Chapter 35

287 35 6
                                    

That Wacky Afternoon in that Salon

By Shise004




"Kamusta ang lagay mo dito? Sabi kasi sakin ni E-Ome ay masyado kang malungkot palagi ka pang nagkukulong sa kwarto mo." Si Mama na sinisipat ang mga magazine sa lamisita. Nasa salas kasi kami ng mansyon ngayon. Masaya ako at kahit papano ay nagawa niyang dalawin ako.

"Wala yun ma, masyado lang sigurong maraming iniisip, "

"Ano naman yun anak? May namimiss ka ba? "

"Si mama talaga ,pag ba may iniisip may namimiss agad.. ?" alam ko naman yang mga hirit na ganyan alam kong si Edward ang pinupunto nya.

"Nagtatanong lang naman ako anak ko. Bakit defensive ka masyado dyan..?" Panunudyo ni mama na di man lang ako tinapunan ng tingin , samantalang ako kanina pa napapakunot ang noo.

"Si Mama talaga , kainin nyo na po yang noodles nyo at lumalamig na.. " wala sa sariling sambit ko, sabay tumingin sa may bandang kaliwa kung saan ang pasilyo papuntang library.

Nabalik kay mama ang atensyon ko ng mapansin ko ang maingay na paghikop nito ng noodles nya. Sa dinami-dami ng pagkain na inalok ko sa kanya yung noodles talaga yung nakita nya. Kapansin-pansin din ang kakaibang sigla ni Mama ngayon, sabagay ilang taon din silang hindi nagkita ni Tita malamang maha-habang panahon din ang bubunuin nilang magkasama.

"Anak, alam mo alam kong yang galit mo na yan ay lilipas din yan. Kung alam mo lang kong gaano ka niya kamahal nak. "

"Ma, kong totoo yung pagmamahal nya sakin di nya ako lolokohin para sa mga pangarap nya."

"Tatanungin kita nak, alin ang mas masakit yung panloloko niya sayo na para rin naman sa ikakabuti ng lahat o yung iwan ka niya?"

"Mama naman eh----"

"Sige nak assignment nalang muna ang sagot," sabay tawa nya ng mahina. Kahit papano gumaan ang pakiramdam ko. Ilang buwan ko ring hindi Nakita ang mga malulutong na tawa ni Nanay.

"Pero nak may nabalitaan kasi ako."

"Alin dun ?"

"Ito oh—"

Di ko na pinatapos si Mama sa mga sasabihin pa nya. Agad ko na kasing kinuha ang newspaper na nakapatong sa center table , mabilis kong nahanap ang sinasabi nya .

"Diba si Edward yan nak? Dyoskong bata ang gwapo pala talaga nitong manugang ko. Sayang at hindi ko man lang nakadaupang palad. "

Mabilis kong inirapan si Mama, bago natuon ang pansin ko sa nakasulat sa dyaryo.

"Teka—Partners in business, kisses delavin and edward valencia – will there be a chance as lifetime partners? "

Di ko mapigilang malaglag ang panga sa headline ng tabloid at sa larawan ni Edward at kisses na parehong nakangiti sa isat-isa. Sabay napatingin na ako kay mama.

"Akin na nga yan anak. Huwag kang magbabasa ng mga ganito."  sabay inagaw sakin ang news. Di ko alam pero parang biglang nangilid agad ang mga luha ko.

"Nak, basta pag may ganitong balita wag munang intidihin kasi alam mo naman kong ano ang totoo. "

"Ma, kung ano man kagustuhan ni Edward wala na ako dun. Kung gusto nya ng deborsyo ibibigay ko yun sa kanya. " Walang kagatol-gatol na pagsasalita ko.  

"Naku nak, malabong mangyari yan mahal na mahal ka nun, " di ko mapigilang lingunin si mama, iwan ko ba sa klase kasi ng pananalita nya parang matagal nya n kilala si Edward. Pero di ko narin inintindi, para kasing sasabog ang utak ko.Kisyo may tatlong araw pa lang namang di umuuwi si Edward dahil sa lapas tangang business trip na yan. Di ko sya mamimiss no. Saka simula nong umalis si Edward pakiramdam ko parang andito parin sya , Oh guni-guni ko lang?

That Whacky Afternoon In That Salon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon