Chapter 1"Ale, pwede po bang magtanong?"
"Aba'y nagtatanong kana Ineng, ano yun? "
"Saan po papuntang Ongpin? "
"Naku,ganito gawin mo! Yang iskinitang yan pagliko mo may bahay, "Sabi ng ale na sinabayan ko ng tango.
"Ongpin na po ba dun? "
"Hindi. Liliko ka pakaliwa, tapus pag may nakita kng malaking puno, titingin ka sa kanan."
"Bakit po Ongpin na po yun?"Excited na tanong ko.
"Hindi. Barangay hall dun ka magtanong! " sabay irap nung ale at nagmarsta palayo.
Aissh, sunod sunod na buntong hininga ang pinakawalan ko. Bat ang galing mamilospo ng mga tao ngayon? Sambit ko.
Huminga ako ng malalim. Makainom na nga lang ng tubig. Bigla akong nauhaw sa kabaliwan ng Ale na yun.
Matapos mahimasmasan nagdesisyon akong sugurin ang barangay hall, bakit nga ba hindi? Aba! mas matutulungan nga naman ako pag dun ako nagtanong.
Agad kung binitbit ang luggage ko. Tsk! Feeling sosyal ako eh, wag kayo.
Ilang minuto rin ang nilakad ko ng mapadpad ako sa isang madilim iskinita. Hindi ko agad napansin ang isang mamang kanina pa pala nakabuntot sa akin. Dyos ko! Ano ito? Pero kahit na anong mangyayari hindi ko basta basta nalang ipapadukot tong bayong na dala dala ko.
"Miss, akin na yang bit bit mo! " sabay hila nung bayong.
Naknang tinapa, ito na nga ba ang sinasabi ko. Agad akong binundol ng kaba at takot. Maaring mapahamak ako sa ginagawa ko. Hindi ko hahayaang basta basta nya lang makukuha itong bayong na dala dala ko. Nakasalalay dito mga pangarap ko.
"Bitawan mo ang bayong ko!" Usal ko, kunting-kunti nalang at mabibitawan kuna ang bayong.
"Mapapahamak kalang mas mabuting bitawan muna. "
Kapag binitawan ko to parang tinanggap ko na rin sa sarili ko na loser ako, sampal yun sa pagkatao ko. Kaya ilalaban ko to.
"Mapapahamak ka lang miss, " agad nag labas ang lalaki ng ice peak sabay panlilisik ng mata!!
Napa atras ako ng kaunti, pero hindi ko parin binibitiwan yung bayong. Pucha! Mamatay yata akong virgin. Kaloka! Ano ba tong naiisip ko.
Hindi ko tuloy mapigilang matawa.
"Anong tinatawa mo dyan? " tanong ni Mamang snacher.
"Ahmm, bakit nyo po ba ito ginagawa? Akoy isang hamak na probinsyana pero hindi ibig sabihin madali nyo lang akong maloloko. "
"Anong niloloko? " sambit ni Mamang snatcher.
Napakurap ako. Aba matindi, snacher ba talaga ang isang to? Sa isip ko habang seryosong nakatingin sa mama.
Sa totoo lang hindi sya mukhang snacher. Parang 50/50 sya sakin.
Nang nawala ang atensyon nito sa bayong ko agad ko itong nahila, dahilan upang mabitawan nito ang bayong.
Ilang sandali, biglang may Serena ng...
"Litse, pulis!!!" Sabay takbo nung snacher!
Ayan nawili ka kasi sa pakikipag kwentuhan sakin. Sabay iiling iling ko. Haayyy!
"Ok ka lang ba miss? "
Napatingin ako sa bandang likuran ko isang chinitang babae na naka pulis uniform.
Hindi ako makapaniwala. Ang ganda nya tapus, pulis? Talaga lang ha! Grabe bai!
"OK ka lang? " sabay pitik ng kamay malapit sa mukha ko.
"Ahhh ehh. Wala ma'am na star struck lang po. " may pagka pahiyang hinging paumanhin ko.
"Naku! Bakit ka mahihiya,isa pa hindi ako artista kaya wag kang ma star struck. " paliwanag nya.
