That Wacky Afternoon in that Salon
By Shise004
Isang makulimlim na umaga ang sumalubong sa akin kagagaling ko lang sa isang photoshot na kailangang gawin magdamagan. Grabe! Di ko akalain na nakama drain yun ng energy buti nalang at nasa condo na 'ko. Nag istreching muna ako sandali. Kunting sipa sa kanan at kaliwa tapos side jump naman at mabilis pa sa alas kwatrong napasalampak ako sa napakalambot kong sofa. Hinagilap ng kamay ko ang remote control parang reflex ko na ata to sabay pindot sa pawer! Charan...taray lang din agad nag on ang malaking flat screen tv sa harap ko. Sumandal ako sa malambot na sofa at napahikab ng wala sa oras. Mukhang kailangan ko ng mahaba-habang tulog. Papikit na sana ang mga cute kong mata ng mapansin ang headline sa star news. Pusang gala si Edward ba yun? OmyGod!!! EDWARD?!!!
Bakit nasa balita sya? Pero ganun na lang ang pagkagulat ko ng mapansin kung sino-sino ang nasa likuran niya. Di ako pweding magkamali si Maam Anne yun at si Kisses? Ibig sabihin totoo nga ata yung balita sa tabloid dati.
Which is hindi ko pinaniwalaan, sabi kasi nina kuya Ome gawa-gawa lang ng mga chismosong writers ang mga yun. Kaya ganun na lang ang pagka dismaya ko sa mga nakikita at nababalitaan pati sa social media. Kahit papano meron narin akong facebook, instragram at twitter. Nakakawala naman kasi ng stress mensan yung pag nag enggage ka sa ganun. Lalo na sa panahon ngayon masyado ng techy ang mga tao. Saka nagagamit ko din talaga yung messenger pag nag vivideocall kami ni Nanay. Nung last na tumawag ako sa kanya ang alam ko mabuti na ang pakiramdam ni Mommy Cathy. Kahit di ko laging nakakadaupang palad ang Nanay ni Edward, alam ko sa sariling magulang ko narin sya. Syempre kasal parin kami ng anak nya.
Di ko na pinatapos ang panonood nung balita. Para kasing kainakain ako ng kaba at pagkasuklam. Hays, Edward bakit mo nagawa sakin to??? Ganun na lang ba ako kadaling kalimutan? Di mo ba talaga ako minahal? Ginamit mo lang ba talaga ako? Sabay sabunot ko sa ulo ko.
Akala ko ba nasa Germany pa sya? Wala man lang text si kuya Ome sakin kong ano pinaggagawa ni Edward dun? Parang gusto ko na namang lamunin ako dito sa kinauupuan ko.
Oo aaminin ko, marahil isa ako sa mga dahilan kung bakit umalis sya at pamuntang Germany noon. Siguro dahil narin mas pinili kung paniwalaan si maam Anne. Ansakit lang mapanood ito sa mga balita at tabloid kung saan may iba na syang kasama at nakakasalamuha. Ni hindi man lang sya nag aksaya ng panahong kamustahin ako. Kung okay ba ako? Kung masaya ba ako? Kung humihinga pa ba ako? Di ko mapigilang mangilid ang mga luha. Kasabay nun ang sunod-sunod at mahihinang hikbi ko.
Pinalis ko ang mga luha sa mukha. Sa kabila ng tinatamasa kong tagumpay sa pagiging modelo ito ako sa tuwing napapag iisa. But then I abandon those thoughts nang maalalang senyalis ito ng aking kahinaan. Mahaba-habang panahon narin lumipas simula noong nagdisisyon akong sundin ang puso ko sa pagmomodelo. Sa tulong narin ni Sir Tanner naging mentor at syang tumatayong Manager/handler ko. Noong nagsisimula palang ako di ko makakalimutan kung paano nya ginawa ang imposeble upang matoto ako.
Syempre pinaalam ko rin kay Nanay ang panibagong chapter na ito sa aking buhay. Wala naman syang pagtotol at suportado daw sya sa magiging disisyon ko sa buhay basta dapat maging handa lang ako sa magiging kapalit nito pagdating ng araw.
Marahil ito na nga ang araw na iyon. Sabay sabunot ko sa buhok ko. Mababaliw na ata ako. Isa't kalahating taon akala ko, wala na iyon. Akala ko limot ko na. Pero andito parin pala. Bumuga ako ng marahas na hangin sabay tayo sa sofang kinauupuan ko at tinungo ang daan papunta sa mini bar ng condo ko. Yez, dito nako nag stay mga isang taon narin. Kasama to sa mga pinirmahan kong kontrata sa agency ni Sir Tanner. I've got two years contract with his agency at wala naman akong masabi sa naging takbo ng buhay at karera ko sa modeling nung kuhanin nila ako.
BINABASA MO ANG
That Whacky Afternoon In That Salon
ЮморSi Maymay ay laking probinsya, pero hindi ito naging hadlang para marating gusto sa buhay. Kahit salat sa karangyaan pinalaki naman siyang mayaman sa pagmamahal at may takot sa dyos. Napadpad sya sa Maynila para patunayan sa lahat na kaya nyang mag...