XX - Earin Falerio

3.6K 98 0
                                    


Kevin's P.O.V.


"Earin?!" bulaslas ko ng makita ko siya sa may pintuan ng silid.

Anong ginagawa niya rito? Imposibleng sinusundan niya ako.

"Kilala mo siya Kevin?" tanong sa akin ni Zion. Tumango lang ako at hindi ko inaalis ang tingin kay Earin.

"Diba siya si living dead girl?" biglang tanong ni Umin. Naalala pa pala nito noong una naming makita si Earin sa Falerio Main.

"Yup, I remember her too." Sangayon ni Levin. Kitang kita ko sa mga mata nito ang paghanga kay Earin. Mahilig kasi si Levin sa mga babaeng malalakas.

"She's off limits." Siryosong sabi ko kay Levin. Tumawa lang ito ng nakakaloko.

"I know man! Ngayon alam na namin kung sino ang babaeng nagpapasakit ng ulo mo at lalong nagpalala ng toyo mo." natatawang sabi nito.

Sarap sapakin ng gago.

Natigil kami sa paguusap nang biglang magbago ang paligid namin. Kung kanina ay nasa silid kami ni Katherin ngayon ay nasa labas na kami ng mansion.

Tumingin kaming lahat kay Levin pero umiling ito bilang sagot at itinuro si Earin na blanko ang mukhang nakatingin sa amin.

Siya ang may kagagawan ng pagbabago ng aming paligid. Kakaiba talaga siya.

"What the hell are you doing here?!" mahahalata sa boses ni Earin na hindi nito nagustuhan ang pagpunta namin sa mansion.

"We're here because of our mission." Sagot ko at sinalubong ang blankong mata niya na nasa akin na ang pansin.

Damn it! Bakit ba hindi ko magawang tuluyang magalit sa kaniya? Bakit hindi ko siya maalis sa aking isipan.

Alalahanin mo Kevin na ikaw ang taong nais niyang wala sa buhay niya. Tigilan mo na iyang katagahan mo.

Sabi ng munting tinig sa aking isipan.

"I don't care. Get out of here before I kill all of you." galit na sabi ni Earin.

Ngunit hindi kami natinag.

"Ikaw ba si Katherin Falerio?" napatingin ako kay Zion dahil sa sinabi nito. "Base sa pagpapaalis mo sa amin ay ikaw ang may-ari ng bahay na ito. At sa pagkakatanda ko ay ang anak ni Alice Falerio ang nagmana nito. Ikaw ba siya, Earin?" patuloy na tanong ni Zion.

Nang lingunin ko si Earin ay napansin ko ang pagkakakuyom ng kaniyang mga kamay. Nagtitimpi ito ng galit.

Maging ako ay naiinis kay Zion sa pagkumpronta niya pero hindi ko maitatangi na may punto siya... maaring iisa lang si Katherin at Earin. Kailangan namin ang tulong niya dahil maaring may alam siya sa samahang kinabibilang ni Diana noon bago ito tumiwalag.

Tiyak na malaki ang maitutulong niya sa amin sa kaso. Ngunit mukhang imposible iyon.

"Alin sa salitang UMALIS KAYO ang hindi niyo maintindihan?" madiing sabi ni Earin na hindi sinagot ang tanong ni Zion.

Bigla akong kinalibutan. May kakaiba sa pagkakasabi niya na nagsasabing kung hindi pa kami aalis ngayon ay katapusan na namin.

"Earin, calm down!" napalingon kaming lahat sa likuran namin nang may bigla na lang nasalita roon. Si Jan ang secretary ng Chairman.

Anong ginagawa ng lalaking ito dito? Epal na naman!

Naglakad siya palapit kay Earin. Balak ko sana siyang pigilan pero baka ikagalit iyon ni Earin kaya nanatili na lang ako sa kinatatayuan ko. Base sa nakita ko noong Grandball ay malapit sila sa isa't isa... at tanging sa lalaki lang nagpapakita ng emosyon si Earin.

She's a Living DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon