That Wacky Afternoon in that SalonBy Shise004
Chapter 33
Di ko akalain na makakasal ako na walang kaalam-alam si Nanay.
Nakakapanlumong isipin, pero sabi ni Edward bibisitahan naman daw namin si Nanay sa takdang panahon.
Alam kong minadali lang tong pag-iisang dibdib namin. Maliban sa pagmamahalan , sa tingin ko may kinalaman ang lolo nya sa kong bakit agad-agad itong pagpa-plano nya ng kasal namin. Sabagay mas maiging unahan na namin ito para wala ng pahirap sa kanya. Saka maiwala ko ba naman yung engagement ring makaka-tanggi pa kaya ako??
Kakatapos lang ng seremonya ng naging kasal. Kaharap ko lang naman sya ngayon habang busy sa pag perma ng mga papilis namin.
Alam nyo bang ilang ulit kong nasampal ang sarili ngayong araw? Di parin kasi ako makapaniwala na magiging akin na si Edward. As in lutang ako!!
Tanging si Manang kuya Ome at pamilya ng Judge ang naging ninong at witness ng aming kasal. Iba talaga nagagawa ng pera wala ng mga tanong dire-diretso na.
"MaryDale ,it's your turn. " agad naman akong tumungo sa sinabi ng Judge at nilagdaan lahat ng tinuturo niya na dapat kalagyan ng perma ko.
Isang malawak na ngiti ang ibinigay ni judge sakin este samin pala ni Edward matapos nyang suriin ang papelis.
"Now I congratulate you both, Mr & Mrs Edward Valencia, " sabi nya at kinamayan kami pareho ni Edward. Simula sa araw na ito dapat masanay na akong tatawaging Mrs. Valencia. Waaah! As in? Talaga ba? Di makapaniwalang ipinilig ko ang ulo ko. Bago ako napatingin sa side ni Edward na ngayon ay ang lawak-lawak ng pagkakangiti. Ngiting tagumpay ba yun? Agad ko nalang isinantabi ang isiping yun ng lapitan kami ng mga naging saksi sa kasal namin.
"Hija, ako'y masayang masaya para sa inyong dalawa ni Edward, " Si Manang Betsy na halos mangingiyak. Kaya agad ko na syang niyapos ng yakap. Kahit papano parang andito narin si Nanay dahil sa presensya nya.
Maluluha ko rin syang pinakawalan agad, "Manang naman eh, tinalo nyo pa si Nanay sa pag iyak nyo. " sabay pinunasan ko na rin ng tuluyan ang mga luha nya. "Pero salamat sa inyo ha parang kasama ko na rin si Nanay. "Sambit ko. Di ko mapigilang mangilid ang luha.
"Naku hija, kong alam mo lang... " sabay pahid niya ng luha sa may psingi ko.
Di ko naman mapigilang mapakunot sa sinabi ni Manang. "Ano po yun Manang, alam ang alin? " naguguluhang sambit ko.
"Ay ano....Ano ka bang bata ka syempre iba parin kong andito si Nanay mo. Panigurado, mag iiyakan din kayo, baka.... "
Di na natapos ni Manang ang sasabihin nya pa sana ng biglang sumingit sa usapan namin si Edward. Nginitian ko sya. Parang namiss ko rin kasi sya kaagad kaya di ko na lang pinansin ang biglang pagsulpot nya.
"Manang Betsy, sumabay na kayo Kay kuya Ome papuntang Reception. " at walang sabi-sabi ay nahila nya na ako agad palapit sa kanya.
"Are you okay? " Masuyo nyang tanong. Yung tipong para akong mamahaling crystal na babasagin?
"Okay lang ako Edward. " sabay nginitian ko sya ng mataman.
Mabilis nyang kinuha ang hanky nya akala ko ibibigay nya yun sakin para punasan ang mukha ko pero nagulat ako ng sya na mismo ang gumawa. Nahihiyang napatungo na lang ako. Di ko kasi maiwasang pamulahan ng mukha, nakakahiya kasi baka mahalata nya yung pag blush ko.
"Edward ako na. "Sabay agaw ko sa panyo nya.
Parang gusto kong magwala sa klase ng titig ni Edward. Jusko! Ayaw kong pagsisihan ang ginawa kong desisyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/85617188-288-k159013.jpg)
BINABASA MO ANG
That Whacky Afternoon In That Salon
HumorSi Maymay ay laking probinsya, pero hindi ito naging hadlang para marating gusto sa buhay. Kahit salat sa karangyaan pinalaki naman siyang mayaman sa pagmamahal at may takot sa dyos. Napadpad sya sa Maynila para patunayan sa lahat na kaya nyang mag...