Chapter 36

340 27 6
                                    


That Wacky Afternoon in that Salon

By Shise004

Di ko akalaing ang bilis-bilis lumipas ng araw. Halos tatlong linggo na rin ang lumipas nung umalis si Edward for business trip---Oh baka wala na talaga syang planong umuwi?

Huminga ako nang napakalalim. Nasa kwarto ako ngayon naisip ko lang maglinis. Wala naman kasi akong gagawin. Ayun punas dito, walis doon. Hays!  Di ko mapigilang sapuhin ang balakang ng may maramdaman akong tumunog dun. Di ko nalang ininda baka kasi kolang lang ako sa stretching.

Nang matapos akong maglinis naisipan kong buksan ang bintana ng pumasok naman ang sariwang hangin. Ani ko sa isipan ko. Kaya lang ang hirap mabuksan ,tinray ko ulit itong i-push ayun at biglang bukas ng window agad sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin kasabay ng pag takip ng isang bagay sa aking mukha. Lapastangan!!  Mabilis ko itong kinuha sa pagmumukha ko,  yung inakala kong papel, business card pala. Teka lang!!! Naalala ko lang ito yung inabot ni Ser Tanner sakin dati. Sabi pa nya noon may potensyal daw ako sa pag momodelo. Nukss! Di ko mapigilang manggigil. Pero di nga?

Agad kong pinagmasdan ang calling card, andun ang business number ni Ser Tanner. Nag isip ako. Pano kaya kong ituloy ko yung pangarap ko? Pero paano naman kami ni Edward? Baka sumama loob nun pag nakipag usap ako kay Ser Tanner. Hmmm?!! 

Ilang saglit din akong nag isip bago nilapitan ang telepono. Paano kong ito na ang sagot sa mga pangarap ko? Total wala naman si Edward at hindi ko alam kong kailan ang balik nya, mabuti narin tong pagka abalahan.

Naka tatlong balik  na ako ng tawag  ng sa wakas ay masagot ang tawag ko.

"Hello, how may I help you this is Tanner? "

"Hello Ser Tanner?  Ano po ,si Maymay po ito. "

"Maymay?  Oh hello, bakit ka napatawag? "

"Kasi yung sinabi nyo po sakin dati, na if gusto kong shbukan ang modeling, kasi po sa napag isip-isip ko po gusto i-try. Kung di man po ako papalarin okay narin at least sinubukan ko. Pangarap ko po kasi talgang maging modelo. "

"No worries Maymay I'll beep you once we have the audition date, magpapa audition kasi kami for newcomers. If magustuhan ka nila for sure you will start immediately. "

"Talga po? "

"Oo Maymay! I'll save this number, and I will let you know the date and the venue ng makapaghanda ka. "

"Salamat po Ser, "

Matapos kong magpasalamat kay Ser agad ko nang tinapos ang tawag. Wow!  Di ako makapaniwala! Parang sasabog ang dibdib ko sa saya!

Mabilis akong lumabas ng silid ni Laura at tumakbo palabas ng mansyon para sabihin nag magandang balita kay Manang. Kaya lang wala ata sa labas si Manang. Ah baka nasa kitchen. Agad akong naglakad papasok ng main door ang tinungo ang magarang kusina ng mga Valencia. Ayun nga!  Busy pala si Manang sa kusina. Pagpasok palang ng kusina ay amoy na amoy ko na agad ang mabangong ulam na niloloto niya.

Mabilis kong nilapitan si Manang at para mas exciting di ko napigilang gulatin ito mula sa likuran.

"Manang !!"

"Dyoskong mahabagin!  Hija, wag mo ng uulitin at baka atakihin ako sa gulat. "

Sambit ni Mananh habang sapo sapo ang kabilang dibdib. Agad naman akong humingi ng paumanhin. Nasobrhan ata ako sa excitement.

"Pasensya na Manang nakalaklak lang po ng happiness!!  "

Sabay ngiti ko sa kanya.

"Aba!!  Masaya ako hija at bumalik na ang sigla mo. "

Napaisip naman ako pati pala si Manang apektado sa nangyayari sa amin ni Edward. Hays!  Di ko maiwasang mahabag ang damdamin. 

