That Wacky Afternoon in that Salon
By Shise004
Chapter 11
Hindi nga ako nagkamali, buong magdamag kong hinanap ang attic san ba kasi yun? Gawa ng hindi ko agad nasundan si kuya Ome ito, nasundan ayun, puyat ako ngayon. salamat kay Manang Betsy na hulog talaga ng langit. Sa tuwing kailangan ko ng tulong hayan sya at bigla-biglang masa-salubong ko sa may daan. Agad nya akong hinatid dito. Di ko tuloy mapigilang yapusin si Manang. Nakakamis din palang walang nanay.
Gusto ko pa sanang pasalamatan si manang pero nagpaalam din ito agad.
Hinapyawan ko ng tingin ang silid na sinasabing attic. "Ito pala yun? " sabay buga ng malalim na hininga, "attic pala tawag sa kwarto na nasa malapit sa bubong?," Bulong ko sa sarili. "Wala naman kasing ganun sa bahay namin. Tumingin ka lang sa kanan tiyak kwarto ng Nanay yun tas kaliwa naman ay ang akin. " sabi ko na sinabyan ko nadin ng irap.
Huminga ulit ako ng malalim, isang araw din ang lumipas na hindi ko nakita si Edward. Sabay hawak ko sa may bandang dibdib ko. Parkiramdam ko may kumirot dun na kung ano.
Agad kong pinihit ang doorknob ng pinto----- maalikabok na sahig, at pawang mga sira-sirang mwebles at gamit ng mansyon ang bumungad sakin.
Dahan-dahan akong naglakad papasok. Inaninag ko ang kabuoan ng attic. Napakadilim sa buong silid. Kung matatakutin siguro ako, malamang kanina pa ako kumaripas ng takbo.
Napangiti ako nang mahanap ang bintana ng attic. Dali-dali ko itong binuksan, dahilan upang lumiwanag sa kabuoang silid. Sinimsim ko ang banayad na simoy ng malamig na hangin. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan, ng makita ang magandang tanawin na bumungad sakin.
"Good morning Mr. Sunshine? " bati ko sa mahal na araw. Mula dito makikita mo, ang nagagandahan at makukulay na bubong ng bawat bahay. Pati mga naglalakihang puno ng pine at Indian tree. Tumingin ako sa kaliwa, makikita mo naman ang chappel sa lugar na yun at sa kanan naman ay malaking fountain nagsisilbing pahingahan gawa ng may maraming bench na nandun. Kapansin-pansin din na may swimming pool bawat bahay dito. Kaya lang ang swimming pool ata nina Edward ang pinakamalaki sa lahat. Na ngayon ay masipag na nililinis ni kuya ome. Ilang feet kaya yan? sabi ko sa sarili. Ano kaya pakiramdam maligo sa ganyan? Sa probinsya kasi namin kuntinto na ako sa batis eh.
Napapikit ako sandali at nag isip "Hindi naman siguro masama-dito na muna ako pansamantala." Sabay balik ko ng tingin sa loob ng attic.
Napako ang tingin ko sa malaking cabinet, maliban sa luma tingin ko matibay pa naman ito. Hindi ko napigilan ang sariling buksan at alamin kung ano ang laman ng cabinet. Mukhang mga laruan at mga lumang aklat lang ang laman nito. Isasara ko na sana ito ng biglang may mahulog, sa ulo. Hindi ko mapigilang mapahiyaw, sabay hinimas ko ang noo ko. Malamang magkakabukol ako nito. Agad kung pinulot ang malaking libro na nahulog, kapansin-pansin na napaka maalikabok nito. Agad ko itong dinala at naupo sa kalapit na sofa.
Noong una akala ko talaga libro, Mali pala ako photo album naman pala kasi ang laman ng bagay nato. Dahan dahan kung tiningnan ang mga pictures, napansin kung wala naman akong kilala sa mga taong andun kaya agad ko na itong tiniklop, para ibalik sana doon sa cabinet ng mapansin ang isang picture. "Malamang nalaglag ko ang isang yan" pinulot ko ito at sa walang dahilan ay tinignan ko bawat isa sa na nasa picture. Agad kung namukhaan si Tita Liela, alam kuna na agad sya yun. Pero napahinto ako sa isang ginang, pakiramdam ko kasi nakilala ko nato din to dati.
Hindi ko mapigilang mapaisip sa bagay na yun. Hindi naman kasi ako lagalag madalas nasa bahay lang ako kaya imposible na na-meet ko na ang ginang na ito.
BINABASA MO ANG
That Whacky Afternoon In That Salon
ComédieSi Maymay ay laking probinsya, pero hindi ito naging hadlang para marating gusto sa buhay. Kahit salat sa karangyaan pinalaki naman siyang mayaman sa pagmamahal at may takot sa dyos. Napadpad sya sa Maynila para patunayan sa lahat na kaya nyang mag...