Chapter 2"Hello, magpapa pedicure kaba?"
Bigla akong nataranta ng mapansin ang isang baklang ang kikay kong manamit.
Napalunok ako.
Bigla kasi akong nakaramdam pagkapagod kanina kaya, nakiupo muna ako dito sa labas ng salon.
Napansin kung tumaas ang isang kilay ng bakla! Hindi ko pa pala sya nasagot.
"Ah, ehh---"
"Tian-tian, " sabi nitong agad hinuli ang tingin ko. Pangalan nya ba yun?
"Ah-ehh, Tian nakiupo lang ako, napagud kasi ako sa paglalakad,galing pa akong probinsya, ah ako nga pala si Maymay, " sabi ko at naglahad ng kamay sa harap nito.
Agad namn nitong tinanggap ang kamay ko. "Ganun ba, halika pasok sa loob. Wala naman kasi kami masyadong customer ngayon, pagagandahin kita! "
Hindi ko alam, parang bigla akong naistatwa sa sinabi ni Tian. "Patay na!" usal ko bago ako nahila papasok sa loob ng salon.
Pagkapasok agad sumalubong ang fresh lemon scent sa buong paligid, napakalamig sa loob. Napaka aliwalas tingnan yung black and white na color combination na syang tema ng salon.
Nakakagulat din yung mga kagamitan nila, from blower, hair curler, plantsa ng buhok at yung para sa hot oil bayun? Yung bilog, alam ko yan eh, nakita ko na yan dati sa probinsya namin. Pati mga mwebles mula chairs,mirrors na mukhang mamahalin. Kumpleto talaga sila,ginastusan talaga. Sa palagay ko bagong tayo palang ang salon nato.
Pinaupo agad ako ni Tian-tian. Sa malapit na sofa set. Palagay ko napakalambot nun.
"Relax ka muna dyan sissy." Sabi ni tian bago umalis at lumapit sa dalawang kasama nito.
Hindi nga ako nagkamali ang lambot ng kutson. Sa amin kasi sa probinsya upuang kawayan lang meron kung hindi ay papag.
Samantala at pinagpatuloy ko naman ang pagmamasid. Siguro ang sayang magtrabaho dito. Marunong din naman kasi ako sa mga ganyan. Pedicure,hair and make up ,tsaka hair cut. Kasi yung Nanay ko may pa all around home service yun. Wala kasi kaming perang patayo ng tulad nito. Pero masasaan ba makakatulong rin ako.
Bigla akong nataranta ng naalala may hahanapin nga pala akong lugar. Kung saan pwedi mag workshop at bulaga magiging modelo kana. Ganun pagkakasabi ni ating recruiter dun sa probinsya namin eh.
Tatayo na sana ako ng makita ako ni Tian tian.
"Wititit,san ka pupunta? "
"Naku, muntik ko ng makalimutan may pupuntahan pa pala ako. "
Nakita kung nanulis ang nguso ng bakla.
"Saan ba yan, baka makatulong ako, " si Tian-tian. Dahilan upang mapangiti ako.
"Ito, " sabay pakita nung papel na bigay sakin. Na naglalaman ng address nung lugar na may libreng pa workshop.
"Naku, sissy sigurado ka ba na dito ka pupunta sa lugar na etey?"
Tumango-tango ako bilang tugon. Bigla ding may bumundol na kaba sa dibdib ko.
"Bakit po, anong meron sa lugar na yan? "Sabi ko na pilit kinakalma ang sarili.
Wag naman sanang gawa gawa lang nung ale.
Agad tumabi si Tian sa kalapit na upuan malapit sakin. "Ang alam ko, kasi slaughter ang lugar na yan. "
Hindi ko mapigilang manlaki ang mata! Putek. "Talaga? Yan ba yung katayan ng baka, baboy at manok? "
Nakita ko ang sunod sunod na tango ni Tian-tian.
Napatay na. Hindi ako papasang baka at baboy, manok pwede pa. Aishh. Ano ba tong naiisip ko.
Parang nanghihinang napasandal ang likuran ko sa napakalambot na sofa.
Paano nahh? Ano ng gagawin ko? Agad kung binuksan ang hand carry bag na bitbit ko at hinagilap yung wallet kung sa tingin ko ay wala ng laman.
Nanlumo ako sa nakikita ko, ni singkong duling wala. Binaligtad ko nat lahat, wla talaga!
"Okay ka lang sissy? "Maya Maya tanong ni tian.
"Mukhang mastranded ata ako dito sa Maynila, " malungkot na tugon ko.
"Bakit? Wla ka bang kapamilya dito? "
Umiling ako. "Nasa probinsya silang lahat! " medyo naluluha kong sambit.
"Naku sissy! "Sabay tayo ni tian"wait lang sissy may kakausapin lang ako. " paalam nya bago ako iniwan mag isa.
Ilang sandali nakabalik na si Tian-tian. Kapansin-pansin yung malawak na ngiti sa mukha nya.
"Sissy I have good news ! " napaarko ang kilay ko di dahil antagal nyang nakabalik at nabagot ako sa paghihintay. Kundi dahil sa pag iingles nya.
"Ahmm, ano po yun? Tagalogin mo nlng mahina ako sa Ingles! " turan ko.
"Sabi ko meron akong magandang balita, " tumangotango ako, "tinanong ko ang manager namin kung pwede kaming magdagdag ng isa pa dito. At sabi nya ok lang daw as long as productive, "
Hindi ko alam pero kamuntik na akong tumalon sa tuwa. "Talaga? Seryoso? Nahh Salamat!" maluha luha kung sabi sabay yakap kay tian!
"So tatanggapin mo ang offer namin na magtrabaho dito? "
"Hala! Oo uy, salamat ng malaki Tian! "
"Mabuti, simula sa araw na ito sissy na ang tawagan natin. "
"Okay yan sakin, sissy. "
Sabay high five namin dalawa!
Ang saya ko, kahit naloko ako, may nahanap naman akong trabaho. Makakatulong parin ako kay nanay.
"Yes! May work na ako!" Sabay talon talon.
"Magsisimula kana bukas sissy!"
"Pwede ngayon nah? " pabirong sabi ko.
Tumango tango si Tian. "Sure sissy!" Sabay palakpak nito sa Ere. Na tila para bang may naalala bigla. "Bago yan, maupo ka muna dito, "agad naman akong tumalima at naupo sa high chair.
"Bakit sissy anong gagawin natin?"
"Diba sabi ko kanina pagagandahin kita? " napatango tango ako kahit ayaw ko sa ideyang yun. "Relax ka lang sissy. Ako ang bahala sayo. Tiyak magugulat ka. "
A/N : keep on voting BB MAYMAY to 2366 (:
BINABASA MO ANG
That Whacky Afternoon In That Salon
HumorSi Maymay ay laking probinsya, pero hindi ito naging hadlang para marating gusto sa buhay. Kahit salat sa karangyaan pinalaki naman siyang mayaman sa pagmamahal at may takot sa dyos. Napadpad sya sa Maynila para patunayan sa lahat na kaya nyang mag...