"Pero 'Nang may good news po ako. "

"Oh ano yun hija? "

"Gusto ko pong mag audition bilang isang modelo at maganda po ang reply nila sakin. Inaantay ko nalang ang tawag nila. "

Masiglang kwento ko.

"Naku hija, mukhang matutupad na ang mga pangarap mo, halika na dito at kumain ka muna,"

Agad kong nilapitan ang lamesa napansin kong nakapag latag na pala si Manang. Di ko man lang napaansin sa kaka kwento.

"Manang sa tingin nyo po ba magiging okay lang lahat ?"

Di ko mapigilang tanungin si Manang.

"Alam mo hija panginoon lang ang nakakaalam ng mga bagay bagay. Pero sa tingin ko wala namang masama kong gusto mong abutin ang mga pangarap mo. Pambihira lang sa atin nakukuha ang mga pangarap sa buhay. Hija pag sayo talaga, ibibigay nya yan. Tiwala lang hija. "

"Pero baka ayaw ni Edward na maging modelo. Alam mo naman ang kalagayan namin ngayon. Ni wala nga akong balita sa kanya. "Di ko maiwasang malungkot sa istado ng relasyon namin.

Di naman kaila sa akin ang mga iilang news na nababalitaan ko sa labas. Ang  alam ko nasa labas ng bansa si Edward para mag training. Syempre sya na ang bagong  CEO ng kompanya,  na wala naman akong ediya kong anong klasing kompaya yun.

"Huwag kang mag alala hija, masasaan ba at magiging tama rin ang lahat. " sabay nun ay mariing hinawakan ni Manang ang kanang kamay. Ramdam ko ang pagiging sincere ni Manang dun.

Matapos nang masinsinang usapan namin ni Manang. Naisipan kong sumaglit sana sa kwarto ni Laura naiwan ko kasi ang cellphone ko. nang mapadaan ako sa silid ni Edward.

Agad akong napahinto kasi bakit nakabukas yung pinto? Wala naman akong maalala na iniwan ko itong nakabukas ay baka si Manang.

Wala sa loob na sasarado ko na sana iyon ng may marinig akong kumusyon sa loob."Sinong andyan? "Sambit ko at Agad kong niluwagan ang pagkakabukas ng pintoan. Ilang minoto rin ang lumipas ng wala namang sumagot. Napag isip-isip kong buksan ang ilaw, na mabilis ko namang nakapa sa kaliwang ding-ding.

Mabilis kong hinanap saan galing yung maliit na ingay kanina. Nilapitan ko ang malambot na kama ngayon ay wala man lang umukupa. Ewan, namimis ko na nga ata ang Edward na yun. Napaisip tuloy ako, mainam din pala yung magpa Miss din kung mensan. Kasi napapatay ng lungkot yung galit. Aishh! Agad akong napapailing at naisipan kong i-check ang ilalim ng kama.

Dahan dahan akong umupo at sinilip ang ilalim ng kama, bigla akong matumba agad kasing lumabas ang salarin. Di nga...may pusa!!!  Maabot ko na sana ito ng biglang itong tumalon sa mahogany table ni Edward, dahilan upang maglaglagan ang mga gamit doon kasama ang isang maliit na kahon.

Dadamputin ko na sana iyon ng makita ko ang pusa na dumaan sa may veranda. Mabilis kong binuksan ang sliding door para mahuli ang pusa pero mabilis itong tumalon. Sa kabilang veranda at pumasok sa silid ni Laura.

"Patay kang pusa ka, " agad akong tumakbo papasok sa silid ni Laura at hinanap ang pusa. Ilang minoto narin ang lumipas pero wala na ito doon. Malamang tumakas na yun. Hmmm.

Binalikan ko ang kwarto ni Edwrd ng maalala ang maliit na box. Nilapitan ko ang mesa kung saan dun ko naalala na dun yun nalaglag.  Ganun na lang ang gulat ko ng mawala dun yung box.  Lumipat ako sa kabilang side pero wala padin. Anong nangyayari? Kanina lang andyan lang yun,tapos ngayon biglang mawawala? 

Humayghad....biglang bumilis ang pintig ng puso ko parang may Multooo!!! Sigaw ko Sabay takbo!!! 

-------

Itutuloy nga kaya ni Maymay ang pag momodelo oh lalayas na sya sa bahay ng mga Valencia dahil sa takot sa multo?  😂

That Whacky Afternoon In That Salon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon