A day to Remember

268 48 17
                                    

That Wacky afternoon in that salon

By shise004

Chapter 29



Sabi nila ang pag ibig ay walang pinipiling kasarian, edad o pisikal na kaanyuan. Bastat ang nararamdaman nyo sa isat isa ay tunay at totoo magparami na kayo.

Nasasabi ko yan kasi nandito kami ngayon sa simbahan nyayon. Opo nagsisimba kami. Tapos ang homily pa ni father ay tungkol pa sa pagpaparami. Tahimik lang ako buong homily. Ewan ko lang kung naiintindihan ni Edward yung sinasabi ni father na panay ang hikab. Napuyat ata sya kagabi. Hehe. Pero di tulad ng iniisip nyo. Nag kwentuhan lang naman kami noh. Kayo talaga, lawak lawak ng imahinasyon. Haha. Na kwento ko kasi ang buhay namin ni Nanay sa probinsya. Na mag isa nya akong pinapalaki, na salamat sa lolo at lola kong mababait dahil inaruga at inalagaan nila si Nanay noon kahit hindi nila dugo't laman. Wala talaga akong alam sa nakaraan ni Nanay ayaw nya kasi talaga mag kwento eh.

Isa pang dahilan ay gusto kong i-blessed kami ni Lord. Na sana makayanan naming lampasan lahat ng pagsubok kung meron man pero sana walang dumating noh?

Sabi ko nga dati kung sya talaga ibibigay yan sayo. Walang dahilan para di yan ibibigay sayo ng dyos! At isa ako sa maswerting nabigyan ng poging nilalang na jowa na ngayon ay parang tuko kong maka dikit sakin. Di kasi uso yung space sa kanya. Kanina pa ako panay ang isod hanggang sa marating ko na ang pinakadulo ng upuan. Panay lang lapit nya.

May isang linggo na rin ang lumipas simula nung ipagsigawan nyang mahal nya ako. Tarush! Akalain nyo yun. Ang totoo nga nyan syempre weeksary namin kaya nagpasya kaming gumala at syempre magsimba na narin.

"Are we done here? "Bored na tanong nya.

Wala sa isip na napanguso ako sa sinabi nya. "Stop it babe, your inviting me to do it here, "sabay kindat sakin. Agad akong napatakip ng bibig.

"Ano ba Edward nasa simbahan tayo," saway ko sa kanya at tumayo na ng tuluyan napansin kong sumunod sya at mabilis na naagaw ang kamay ko. Holding hands kaming lumabas ng simbahan. Nakaka himatay yung sweetness nya as in. Pakiramdam ko  ako si Monalisa ang pinakamagandang dilag sa balat ng lupa.

Yung feeling na matagal ko na syang kilala. Ganun yung pakiramdam. Hays! Pero sabi nga nila kapag umibig ka, magtira ka daw ng para sa sarili mo. Pero pano mo masasabing mahal mo talaga ang isang Tao kung mag titira ka rin lang ng para sa sarili mo? Kasi ang totoong pagmamahal dapat buo 'one hundred percent 'yung ibibigay mo. Di bali nang masaktan sa huli, naging tapat ka naman sa sarili.

Pansin kung hila hila na pala ako ni Edward. Mabilis nyang nabuksan ang pinto ng passenger seat at agad syang umikot at pumasok sa driver's seat. Mukhang nasa mood syang maglakwatsa. Taray!

"Saan po tayo pupunta? " tanong ko habang nasa daan kami.

Sandali nya akong binalingan,"We will dine my love!"effortless nyang sabi. Pero ang lakas ng impact pagdating sakin. Ang swabe kasi ng datingan ng pagkaka pronounce nya ng My Love. Hays. Parang paulit ulit ba nahuhulog ang panty ko. Mabuti nalang at may belt yung sakin. Hehe

Nasaan na ba kami? Napansin kung huminto kami sa isang German Restaurant! Amoy palang pagpasok namin kumulo na agad ang tiyan ko. Di kapani-paniwala ang ambiance pagpasok namim sa loob. May music din . Pansin kung napaka organize ng buong paligid.

"I guess you like it, " at pinaghila ako ng upuan at naupo naman ako agad.

"Edward baka masyadong mahal dito, " saway ko sa kanya.

Nakakahiya kasi. Puro lang ako lamon. Balak ko sanang ako ang mag treat sa kanya today.

"No! Man should always treat her lady out in a very nice and authentic place. "Sambit nya matapos maupo magkaharap lang naman kami. Sabay nginitian ako. May magagawa ba ako?

That Whacky Afternoon In That Salon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon