(Kevin's P.O.V)
Ako si Kevin Li.
Lumaki ng walang kinatatakutan... kahit pa ang kamatayan.
Pero sa mga oras na ito, isa lang ang emosyong nararamdaman ng katawan ko... isang emosyong hindi ko akalaing taglay ko.
Natatakot ako. Pero hindi sa kamatayan o ano pa man. Ang tanging alam ko lang ay natatakot ako.
Nilingon ko si Levin na nababalutan ng kakaibang liwanag. Sa unang pagkakataon sa buhay ko ay nagdasal ako na sana ay matapos nito agad ang time portal.
Nilingon ko ang mga kasamahan ko... lahat sila ay nababalot ng takot gaya ko.
Napapalibutan kami ng mga nilalang na hindi namin nakikita, hindi namin naririnig... pero sapat na ang enerhiya ng mga ito para kami ay kilabutan.
Puno ito ng kadiliman.
Mga anyo ng kamatayan.
Ilang sandali ay nabalutan ng kakaibang liwanag ang aming paligid. Muli kong nilingon si Levin at ganoon na lang ang pagpapasalamat ko ng makitang ito ang may gawa ng liwanag na 'yon. Tapos na nito ang portal.
Sa isang iglap ay nasa isang lumang gusali na kami. Madilim ang paligid at tanging ang liwanag lang ng buwan ang naging dahilan upang makakita kami sa kadiliman.
Napansin ni Eoun ang mga lampara na nakalagay sa pader. Sinindihan niya iyon gamit ang kaniyang enerhiyang apoy, agad na nagliwanag ang buong paligid... at sa mga oras na 'yon ay parang mas gusto kong madilim na lang, dahil sa pagsindi ni Eoun sa mga sulo ay matatanaw ngayon sa aming harapan ang limang pigura ng mga kalalakihan.
Kanina nang nasa harapan kami ng presinto, ang akala ko ay isang batalyon ang nakapaligid sa amin... ngunit hindi ko akalain na ang enerhiyang aming nararamdaman ay nanggagaling lang sa limang tao.
Nalilisik ang kanilang mga mata habang nakatingin sa amin. Kamatayan ang tanging isinisigaw ng mga iyon.
Wala ni isa sa amin ang naglakas ng loob na gumalaw o magsalita. Maging ang aming paghinga ay napigil ng hindi namamalayan. Sobra itong kabang nararamdaman namin.
Sa dami ng taong nakaharap at napatay ko... hindi ko makita ang pagkapanalo namin sa limang ito. Masyado silang malakas. Hindi kapanipaniwala.
Pero sa puntong ito ay wala kaming pagpipilian kung hindi ang lumaban. Kahit na alam namin na ang katapusan nito ay ang aming kamatayan.
"Parang hindi naman ata magiging masaya kung lima lang ang ating tatapusin ngayong gabi," basag sa katahimikan ng lalaking may marka ng X sa pagitan ng dalawa nitong mata. May nakakaloko itong ngiti habang nakatingin sa amin.
"'Di dalhin mo rito ang iba kung gusto mo." walang ganang sabi ng lalaki sa gitna ng mga ito na may pulang buhok. Sa lima ay siya ang may pinakamalakas na aura. Mukhang siya ang pinuno ng mga ito.
"Oo ba!" sabi ng lalaking may X sa mukha at bigla na lang itong nawala. Ngunit sa isang kurap lang ay naroon na ulit ito sa puwesto nito.
Paanong...?
"Asan tayo?" napalingon ako sa likuran namin ng marinig ko ang boses ni Zion.
At nasa likuran ko nga ito kasama ang iba pa maging si Umin. Bakas ang pagtataka sa mukha ng mga ito at maging sa amin.
Paano nagawa ng lalaking 'yon na dalhin sila dito sa isang iglap lang? At paano niya nagawang makalabas sa portal ni Levin na ang tanging paraan lang para makalabas ay kung gugustuhin ni Levin o di kaya ay patay na ito. Pero buhay na buhay pa si Levin sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
She's a Living Dead
FantasyKevin Li is one of the top students of Falerio International University--an institution that train students to become a special agent. He is one of the member of Wolf88, a group of top 12 students of FIU. During his last year in the university, he...