Napatango-tango naman ako. Nakakapanibago! Ibang iba nga maynila sa probinsya. Doon malamig at presko ang hangin. Dito ang unit at mausok ang lapaligiran. Pero bakit parang masaya pa ata ako sa mga nangyari ngayong araw. Iba ang Maynila ang gagwapo at gaganda ng mga tao. Parang lahat ng nakikita ko puro artista. Napangiti ako.
"Miss?" Sabay alog sa ulo ko.
"Okay lang ako Ma'am. " sabay ngiti ko dito.
"Halika ka, samahan mo kung magmeryenda. Mukhang nalipasan ka ata ng gutom. "
Agad nitong minani-ubra ang motorsiklo! Waaah! Ang astig nya! Parang kahit sinong masasamang loob mahihiyang gumawa ng mali pag sya ang huhuli.
Sa malapit na karenderya nya ako dinala. Medyo marami-rami rin ang mga kumakain. Past 1pm na pala hindi ko man lang napansin.
"Ako nga pala si PO1 Kirsten Delavin. Kisses ang itawag mo sakin. "Sabay ngiti nito at lahad ng palad.
Tinanggap ko ang pakikipag kamay nito.
"Ako naman si Marydale Entrata ,Maymay for short Ma'am." walang kagatol-gatol na saad ko. Habang patuloy sa paglamon. Mukhang nagutom ata ako sa pakikipaghilahan dun sa snacher!
"Hinay hinay lang walang makikipag agawan sayo. " sabi nito ng nakangiti.
Aishh. Bakit ganun wala sa aura nya ang pagiging isang pulis.
"Ahm, Ma'am pwede pong magtanong? "
"Ano yun? Kisses nalang. "
"Kasi, parang ang hinhin nyo po, bakit pagpupulis po ang nagustuhan nyo? "
Hindi ko alam pero kapansinpansin na napangiti sya.
"Alam mo Maymay, ang galing mo mag observed." Tapus tumukhim sya at tumingin sakin. "I chose this profession, dahil gusto kung matulungan mga kapwa ko pilipino, tulad kanina siguro kung hindi ako nag pulis baka napahamak kana! "
"Naku ma---, este kisses siguro tama kayo. Saludo ako sa mga kagaya mo. Totoong naglilingkod para sa bayan! "
"Naku! Di naman, tamang timpla lang! Matugunan mga kapwa mamamayang pilipino. "
Matapos mananghalian na libre ni ma'am kisses. Napagkwentuhan namin kung bakit napadpad ang isang pobreng kagaya ko probinsyana dito sa Maynila!
"Masaya ako na pinaglalaban mo yang pangarap mo. Pero alam mo naman dito sa Maynila naglipana mga masasamang loob. "
Napangiti ako sa sinabi nya. "Kisses salamat sa concern huh. Pero buo ang loob ko na tutuparin ko ang mga pangarap ko"
"Alam ko, hindi ka nga natakot dun sa snacher eh."
"Syempre kaya kong makipaghabulan sa kanya."
Sabay kaming napatawa. Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa kanya. Parang matagal na kaming magkakilala.
"Hito,nga pala calling card ko" sabay abot nito niyon sakin na agad ko namang tinanggap.
"Salamat dito. "
Nakita kung nakasampa na sya sa motorsiklo niya. Sa tingin roronda pa sya.
"Sige, May kailangan ko pang mag report sa office. Kung may problema ka tawagan mo lang ako,"
Tumango ako. Kasabay nuon sinuot nito ang helmet at nagpaalam na. Nang mawala na ito sa paningin ko. Nagsimula na ulit akong maglakad. Masasaan bat mahahanap ko rin ang lugar na kung saan maabot ko nais kung maabot.
A/N:
Sorry sa late update. Masyadong busy sa pagpa-fangirl sa MayWard! (:
Anyway suportahan po natin sila paglabas nila sa Outside World!
![](https://img.wattpad.com/cover/85617188-288-k159013.jpg)
BINABASA MO ANG
That Whacky Afternoon In That Salon
HumorSi Maymay ay laking probinsya, pero hindi ito naging hadlang para marating gusto sa buhay. Kahit salat sa karangyaan pinalaki naman siyang mayaman sa pagmamahal at may takot sa dyos. Napadpad sya sa Maynila para patunayan sa lahat na kaya nyang mag...