A/N: Salamat sa mga comments at suggestion. Kaya wag na nating patagalin.. Enjoy Reading !! ;)
That Wacky Afternoon in that Salon
By Shise004
Chapter 26
"Good morning Manang?"
"Oh hija mag-almusal kana, lumalamig na yang pagkain mo."
"Si Edward po? " sabay binalingan ko ng tingin ang side kung saan madalas nakaupo si Edward.
"Abay, kaaalis nya lang, sa office na lang daw sya kakain. Malalate na daw kasi sya, "
Diba sa kanya yung office? Edi sya ang boss! Paano sya malalate?
Shunga! Ayaw kayang nalalate ng mga boss. Ang hirap kaya nun, ikaw mismo mag pa file ng leave of absence para sa sarili mo?
Sabay napatingin ako sa orasan. Alasyete pa lang naman ng umaga.
Agad kong narealize na baka may iniiwasan sya? Sino naman kaya? Imposible namang si Manang itatatlo na nga lang kami dito eh. Nailing iling na lang ako habang nilapitan ang mesa.
Di ko alam pero kada subo ko ng pagkain parang di ko nalalasahan yung kinakain ko. Wala talaga akong gana. Simula nong di ko na nadadatnan si Edward kumain. Pansin kong madalas ding hating gabi na sya kung umuwi at aalis naman ng maagang maaga.
Di ko alam kung itutuloy pa ba namin tong pagpapanggap namin o hindi na lang.
Tinapos ko na rin ang almusal at dumeritso na rin agad ako sa library. Dadating na yung guro ko anytime. May isang linggo nya na rin akong tinuturuan. Sabi nya iba naman daw ang pag aaralan namin ngayon. Kaya kahit papano excited din ako. Kahit hindi na si Edward ang nagtuturo sa akin.
Mga mahigit isang oras din akong naghintay sa library. Inaliw ko na lang ang sarili sa tulong ng pagbabasa. Ilang ulit din akong nag practice na mabalanse ang libro at tagumpay ako kasi kuhang kuha ko na. Sana matuwa si Edward sa mga pangyayari. Alam ko ibabalita ko ito sa kanya. Aantayin ko kaya sya mamayang gabi?
Napansin kong may kumakatok sa pintoan. Mabilis ko itong nilapitan. Nilakihan ko agad ang puwang ng pinto. Di naman kasi yun nakalock nakapinid lang, mabilis kong binati si Sir Teejay. Ang alam ko may pagka binabae si sir kaya komportable ako sa kanya. Ewan ko lang kong alam ba ni Edward yun.
Nakipag beso muna ako sa kanya,"Halika sir pasok ka.. "
"Naku. Tara doon tayo sa receiving room. Formal dining Etiquette naman ang ituturo ko sayo ngayon."
Sabay hila hila nya ako papuntang receiving room. Isa sa mga katangian ni Sir ay napaka metikulusa nya, kahit pinaka maliit na detalye ay tinuturo nya. Saka hindi sya nawawalan ng pamaymaypay sa kamay nya. Kaya nasasabi kong baks sya.
Nang marating namin ang lugar mabilis na pinaghila ako ng upuan ni Sir. Napaka Gentleman naman ni sir. Di ko mapigilang mapangiti sa kanya. Kahit babakla bakla si Sir hindi sya papahuli sa kagwapuhan ni Edward. Napaka kinis din nya at sobrang perfect nung mukha nya. Pero kagaya nga ng sinasabi ko malamya talaga syang kumilos.
"Maymay isa sa mga rules kapag nasa formal dining ka wag na wag mong itutukod ang siko mo sa mesa. Umupo ng tuwid and always start from the outside. " tumango tango ako at hinarap ang nasa harapan ko.
Sa fine dining pala merong six meals ibig sabihin may anim na mean course na nakahanda sa plato mo. Merong tatlong tinidor apat na wine glass sa gilid at iba't-ibang kutsara at kusilyo na may ibat ibang hugis. Mensan nakakataranta kung ano ang uunahin kong kunin pero sabi nga ni Sir Teejay ay palaging magsimula sa labas at dapat compose lang. Shit! parang gusto ng dumugo ng ilong ko dahil sa dami nang English na nailalabas ko. Haha
BINABASA MO ANG
That Whacky Afternoon In That Salon
HumorSi Maymay ay laking probinsya, pero hindi ito naging hadlang para marating gusto sa buhay. Kahit salat sa karangyaan pinalaki naman siyang mayaman sa pagmamahal at may takot sa dyos. Napadpad sya sa Maynila para patunayan sa lahat na kaya nyang mag...