Conviction

260 34 5
                                    

That Wacky Afternoon in that Salon

by Shise004

Chapter 20



Makalipas ang ilang sandali, inihinto nya na rin ang kotse. Di ko alam kung nasaang lugar kami. Sa tingin ko gusto nya lang na makalayo sa lahat at marahil linawin ang mga bagay bagay.

Dahan dahan syang pumihit paharap sakin. Kaya lang hindi nya magawang salubungin ang mga tingin ko. Ramdam nya atang galit na galit ako. Sabagay sino ba namang santa ang hindi maiinis sa ginawa nya. Ikaw kaya paniwalain na gustong gusto ka niya na may care sya sayo at ang sweet sweet nya pa, di ka kaya maniniwala? Oo noong una nasasakyan ko pa mga trip nya pero nitong huli, mukhang naiba na yung pagtrato ko sa kanya kaya nasasaktan ako ngayon. Nasasaktan ako dahil gusto ko na sya. At salamat sa party na yun nalaman ko kung ano talaga ako sa kanya.

Uto-uto!

Noong una okay lang wala naman kasing mawawala sakin kaya sinakyan ko ang kahibangan nya pero di ko inisip na hahantong kami sa ganito.

Gusto ko syang kalbuhin dahil sa pang uuto nya sakin.

"Bakit Edward anong ginawa ko sayo at nakakaya mo akong utuin? "may pagka-histerical kung tanong sa kanya. Parang gusto ko rin tuloy palakpakan ang sarili. Flawless kasi yung pagkakatanong ko ni hindi man lang ako pumiyok. Tumingin sya sakin para lang din umiwas ng tingin. Marahil hindi sya sanay sa pagiging pranka ko.

"Im sorry Maymay! I don't know, they left me with no choice! " nangunot ang noo ko.

"No choice ?" wala pa pala syang choice sa lagay na yan? Dahil ba sa mukhang ito lang ang nakaya nyang utuin? Di ko mapigilang umusok ang ilong  sa asar."Anong kinalaman nun sa pang uuto mo sakin?" Naiinis kong lintanya. Magkaka alaman na. 

"Maymay relax okay, let me explain!"Sinasabi nya yan habang nakataas ang dalawang kamay nya! ako pa ba? Tinalo ko nga dati si Pilita sa declamation eh. Cream class kaya ako dati. tss.

Humigit sya ng mahabang buntong hininga at lupaypay ang mukhang hinarap ako. "I forgot about that engagement and it came so suddenly! And I think you are the right person who can help me? "Sa napaka mahinahong boses.

Pero di ako nagpatinag di nya ako madadala sa paawa effect nyang yan. Ang sabihin nya wala lang talaga syang choice kaya ako ang nauto nya. Hays ! gusto ko ng sabunutan ang sarili dahil sa kabubuhan ko. Bakit nga ba ako naniniwala sa kanya?

"I'm really sorry Maymay, if I wasn't able to tell you, pls forgive me. I never thought that they will did it again... The last time i know it was my sister.. "

"Bakit anong nangyari? Anong ginawa nila kay Laura? " sa naguguluhan kung isip.

Tumingin sya sakin ,di ko alam pero nakakapaso yung paraan ng pagtitig nya. Kinalma ko ang sarili ayaw kung magmukhang, naapektuhan dahil sa presensya nya.

"She got engaged too. And I can't let them control me, my decisions and the person that I want to be with in the future, "sinasabi nya yan na parang ako yung gusto nyang makasama sa pagtanda. Ramdam ko ang pag iinit ng mukha ko. Tss.

Sa ngayon ang gusto ko na lang gawin ay ang umuwi ng makapagpalit ng damit dahil kating kati na akong ibalibag sa pagmumukha nya ang gown na to. 

"Maymay listen!"Sabi nya sabay hinawakan ang magkabilang pinsgi at pilit akong pinapatingin sa mga mukha nya. Ano ba, bat ang lapit? Habang magkahinang ang mga mata namin. "I want you to stay with me, until such time na mahanap na namin si Tita. Please! Help me."pag mamakaawa nya. I kennat! Ramdam ko ang pag iinit ng buong sulok ng pagmumukha ko.

That Whacky Afternoon In That Salon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon