Why can't I stare back?

288 36 8
                                    

Wacky afternoon in that Salon

By Shise004

Chapter 14







Nang marating ang bahay nila Edward, di ko parin mapigilang mapanganga. Sa laki ba naman talaga ng bahay nila eh. Oo nga pala mansyon ang tawag dito. Grabe ang OA lang talaga sa laki, eh tatatlo lang naman kaming nakatira sa loob? 




Nagulantang ako ng papasok na sana ako ng mansyon, bigla kasing pinaharorot ni Edward ang ferrari niya. Sarap talagang batukan ng Edward na yun. Saan naman kaya sya papunta?? 




Tsee! Eh di sa babae nya. 






Ay iwan paki ko naman sa buhay nya. Diba? Isa pa bakit ko ba iniisip ang pasaway na yun? Agad akong nag martsa papasok ng mansyon.  




Huminto ako sa may main door kasi naalala ko gusto ko pa sanang mag libot-libot sa buong subdivision kaya lang baka naman mawala lang ako . Di bali maraming panahon pa para mangyari yan.




Agad kung hinanap si Manang kailangan kong magpaliwanag. Pano palpak yung lakad namin. Wala kaming napamili. Hays.




Pumasok ako sa kitchen. Sa living room. Sa storage room. Sa backyard.  Sa garden. Pati na sa kwarto nito. Di ko na pinalampas pati ang banyo.





Saka ko lang narealize wala talaga si Manang.







Omg!







"Nawawala si manang!!! "








Sigaw ko sa buong mansyon. Pero kahit anong sigaw ko wala namang nakakarinig sakin. 



That Whacky Afternoon In That Salon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon