That Wacky Afternoon in that Salon
By: shise004A/N : I'll do my best na makapag update atleast once a week. 😊
Chapter 6
Kasagsagan ng pag-uusap namin ang syang pagdating ni ating Mercy. Ngunit hindi ito nag iisa. Na ikinagulantang ko. Dahilan upang mapako ako sa aking kinauupuan.
"Ayy teka...bakit kasama mo sya?" Nakakagulat na naitanong ko kay Mercy.
"Jusko maghunos tili ka Maymay.." sambit nito.
"Yan po ang nanloob dito kagabi." Pag aakusa ko dito.
Napansin kung hindi nag imikan ni isa man lang sa mga bakla.
"Ano? Nakakita lang kayo ng gwapo kinalimutan nyo nang mag nanakaw ang isang yan." Sabay turo ko sa taong kaharap. Na ngayon ay naghila ng mauupan at naupo ng padikwatro.
Di ko mapigilang magtaas ng kilay. Nanggigil na binato ko ng tingin ang tatlong bakla.
"Ano na? "
"Maymay HB ka masyado." si Mercy.
"Relax ka lang May. Inhale, exhale. " si tian-tian.
Huminga ako ng malalim sabay natingin sa tao na ngayon ay nakangiti ng hindi ko mawari.
"May nakakatawa? " ako na sinabayan ng irap.
"I never thought, that dress will suits you."sabay ngisi ng nakakaloko.
Diko mapigilang mapangiwi sa pinagsasabi nito. "Ano daw? " singhal ko. English kasi duduguin ilong ko.
"Gaga!! Mga bakla si Sir Edward Valencia."sambat ni ating Mercy.
Sa huling limang segundo nanatiling nakatiim lang kami ni Tian-tian at Ainech. Ni walang nag balak magsalita.
Para kasing may bombang pinasabog si Mercy dahil sa mga rebelasyon nya.
"Naku bakla bat ngayon mo lang sinabi?" si Tian-tian, na nabigla din ngunit minabuti nitong hindi iyon ipahalata.
Agad nitong nilapitan si Edward at nakipag kamay.
"Nice to meet you sir. " sa magiliw nitong boses. Magiliw naman itong tinanggap ni Edward. "Pasensya nga pala sa inasal nitong si Maymay. " sabay lingon sakin at usal ng 'umayos ka'.
"Anong -----"magsasalita pa sana ako ng takpan ni Ainech ang bibig ko.
"Ahhh, Ainech po pala. At ang isang to naman si Maymay. " sabay itong naghandshake kay Edward.
"Unfortunately, I know you guys already. But this girl in a sundress, is a nobody. Care to explain? Or termination will be implemented. " ma-awtoridad nitong wika.
Kaba ang namagitan sa mga sandaling yun. Pakiramdam ko hahatulan na ako ng kamatayan. Napatingin ako sa gawi nito. Sabay nun ang panandaliang pagtagpo ng mga tingin namin. Tsk! Kala nya nagagwapuhan ako sa kanya? Kahit oo, may itsura sya, hindi ako nagagwapuhan sa kanya uy.. Hindi ako mahilig sa gwapo. Bahala sya!!
Sabay naming binawi ang tingin sa isat isa. Kasabay ng pagsasalita ni Tian-tian. Sinabi nya kung paano ako napadpad sa salon at kung paano ako nakatulong sa kanila.
"Okay, I'll give her a chance. If and only....."sambit nito. Na ikinagulat ko. Malamang hindi ko na gets ang pinagsasabi ng kumag. Nasa pinas sya uy bakit di sya magtagalog.
"Only if she'll kiss my FOOT!!! "
"Whaattt?? " sabay sabay na napahiyaw ang tatlong bakla. Sabay nun ang pag lingon nilang tatlo sa akin.
Pilit kong pinanatag ang sarili. Ano Marydale gagawin mo ba? Sigaw ng konsensya ko. Inignura ko ang pamumuo ng mga butil ng luha sa mga mata ko. Na ngayon ay lumalandas na sa aking mga mukha.
"May... " narinig ko si tian-tian. Ramdam kung may gusto itong sabihin. Ngunit Alam ko ring katulad ko empleyado lang din sila dito.
"Okay lang ako. " sabay pahid ko nung mga luhang pumatak sa mukha ko. Tinigasan ko pa lalo ang boses. Ngayon pa ba ako susuko? Andito na ako. Isa pa, para kina nanay to. Yung pangarap nyang beauty salon alam kung maiibigay ko yun.
Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kinauupuan ni Edward.
"May, di mo kailangang gawin to. " sabay hakbang ni Tian-tian papalapit kay edward. "Sir masipag pong empleyado si Maymay. Buong gabi nya pong binantayan itong salon. "
Ngunit nanatiling nakatiim lamang si Edward. Binaliwala lang nito ang pinagsasabi nung bakla.
Sa pagkakataong yun minabuti kung lumuhod sa harap nito. Kung ito ang gusto nya, gagawin ko. Isa pa lumawas ako ng maynila para maiahon sa hirap ang pamilya ko. Wala ng atrasan.
Nang sandaling yun, walang ano ano---- dahan dahan ,palapit ng palapit ang mukha ko sa napakakinis nitong sapatos.
Kunting kunti na lang at mahahalikan ko na sana ang kumikinang na sapatos nito ng bigla nitong iiwas iyon. Dahilan upang mapako sa ere ang nguso ko."Okay, for now you've forgiven. And can you pls follow me. "
Pagtapos nitong magsalita, tumayo na ito at umalis sa harap ko.
Sa inis ko di ko mapigilang masuntok ang tiles na syang sahig ng salon.
"Ok ka lang Maymay? " si tian tian sabay abot nito ng kamay agad ko namang inabot iyon upang makatayo.
"Wag ka ng malungkot maymay, nandito lang kami. " sabay haplos ni Mercy sa likod ko. Dahilan upang maging panatag ang kalooban ko. Pinakalma ko ang sarili. Sabay hinarap silang tatlo.
"Salamat sa inyo, salamt sa pagpapalks ng loob ko. Kahit ilang buwan pa lamang ako dito, pamilya na ang turing ko sa inyo. Parang nagkaroon ako ng tatlong naggagandhang mga ate. " may paghikbing sambit ko.
"Ano ba, Maymay isang pamilya tayo dito. " si Mercy.
"Awwww, group hug. " si Ainech.
"Ahemmmm!! "
Napalingon kami sa likuran. Nakita namin ang isang ma'ma. Sa palagay ko personal driver ni Edward.
"Mga miss, pasensya na pero hinihintay na po ni sir Edward si Maymay sa kotse nya."
"Totoo? " parang biglang may malaking sumundot sa lalamunan ko?
Panigurado pahihirapan ako ng Estrangherong yun. Sana naman yung layt lang.
Sa sandaling panahon, ay namaalam na ako sa kanila. Tibay at lakas ng loob ang bit bit ko sa paglisan sa salon na yun.
Kahit sa kunting panahon ay syang naging tahanan ko na.
----
May panibagong adventure si Maymay-- next on That Wacky Afternoon in That Salon.
--- The Valencia Residence
😊
![](https://img.wattpad.com/cover/85617188-288-k159013.jpg)
BINABASA MO ANG
That Whacky Afternoon In That Salon
HumorSi Maymay ay laking probinsya, pero hindi ito naging hadlang para marating gusto sa buhay. Kahit salat sa karangyaan pinalaki naman siyang mayaman sa pagmamahal at may takot sa dyos. Napadpad sya sa Maynila para patunayan sa lahat na kaya nyang mag...