That Wacky Afternoon in that Salon
By : shise004Chapter 7
Wala na ngang atrasan to. Bakit sa tingin mo pwede ka pang umatras? Tanong ng kunsensya ko.
Kabadong kabado ako habang nakasunod lang kay kuya Jerome ---ang personal driver ni Edward. Ramdam kung magkakasundo kami nitong si kuya sa sapantaha ko.
"Bakit?" Si kuya Jerome matapos nitong mailagay ang ilang gamit sa likod nung sasakyan.
"Paano ka nakakatiis sa ugali ni Edward? "
"Bakit, sinungitan kaba ni sir? "Sabay ngiti sakin.
Hindi ako sumagot.
"Alam mo Maymay, mabait naman yang si Sir Edward. "
Talaga lang ha. Sigaw ng isip ko.
"Sakay na Maymay. " utos nito dahilan upang dali dali akong umangkas sa mamahaling sasakyan ng masungit na si Edward.
Agad sumalubong sakin ang malamig na temperatura ng loob ng sasakyan. Napili kung sa harap maupo sa dahilang doon may makakausap ako. Kapansin-pansin ang gara nung sasakyan. Mamahalin. Pag mayayaman talaga, araw araw pwedeng magpalit ng sasakyan. Sabay hinga ko ng malalim.
Habang prenting nakaupo sa unahan. Kapansin-pansin ang pananahimik ni Edward sa back seat. Tulog ata ito, kaya minabuti kung tingnan ang front view mirror nakita kung nakapiring ito. Iba talaga ang ere kapag mayaman ano? Minabuti ko nlng ibaling sa daan ang aking atensyon.
Maya't maya ay napapa 'wow' ako ng bonggang ng bongga. Hindi ko kasi mapigilang ma excite sa mga nakikita ko tulad nung dinaanan namin kanina, may malaking swimming pool sa gitna ng daan. Tuloy parang gusto kung ma try mag swimming doon pamensan-mensan. Tapus ang nakakagulat, may taong nakatayo sa gitna, ay hindi parang bata ata yun na umiihi. Dahilan upang pansinin ko ang panaka-nakang lingon sabay simangot ni kuya Jerome.
"Kuya? May dumi po ba ako sa mukha? " ako. Sabay lingon sa salamin sa harap.
"Wala Maymay, napansin ko lang kasi. Kanina kapa ngiti ngiti dyan. " sabay pigil nito ng tawa.
"Ahahaaha, " hindi ko din mapigilang tumawa ng malakas. Dahilan upang magising ang natutulog. Pero nakikita ko sa front mirror na umiling lang ito, patay malisya at bumalik sa pag idlip. " ano kasi kuya, naiimagine ko kasing parang masarap maligo doon sa swimming pool na malaki, yung dinaanan natin kanina. "
"Naku Maymay, bago ka lang ba dito sa Maynila? Wala bang fountain dun sa inyo?"
Sunod sunod ang tangong ginawa ko. Habang hinihintay ang sasabihin ni kuya Jerome.
"Maymay fountain ang tawag dun, iba naman yung swimming pool na sinasabi mo, " hindi ko mapigilang masabunutan ang sarili, dahil sa pagkadismaya.
"Naku, kaya pala may batang umiihi dun, "
Nakita kung humagalpak ng tawa si kuya Jerome. Nubayan, ganun na ba ako ka bobo? Maynila nga kasi to Maymay. Pagtatama ng isip ko. Sabagay. Lahat ng nakikita ko ngayon ay bago sa akin.
Lumipas ang isang oras, pinili ko nalang umidlip muna. Hanggang sa hindi ko mamalayan ang panaka-nakang, yumuyogyog sa magkabilang braso ko. Dahan dahang napadilat ang mga kyot kung mata para lang ipikit ulit. Habang kunwaring nakapikit napatingin ako kaliwa kanan. Nasa sasakyan pa naman ako. Kaya lang nung mahimasmasan ako. Ang pagmumukha naman ni Edward ang nakikita kung masyadong malapit sa pamumukha ko. "Hey! Are you done daydreaming? " na sinabayan nito ng mahinang pag tapik sa may mukha ko. Kinagulat ko iyun pero mas pinili kung dedmahin ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/85617188-288-k159013.jpg)
BINABASA MO ANG
That Whacky Afternoon In That Salon
HumorSi Maymay ay laking probinsya, pero hindi ito naging hadlang para marating gusto sa buhay. Kahit salat sa karangyaan pinalaki naman siyang mayaman sa pagmamahal at may takot sa dyos. Napadpad sya sa Maynila para patunayan sa lahat na kaya nyang mag...