Flashback (Special Chapter 2)

3.5K 85 0
                                    


(Author)

 

2 days bago makita ni Kevin si Earin sa Falerio Grand. (II — Who is she?)

 

Earin's pad,

London, United Kingdom

 

Tahimik na pumasok si Earin sa kaniyang kuwarto at dirediretsong nahiga sa kaniyang kama. Hindi na siya nag-abalang magbihis o maglinis man lang ng katawan. Wala na kasi siyang lakas dahil sa maghapon pakikipaglaban sa mga Bonies.

Ang mga Bonies ay nilalang na nilikha ng isang Guradian of Skills para magamit ng mga Laumiņa sa kanilang pageensayo upang maging isang Guardian. Ang anyo nito ay maihahalintulad sa isang troll ngunit ang kabuuan nila ay pinagsamasamang buto ng iba't ibang uri ng hayop. Napakalakas nila at ang tanging paraan para matalo sila ay putulin ang ulo nito, pero napakahirap nun dahil may malalaking kamay at braso ang bonies na laging handang dumipensa sa kanilang ulo.

Napamulat si Earin mula sa kaniyang pagkakapikit nilingon niya ang bintana ng kuwarto nang bigla itong bumukas at umihip ang malakas na hangin. Sandali lang naman ang itinagal noon at muling sumara ang bintana.

Napabuntong hininga si Earin at tumayo mula sa pagkakahiga.

Naglakad siya palapit sa bintana at tumigil tatlong hakbang mula rito. Tumungo siya upang damputin ang sulat na iniwan ng hangin sa sahig.

Kahit hindi niya pa iyon lubusan nakikita ay nasisiguro niya na galing ito kay Arnulfo Falerio. Madalas itong magpadala ng sulat kay Earin ngunit ni isa man sa mga iyon ay hindi manlang binabasa ng dalaga at basta na lang tinatapon sa basurahan.

Galit si Earin kay Arnulfo dahil ito ang sinisisi niya sa lahat ng kaguluhang nangyayari sa buhay niya. Ang mga pangyayaring iyon ang naging dahilan upang mawalaan siya ng ganang mabuhay. Ngunit kinakailangan niyang manatiling buhay dahil sa pangako niya sa isang importanteng tao.

Akmang itatapon na niya ang sulat sa basurahan ng bigla itong magpumiglas at kumawala sa pagkakahawak niya. Hinayaan lang niya iyon at tamad na pinagmasdan.

Kusang bumukas ang sulat at nagsalita. Narinig niya ang boses na lubhang pamilyar sa kaniya.

"Katherin... apo ko. Alam ko na itatapon mo lang ulit ang sulat na ito gaya ng ginawa mo sa iba, pero mahalaga ang sasabihin ko ngayon apo kaya sana'y pakinggan mo. Nakikiusap ako apo... Alam ko na labis ang nararamdaman mong galit sa akin dahil wala akong ginawa para pigilan ang mga nangyari noon. Maging ako ay galit din sa aking sarili pero anong magagawa ko? Nakatakda na ang lahat ng mga nangyari noon. Wala ako sa pusisyon para pigilan 'yon...Katherin...sobra akong nasasaktan dahil ako ang dahilan ng pagbabago mo. Patawad apo...At mukhang sa pangalawang pagkakataon ay masasaktan na naman kita...mukhang lalo kang magagalit sa ibabalita ko sa iyo...Katherin, dumating na ang tamang panahon upang isagawa ang seremonya ng chosen bond. Matagal na panahon na ang lumipas simula ng hindi matuloy ang huling seremonya. Nang dahil don ay marami ang nagbago at nawala sa ayos.

She's a Living DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon