman may iniwang note si Mui, hahanapin ko na lang kesa mukha akong engot dito.

Ilang minuto na rin ang nakalipas nang maglakad-lakad ako at wala naman akong nakikitang kakaiba sa paligid.

"Ano bang trip nung si Mui at dito ako pinadala... hindi manlang ako binigyan ng jacket... wait, the cold never bothers me nga pala."

Napatigil ako sa paglalakad ng may isang kakaibang snowman ang nakaharang sa aking dadaanan. Malaki sa akin ito ng kaunti at nanlilisik ang itim na itim nitong mata.

Sayang ang cute pa naman nito panira lang ang mata, lakas maka-horror ng dating.

Naglakad ako palapit sa snowman... naadwa ako sa mata niya, eh. Papaltan ko ang mata niya mukha naman walang may-ari nito, eh.

Dinukot ko sa bulsa ng pantalon ko ang mga buto ng sampalok na kinain ko kanina bago kami dalhin ni Mui sa sa kaniyang sariling 'mundo'.

Tumigil ako sa harap ng snowman at pinagpagan ang mga buto.

"AHHHH...!" bigla akong tumilapon palayo rito. Mabuti na lang at puro snow sa paligid kaya hindi ako masyadong nasaktan sa pagbagsak ko.

Letseng snowman 'to!

Buhay pala ang loko!

Papalitan ko na sana ang mga mata niya ng mga buto ng sampalok para magmukha naman siyang mabait kaya lang bigla nalang akong binalibag nito.

Hanep! Ang lakas ng mga kamay niya ha. Manipis na sanga lang yun ng puno pero nagawa akong ihagis ng napakalayo.

Tumayo ako at inis na pinagpag ang mga snow na kumapit sa damit ko.

Snow ang enerhiya ko kaya hindi na nakakapagtaka na hindi ako nilalamig ngayon kahit kung tutuusin ay parang nasa Alaska ang lamig dito sa loob.

Inilabas ko ang wand na bigay ni Mui bago ako pumasok dito.

"May magic ba 'to?" pinagmasdan ko ang wand. Ginaya ko ung mga ginagawa ng mga wizards sa pinekula pero wala naman nangyari.

"Anong silbi nito sa akin? Wala naman pala itong magic!" nakakunot noong sabi ko. Ibinalik ko na lang ang wand sa bulsa ko at naglakad pabalik sa snowman.

Aba, syempre reresbak ako, ano siya sinusuwertte?!

Hindi parin bumabago ang snowman sa puwesto nito at nanlilisik parin ang mga matang nakatingin sa akin.

"Mukhang kailangan kong todasin ang isang ito para makadaan ako, ah." Itinaas ko ang dalawa kong kamay at kasabay niyon ang pagiipon ng mga snow sa pagitan nito.

Nang sa tingin ko ay sapat na ang laki ng snowball na ginawa ko ay nilagyan ko ito ng crystal spike sa buong paligid.

"Tingnan ko lang kung hindi ito maggutay-gutay sa gagawin ko." Pumusisyon ako at malakas na ibinato ang snowball sa snowman.

Kaya lang...

"WHAT?!" hindi ako makapaniwala na hindi malang tumalab dito ang ginawa kong snowball.

She's a Living DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon