Submissive

329 40 3
                                    

A/N : Hello sa mga nagbabasa ng story na to. I dedicate this chapter sa inyong lahat. Nakakataba ng puso yung mga nag iiwan ng comments at nag vo-vote ng bawat chapter. I want u to know na napapasaya po ninyo ako.  Kahit stressed ,pagod at puyat ako (char) go pa rin . choss! sige na nga basahin nyo na daw ang trip ni Maymay -____-




That Wacky Afternoon in that Salon

By Shise004

Chapter 16





Saang planeta ba kasi kami papunta? Dyosko kanina pa kami paikot ikot ,oo masarap sumakay sa Ferrari ni Edward pero yung ganitong hihinto tas aatras, at biglang preno. Hilong-hilo na ako.

After namin mapaalis ang heaven na yun, sabi nya may pupuntahan daw kami. Pero talagang hilo na talaga ako, di ko na kaya mukhang isusuka ko na ata ang BATO ni Darna! Hahaha.. Charot!

Babatukan ko na sana si Edward ng bigla nitong inihinto ang sasakyan.

Siguro kung wala yung seat belt kanina pa ako tumilapon sa kung saan.

"Okay ka lang? " concern niyang tanong matapos maipark ang kotse nya. 

"BUHAY pa naman ako, " asik ko dito.

Binalingan lang niya ako ng nakakalokong ngiti, sabay nauna ng maglakad. Sinundan ko lang si Edward. Saka ko na realize kung nasaang lugar kami.

"Anong gagawin natin dito? " manghang tanong ko. Matapos mapansin ang napakalaking signage sa labas.

"Matutulog? " walang ka gatol-gatol na sagot niya.

Di makapaniwalang pinandilatan ko ito ng mga mata. "Ano? " sabay kamot ko sa ulo. "Dito ka matutulog sa LUNETA PARK? " sabay ikot ko ng tingin sa kabuo-an ng park.

Ay putek!  Kalaking bahay meron sya, at dito daw sya sa luneta matutulog? Anong trip to? Naiiritang napatingin ako sa kanya.

"May saltik ka ba?! "halos pasigaw ko ng tanong.

Parang walang pakialam na naupo ito sa bench, at walang paligoy-ligoy na nahiga doon. Putrages!

"Ngayon ka lang ba nakapunta sa luneta park?" Naiiritang tanong ko sa kanya.

"Yep, " walang ganang sagot niya. Habang papikit-pikit at ginawang unan ang dalawang kamay nya.

Hanudaw?

"Wag mo nga akong pinagloloko." Asik ko sa Kanya.

"I'm serious! " binalingan niya ako ng tingin saka biglang bumangon at umayos ng upo bench.

Dahilan upang makiupo narin ako.

Binalingan ko lang ito ng di naniniwala look.

"I actually search for this place. Sabi nila pag gusto mong malaman ang kultura ng isang bansa. Bumisita ka lang sa park nila. "

Napatango ako, sabagay.

"Pero diba bawal gawing tulugan ang park? "

Umiling ito, at nagpa ikot ng mata. Aba irapan ba naman ako?

Napatayo ako,uuwi nalang ako baka inaantay na ako ni Manang. Pero di paman ako nakakadalawang hakbang ng hawakan niya ang braso ko.

"Hey! sit down!" Utos niya.

That Whacky Afternoon In That Salon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon