That Wacky Afternoon in That Salon
By:shise004Chapter 8
Kasalukuyang nagpapahinga ako dito sa kwarto, ni Laura. Nakakapagtaka diba? Nagising nalang akong andito nasa napakalambot na kama.
Pagbaling ko sa kabilang parte ng higaan napansin ko agad ang bedside table. Maraming pictures ang nakalatag doon, andun si Laura pati si Edward na nakabusangot ang pagmumukha.
Bumangon ako, napansin kung medyo dumidilim na pala sa labas...
Sa kabila ng pag aalala ko hindi ko mapigilang mamangha sa napakagandang kwarto na pinagdalhan sakin. Hanggang sa mapadpad ang paningin ko sa nag iisang portrait na andun sa pader. Si Laura ---- si Laura nga at Yung ----aso.
Hindi nga ako namamalikmata. Si Boni ---ang alagang aso ni Laura. Simpleng aso lang naman si Boni parang aspin ba yun? Kaya lang bat ganun nlng sila ka close? Kaha pala hinahanap nito sakin si Laura kanina. Namimiss din pala ng mga aso mga amo nila? Di ko alam. Pusa lang kasi meron kami dun sa probinsya. Ang pagkakaalam ko ang pusa tapus makakain tutulog lang naman agad eh.
Pero teka, naka idlip pala ako kanina? Matapos kasi akong kausapin nung Ginang kanina na Liela ang pangalan. Malamng nakatulog ako agad. Sino naman kaya nag bitbit sakin dito?
Di ako mapakali, patuloy ko paring iniisip kung sino. Si Tita kaya? Si Kuya Jerome? Hmm, luminga linga ako, para hanapin si ---- ikaw kaya? Sabay turo ko kay Boni na sa tingin ko ay nagpapahinga. Nakita kung tumayo ang isang tinga nito. Pero binaliwala lang nito, ang pagtatanong ko. Malamang iniisip nito si Laura.
"Eh kung hindi ikaw, sino? "Sabi ko sabay napatingin sa pinto at nakita ang isang bulto ng tao.
"Kanina kapa dyan? " ako sabay hawak sa may bandang dibdib. Kamuntik pa akong atakihin sa puso dahil sa gulat.
"KALOKA!!! Ano to, lulubog lilitaw? " sabi ko at sinabayan ng pag iling.
"Ninang wants to talk to you... " sa mahinang boses nito.
Nag kibit balikat ako sa sinabi nito sabay napatayo. Nang palapit na ako sa kinatatayuan nito. May binubulong ito. Iwan ko ba hindi kasi malinaw.
Parang "after this you are free to leave this house!? " parang yun. Eh hindi ko naman maintindihan edi, nginitian ko nlng sya.
Pagkalabas ko ng silid dumeritso ako at hinanap ang library. Andun daw kasi si Tita.
Nang matuntun ang library, pinasalamatan ko si Manang Betsy na syang nakakita sakin na paikot ikot sa buong mansyon. Napansin daw kasi niyang limang beses na akong paulit ulit at pababalik balik. Kaya tinanong niya kung nawawala ba daw ako, ang sabi ko, opo malapit na malapit na akong mawala sa sarili. Sabay hagalpak nito ng tawa. Iba din eh, totoo naman kasing mawawala na talaga ako sa sarili.
Nang iwanan ako ni Manang Betsy agad akong kumatok. Tatlong sunod sunod na katok ang ginawa ko.
Nang makapasok sa loob, agad akong pinaupo ni Tita sa katapat na upuan ng mahogany table. Magkaharap kami. Agad akong dinapuan ng kaba. Bka kasi may kasalanan ako sa kanya kaya nya ako pinakuha at dinala dito sa mansyon..
"Hija. Bago ang lahat. Kamusta pala kayo ni Edward? "
"Ah --- kami po, wala pong kami. Este--mabuti po. " sabay ngiti ko na okay lang ang lahat. Kahit na sinusungitan ako ni Edward, wala na yun sakin.
"Anyway, hija. Pansamantalang ikaw muna ang mag aalaga kay Boni. "
"Ho--??? " sa hindi makapaniwalang untag ko.
"No buts hija. Kasalukuyang nasa London si Laura, at ako kailangan ko munang umuwi ng Germany. "
"Pero ---"
"Wag kang mag alala bibigyan kita ng paunang sweldo. "
"Ho? Swelduhan nyo po ako? "
"Aba syempre naman, wala ng libre-libre sa panahon ngayon. "
Napalunok ako. Nang mapansing may pinipirmhan si Tita. Sabay abot nito sakin, agad ko naman itong tinanggap. Syempre ako pa ba ang choosy?
"Salamat po. Anlaking tulong po nito. "
"Walang anuman hija. Pasama ka nalng kay Edward para makuha ang pera mo. "
Tango lang ang naging sagot ko. Matapos ang pag uusap namin. Nagmamadaling bumalik ako sa silid ni Laura. Salamat at hindi naman ako nawala.
Nagmamadaling pinakita ko ang cheke kay Boni. Na ngayon ay mukhang tuwang tuwa rin kagaya ko.
"Wag kang mag aalala Boni, ililibre kita. Gagala tayo. " sabay tawa ko ng malakas..
Tahol lang sinagot nito sakin. Ako nman hindi makapaniwala sa nakikita kung ganun kalaking pera na ibinigay ng Ninang ni Edward. Ang yaman talaga nila.
Bababa na sana ako ng mapansin ang kadilliman sa labas. Nakabukas kasi ang pinto papuntang veranda.
Sasarado ko na sana ang pinto pero biglang humarang si Boni dun at tuloy tuloy na lumabas.
"Boni, pasok dito. Uy... "
Sadyang bingi ang asong to. Sa isip ko.
"Boni? " nakita kung naupo ito sa malawak na bakanting upuan dun. At parang taong
pinagmamasdan ang kalangitan.Dahan dahan akong tumingala. At napansin ang isang tila bulalakaw. Hindi ko mapigilang mamangha.
"UY SHOOTING STAR! ".
Nakapag tatakang napalingon ako sa kbilang banda ng Veranda at hindi nga ako nagkamali si Edward. Napansin din ata nito ang pagdaan nung bulalakaw. Sabay tingin na may inis sa akin.
Tsk!! Ano na naman bang ginawa ko? Pag aagawan din ba namin ang shooting star na yan?
Inirapan ko lang ito. Hindi ako nagpatinag sa masamang tingin nito sakin.
Pero ilang segundo lang at ito narin ang unang bumitaw ng tingin at padabog na binuksan ang pinto sabay balibag nito. Wow ha, ibang klase. Sabay iling ko.
"Hayaan mo, Edward. May araw ka rin sakin. "
--------
Thank you for Reading 😊
A/N
Manood po pala tayo ng TITIG NG PAGIBIG Finale episode tonight 9pm po yan..
#MAYWARDIkayArenFinale
![](https://img.wattpad.com/cover/85617188-288-k159013.jpg)
BINABASA MO ANG
That Whacky Afternoon In That Salon
HumorSi Maymay ay laking probinsya, pero hindi ito naging hadlang para marating gusto sa buhay. Kahit salat sa karangyaan pinalaki naman siyang mayaman sa pagmamahal at may takot sa dyos. Napadpad sya sa Maynila para patunayan sa lahat na kaya nyang mag...