The Wackiest Truth

264 40 10
                                    

A/N: Read at your own risk! Sana mag enjoy kayo hahaha



That Wacky Afternoon in that Salon

By Shise004

Chapter 28

Ang sabi ni Edward aalis kami mamayang gabi. Ang alam ko may annual chu chu ang family nila. Ako naman kailangang gumanap syempre, henired nya ako diba? So mag iinarte pa ba ako? Isa pa kahit masakit dahan dahan ko ng ipinapaintindi sa sarili na wala talagang chance. Bakla si Edward, beks, paminta, in short ibong adarna.

Sana ako na lang si Ding or yung bato! Kasi palagi niyang makakasama. Pero kagaya nga ng sinasabi ko di pa naman talaga ako convince na bakla sya kasi tinray kong lagyan ng ipis yung gamit nya, hindi sya sumigaw mantakin nyo yun, pinatakas nya lang yung ipis! Atleast kahit papano may chance parin. Pepti-pepti nga lang.

Ako naman heto aligaga sinabi kasi ni Edward na sya lang ang makakapunta sa mga Valencia clan. Parang representanti lang ba. Kahit may kaba akong nararamdaman pinagpapasalamat kp parin kasi hindi ako pinapabayaan ni Edward. Sino ba naman ang hindi?  Effort kayang magturo. Kahit hindi sya ang tumapos sa pagtuturo sakin alam ko sa sarili kong may halaga din ako sa kanya.

Huminga akong malalim. Kararating lang namin sa venue. Mabilis naibigay ni Edward yung susi sa lalaki na magpapark nitong kotse nya. Agad naman syanh umikot papunta sa side ko. Ang gwapo talaga ni Edward, ang hot nya sa formal suit na suot suot nya. Sinong magkakamaling isipin na dyosa pala sya deep inside? Napangiwi ako sa isiping yun.

Naka bestida lang naman ako isang dirty white backless dress ang suot suot ko. Di kaya ako atakihin ng hika nito? Expose na expose kasi yung flawless kung likod. Napahigit ako mahabang hininga sa isiping yun.

Agad akong pinagbuksan ng pinto ni Edward, huling huli ko ang pagngiti niya sa akin nang tuluyan na akong makalabas ng sasakyan. Parang proud na proud boyfriend.

Oo nga pala, kailangang proud girlfriend din ang peg ko kaya sinuklian ko din ng napakatamis ang ngiting binigay nya sakin. Oh diba nagmukha naming in love na in love sa isat-isa!  Bongga!

Yung inakala kong holding hands mali pala kasi napunta agad sa bewang ko ang mga kamay nya. Grabe talaga nakaka pressure pala pag ganito. Kaya tinumbasan ko din humawak din ako sa bandang bewang nya. Ito na yun 'it's showtime,' bulong ko sa sarili habang papasok na kami sa loob. Past six pm na pala kasi nagsisimula ng umawit yung orchestra.

Naramdaman ko agad kung gaano ka sosyal ang nasabing event. Grabe napakayaman lang talaga nila. Di ko akalain na mapapatingala na naman ako sa lawak at laki ng buong lugar na may malaking umiilaw na chandelier sa gitna. Pero wala naman akong paki kung ilang chandelier meron ang paki ko lang ay magampanan ko ang pinapagawa nya sakin. Sabay napalingon ako ng di sinasadya kay Edward. Na masigasig ang pagkakahawak sa bandang bewang ko.

"Let's sit over there, " tumango lang ako at hinayaang syang kaladkarin ako. Joke. Pinaghila nya rin ako ng upuan. Pero alam ko parte lang to ng pagpapanggap namin.

Pansin ko na yung mesa namin ay may nakalagay na pangalan nya. Kaya pala dito kami naupo. Di na ako nagtaka ng mapansin ang samot saring kubyertos sa harap ko. Mukhang kainan ata talaga ang first part ng program. Mabilis na dumating ang mga pagkain namin sa mesa.

Agad kong nilagay ang panyo sa lap ko. Nakita kong yun din ang ginawa ni Edward. Pansamantalang napahinto ako pag aayos ng table napkin ng napansin kung may dumaan sa mesa namin. Kung di ako nagkakamali si Ma'am Ann yun huling huli ko ang pag arko ng kilay nya.

That Whacky Afternoon In That Salon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon