He's Sick and I'm In Charge

312 42 3
                                    

That Wacky Afternoon in that Salon

By Shise004

Chapter 12 





Isang linggo din ang lumipas mula noong aksidenting hilahin ako ng mga baks at gawing panakip butas na model. Nung makauwi agad kung tinawagan si Nanay tungkol sa mga magagandang nagyayari sa akin.





Kaya lang ganon na lang galit ni nanay ,ayaw nya ata akong maging model.. Kisyo magiging panakip butas lang naman daw ako di wag nalang..





Pinili kung tapusin na lang ang naging usapan namin ni Nanay. Napapaisip kasi ako, sa tingin ko kasi magiging alila ata ako ni Edward. Lahat ng lakad nito ako palagi taga bit-bit ng mga gamit niya. Pwera lang nitong nakaraang tatlong araw. Diba baliktad ? Magpaka gentleman man lang sana kung mensan no.



Tapos si Kuya Ome, mga isang linggo ko na ring hindi nakikita. Ano kayang nagawa non? Sinisanti kaya ni Edward?





Kaya minabuti kung, makipag kwentuhan kay Manang Betsy.


"Manang pwede ka bang maisturbo sandali? " hinging paumanhin ko sabay upo sa kalapit na sofa. Nakikita ko kasing abala si Manang..




"Aba'y ano iyon  hija? Wag lang kamu tungkol sa lablyf,at matagal ng sumakabilang bahay iste buhay si karding," sabay sign of the cross nito ' sumalangit nawa ang kaluluwa,' Narinig kung mahinang sambit ni Manang..


"Naku, Manang itatanong ko lang sana,kung nasaan si Kuya Ome?" Si manang talaga.. Sa loob loob ko.

"Hehehehe!!! Ikaw talagang bata ka ,akoy nagbibiro lang naman ano? " sabay tawa nito.. Kaya di ko rin mapigilang matawa sa mga hirit nito.

"Hahaha, walang anuman po Manang  nakaka good vibes nga po, eh. " magiliw kung saad dito.

"Hehehe, yaan mo sa susunod kwentuhan kita nung love story namin ni Karding, "

"Anong genre po ba yan, comedy, romance, tragedy , horor ?" Na agad naman pinagtawanan nito.

"Naku, abay mala Romeo at Juliet, " na sinabayan nito ng malulutong na tawa.




Nakakagaan din ng pakiramdam makausap si Manang, feeling ko kasa-kasama ko lang si Nanay.

"Alam mo hija, ang gaan ng loob ko sayo pakiramdam ko, matagal na kitang kilala. " nakangiting sambit nito sa akin, saka binalik ang atensyon sa pag-ganchilyo.

"Talaga, ho? "



Tumango-tango ito, "pero mabalik tayo kay ome, palagay ko may inutos si Senyorito dun, "

"Ano po? Meron bang utos na halos isang linggo na ang lumipas di parin nakakabalik? "
Tanong kung pabalik dito. Nakakaloko lang kasi eh. Diba? Giit ko sa sarili.

"Alam mo hija mensan nga dalawang buwan, hanggang tatlong buwan bago nakakauwi si Ome, gawa ng may pinaka-komplikadong ipinapagawa si Senyorito dito,"

Biglang nanlaki ang mga mata ko," talaga po? " sa di makapaniwalang tanong ko.

Tumango si Manang, " Oo, alam mo hija.... Atin-atin lang ito ha, "

Tumango ako,


"Meron kasing malaking krisis na pinagdadaanan ang pamilya nila, dalawampong taon ng nakaraan."

That Whacky Afternoon In That Salon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon