Mula sa puwesto ko dito sa sanga ng mataas na puno ay malaya kong napagmamasdan ang kilos ng lahat ng mga Thànatos habang nakikisalamuha sila sa mga tao.
Ang mga Thànatos ay mga ispiritu na hindi pa natatagpuan ang liwanag patungo sa panghabang buhay na kapayapaan.
Hindi totoo ang paniniwala ng mga tao na may lugar na impyerno. Lahat ng nilalang na namatay ay isa lang ang patutunguhan at iyon ay ang langit.
Ngunit upang makamtam ang kapayapaan ay kailangan mahanap ng ispiritu ang kaniyang liwanag. Hangga't hindi iyon na hahanap ay lahat ng mga namatay na ispiritu ay mananatili sa mundo.
Ito ang impyerno na sinasabi ng mga tao. Impyernong maituturing para sa mga yumao na makita araw-araw ang mga mahal nila na patuloy ang buhay at sa bawat paglipas ng panahon ay unti-unti silang nakakalimutan.
Mas masakit pang masaksihan ito kaysa ang makita mo ang sarili mong pagkamatay.
Sampung ulit ang dami ng mga Thànatos kaysa sa bilang ng lahat ng tao sa buong mundo. Masikip na ang impyernong ito para sa kanila.
Ang ilan sa kanila ay daan taon nang nananatili rito, sila ang mga ispiritu na hindi na binigyan ng pagkakataon na mahanap ang liwanag dahil naninirahan parin sa kanila ang kanilang galit noong sila ay nabubuhay.
Ang ilan naman sa kanila ay ayaw iwan ang mga mahal sa buhay kaya piniling palampasin ang liwanag. Mga ispiritu na patuloy parin sa pakikisalamuha sa mga nabubuhay.
At ang huling uri ng mga Thànatos ay ang ispiritung may kakayahang mag-anyong tao. Sila ang nakikita ng mga tao, sila ang may kakayahang magparamdam, at sila ay may kakayahang sumanib.
Sila ang mga mapapanganib.
Sila ang aking trabaho.
Sa dulo ng mahabang kalsada sa gilid ng punong kinaroroonan ko ay may dalawang ispiritu akong mahigpit na binabantayan.
Si Alice at Earin Falerio.
Sila ang pinakamalakas na Laumiņa noong nabubuhay pa sila.
Sa sobrang lakas nila ay kayang-kaya nilang linlangin kahit ang sinasabing pinakamalakas na nilalang sa mundong ibabaw.
Ang Supreme Guardian.
Mga kahanga-hangang nilalang.
At ako bilang si Grimo ang Guardian of Death, tungkulin kong bantayan ang ispiritu ng mga namatay, gabayan sila patungong liwanag at tungkulin ko ring ilihim ang bahagi ng buhay nila noon na sikreto.
Ako lang ang bukod tanging nakakaalam ng kasagutan sa lahat ng katanungan sa mundong ibabaw.
Isa sa mga ito ay ang malaking sikreto tungkol sa Chosen Bond.
Ano nga ba ang dahilan ni Alice at malaki ang pagtutol niya sa Chosen Bond?
Iyon ay dahil natuklasan niya ang katotohanan tungkol dito. Totoo na ang Chosen Bond ay daan para magkaroon ng kapayapaan ang mundong ibabaw, ngunit hindi alam ng marami na ito ay isang kabayaran.
Kabayaran ng Supreme Guardian sa kasalanang nagawa niya.
Siya bilang pinuno ng mga Laumiņa ay nilabag ang sagradong batas sa pagitan ng dalawang mundo sa mundong ibabaw.
Hindi niya man ginusto ngunit umibig siya sa isang tao.
Si Nida. Ang pinakamagandang babae sa panahon na iyon.
Nang malaman niya na ang babae ay may nararamdaman ding pagmamahal sa kaniya ay sinama niya ito sa kaniyang isala at doon sila namuhay bilang mag-asawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/10022001-288-k53320.jpg)
BINABASA MO ANG
She's a Living Dead
FantasyKevin Li is one of the top students of Falerio International University--an institution that train students to become a special agent. He is one of the member of Wolf88, a group of top 12 students of FIU. During his last year in the university, he...